Chapter 8: Friendship Blessing

98 2 1
                                    

Ysa's pov

Yun! May pasok ulet T.T Syempre magkakasama ulet kaming magbabarkada. Feel na feel ko ung salitang BARKADA. Sarap pala magkaroon ng set of friends. May mga lalaki at babae tsaka iba't ibang ugali na rin.

"1 hour pa ah bakit parang ang aaga natin?" Tanong ko sa kanila.

"Si Meg kasi!" Inis na sabi ni Nella. Halatang hindi morning person.

"Chill lang kayo guys. Present na ba lahat?" Tanong ni Meg.

"Oo, kanina pa." Sabay sabay naming sabi.

"Oh kumpleto na Meg. Ano bang meron?" Tanong ni Gieve.

"Wala. Naisipan ko lang na ilibre kayo ng Starbucks."sabi ni Meg.

"Jusko! Yun lang pala!! Akala ko kung ano! Oh well, since libre naman, edi tara na!!!" Aya ko.

Sumakay kami ng tricycle. Hindi sanay ung boys dito. Kami naman, sanay na. Yung boys di komportable at reklamo ng reklamo. HAHAHA.

"Sana sa kotse na lang tayo!" Reklamo ni Jab.

"Wag nga kayong aksaya sa gas! Isa pang reklamo, itutulak ko na kayo!" Pagbabanta ni Nella.

Si Nella kasi ung nasa Charity. Tas kaming Dalawa ni Meg na nasa mismong upuan. Then ung tatlong boys, I mean apat kasi kasali si manong, nagsisiksikan sa labas! HAHAHAHA naiirita nga si manong eh.

"We're heree!! Baba na kayo!" Sabi ni Meg.

Nagsibabaan naman kami sa tricycle at binayaran si manong.

"Oh. Order na kayo!" Sabi ni Meg

Edi nag si order na kami. Uminom tsaka umalis.

Pero sa harap ng Starbucks, may simbahan. Gusto sana naming magdasal ng kahit konti,
Pero naalala namin si Meg. Kaya sa labas na lang kami nag dasal. Nag sindi lang ng kandila. Paalis na kami nang makita namin si Father. Pumunta kami at nagbless.

"Wow! May mga bata pa pala ngayon na nagsisimba? Wala ba kayong mga klase?" Tanong ni Father.

"Meron po, pero naisipan po naming pumunta sa Starbucks and nakita po namin ung simbahan kaya po nag dasal kami, tapos po nakita namin kayo." Pagpapaliwanag ko.

"Daldal talaga" sabat ni Mace. Kay humarap ako sa kanya at binelatan siya.

"Hahahaha! Magkakaibigan ba kayo mga hijo't hija?" Tanong ulit ni Father.

"Opo!" Sabay sabay naming sabi kay Father.

"Kung ganoo'y basbasan natinang inyong pagkakaibigan." Nag sign of the cross kaming 5 at yumuko na lamang si Meg.

"Panginoon, bigyan niyo po sila ng gabay at lakas para mapatibay ang kanilang samahan. Nawa'y hindi sila magkawatak watak sa kanilang pag tanda at sana po ay biyayaan niyo sila ng maganda, masaya at mahabang pagsasama. Amen." Nag sign of the cross ulit kami at nag thank you kay Father. Nagpaalam na rin kami.

"Uy 30 minutes na lang, tara na?" Aya ni Mace.

"Sige ba, tricyce ulit?" Sabi ko.

"Ayoko nga!!!" Sabay sabay na sabi ng boys

"No choice kayo." Nauna kaming mga girls at nag para na kami ng tricycle. Ganun parin ung mga pwesto namin. Kaya panibagong reklamo na naman ang maririnig mo sa mga boys,

On the way to school, napaisip at napangiti ako.

Our Friendship is Blessed. :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sorry po kung maikli lang. Baka po mamaya mag update ako.

2nd day naman.

A Whole New PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon