Chelsea Faye's POV
"Andiyan na sila!"
Napaayos kami ng upo nang dumating na yung SGO Officers nung ibang school.Pero buti nalang. Buti nalang talaga at wala dito si Charles.
"Goodafternoon! I'm Diana Metch Saavedra. Department Secretary of Language."
Napatitig nalang ako dito sa babaeng nasa harapan.Kamukhang kamukha niya yung picture ng babaeng nakita ko sa wallet ni Charles nungaaksidente siya. At may Diana din na nakalagay dun. Tinago ko yung wallet kay Charles. Natatakot ako na baka makaalala siya.
Dalawang taon na saamin si Charles. Kaya kapag naalala niya lahat, baka umalis nalang siya bigla. Baka iwan niya nalang kami.
At diko yun kakayanin.Kasi mahal na mahal ko siya.
Kahit na kaibigan at kapatid lang ang tingin niya saakin."Chels. Ang ganda niya no?"
Inirapan ko nalang tong echosera kong seatmate at humarap nalang uli dun kay Diana at sa kasama niya.Well.. kung ikaw nga ang babaeng minahal ni Charles, gagawin ko ang lahat para di siya bumalik sayo. LAHAT.
Jewel Grace's POV
"Andiyan na yung Department Secretary of Language nila."
Pumasok ang isang familiar figure.
Super familiar. And when he faced us.."B-Brent Charles.."
Siya ba to? Or hindi? Buhay ba talaga to?"Uhh.. Goodmorning po. I'm Charles Abalos. Department Secretary of Language."
Siya.. Charles.. pero bakit iba ang apelyido niya? Bakit Charles nalang? Hindi ako pwedeng magkamali. Si Charles to. Pati boses, mannerisms, at maging ang ngiti niya.. Talagang si Brent Charles Buenavista to."Hey Grace.. okay ka lang?"
Diko pinansin si Kurt at walang ano ano kong hinila yung Charles palabas ng classroom.
Narinig ko pang tinawag ako ng Mam namin pero diko nalang pinakiggan. Kailangan kong malaman ang totoo kung siya ba talaga to."Miss. Saan tayo pupunta?"
Diko siya pinansin .. instead ay dinala ko siya sa rooftop.
Marami silang alaala dito ni Metch. Sobra."Uhm Miss-"
"Hindi mo ba ako nakikilala?"
I suddenly blurted out."Huh? Anong-"
Inilabas ko ang phone ko at pinakita sakaniya ang picture ni Metch. Maging yung 3 eggnogs. Sina Ken, Yuan at Carlo."Sila.. dimo ba-"
"Siya yung.. babae sa swing. Kilala mo siya?"
Natigilan ako nang bigla niyang hablutin ang phone ko at tinitigan ang picture ni Metch.So you mean.. hindi niya kami maalala?!
"Brent.."
Napatingin nama siya saakin na parang nagtataka."Sino si Brent? Kamukha ko ba yun ng sobra para mapagkamalan niyong ako yun?kanina.. pagkapasok ko dito, Brent nanaman naririnig ko."
Hindi. Ikaw at si Brent ay iisa lang Charles. Iisa lang kayo."May.. may sakit ka ba?" Kailangan kong makasigurado. Kailangan kong masiguro ang hinala ko na nangyari sakanya. Hinala ko na baka nawalan siya ng alaala dahil sa aksidente two years ago.
"May.. may amnesia ako."
So.. siya nga talaga!
"Sabi nung mga nakakita sakin, naaksidente daw ako. Tapos ayun.. dahil wala naman daw silang makitang impormasyon saakin, kinupkop na nila ako. Dalawang taon na din ako dun sakanila."
Aksidente. Dalawang taon. Lahat tugma. Tugmang tugma."Wala.. wala ka bang naalala ?"
I asked him.Umiling siya sabay ngumiti.
"Bakit.. kakilala mo ba ako noon?"
Ngunot noong tanong niya sakin.Umiling lang ako. Ayoko pa na malaman niya. Gusto ko si Metch ang unang makaalam. Ayoko mangialam. Atsaka gusto ko din na makaalala siya. Kahit konti lang ngayong araw na to. Dito sa lugar nila ni Metch.
"Miss.. "
Nilingon ko siya."Bakit- CHARLES!"
Brent Charles' POV
"Maghihintay ako Diana . Hihintayin kita."
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at hinalikan ito."Kasi mahal na mahal kita."
Haaaay. Ang sarap talaga sa feeling na lagi mong kasama ang mahal mo no? Sobra."Pre! Ayos ka na?"
Napamulat ako nang marinig ko ang boses ng tropa ko. Si Moshi.
Tumango nalang ako at inilibot ang tingin sa kwarto. Clinic siguro to ng school nila.Pero sino si Diana? Sino siya?
NAKAKAINIS KASI EH! DIKO MAANINAG YUNG MUKHA NUNG NAPAGINIPAN KO.BWISIT TALAGA!
Naalala ko naman yung kasama ko kanina. Shete.
"Pre. Sino nagdala saakin dito?"
Nagkibit balikat lang si Moshi, meaning.. di nya alam."Basta ang sabi ng nurse, babae daw."
Baka yung kasama ko nga kanina yun.aish! Kung bat pa kasi ako nawalan ng alaala eh! Sino ba kasi talaga ako?
"Bro. Tara na daw sabi ni Mam."
Tumango nalang ako at lumabas na ng clinic.Nang makasakay kami sa van, dumating naman ang van ng Academy nila.
At nakaagaw ng atensyon ko nang makita ko yung babae sa swing na may kasamang lalaki. Naramdaman ko naman na sumikip ang dibdib ko.
Sino ka ba talaga? Ano ba talagang papel mo sa buhay ko? Naging parte ka ba ng buhay ko?~
Nang makarating kami sa school, agad akong dumiretso sa classroom. Andun pa kasi yung si Chelsea eh. For sure.
"Chels!"
Napatingin naman siya saakin at napangiti."Oh.. kamusta naman dun?"
"Ah.. may napaginipan ako eh. Babae. Pero diko maaninag yung mukha."
Pansin ko naman ang pagbabago ng ekspresiyon sa mukha niya."A-anong pangalan?"
"Diana daw eh. Ewan ba."
Nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin."Promise me Charles. Dimo ako iiwan kahit na makaalala ka."
Diko alam. Pero diko ginantihan yung mga yakap niya. Kaya siya na mismo ang umalis sa pagkakayakap niya saakin."Charles."
"Tara na. Nakakapagod din tong araw na to eh."
Matapos nun, tumalikod na ako sakanya. Aware naman ako na mahal niya ako nang higit pa sa kaibigan eh. Pero hindi ko masuklian yun. Kasi may umookupa na sa puso ko. Ang problema, diko alam kung sino. Maaring parte ng nakaraan ko na hindi ko maalala. Pero sana.. maalala ko na siya. Kasi nararamdaman ng puso ko na..Miss na miss ko na siya at mahal na mahal ko siya.
~
"Charles! Bili tayo nun!"
Napahinto kami ni Chelsea sa paglalakad nang magsalita siya."Ha? Bukas nalang. Tara na"
Nagsimula na akong maglakad pero ramdam ko naman na hindi siya sumusunod kaya nilingon ko siya."Tara na Chelsea. Pagod ako ngayon kaya pwede ba? Wag ka nang pabebe?!"
iritado kong sambit sakanya tsaka ako naglakad.Aish. Pwede ba ha utak? Makaalala kana? Hirap na hirap na ako.
********
UD po :) 4th Prelims is done ;) vote and comment po :)