Chapter 63: Secret

38 1 0
                                    

Meg's pov

"Babe," tawag ko sa lalaking nagreready ng breakfast namin.

"Hmm?" I hugged him from behind.

"Naglalambing ba ang babe ko?" He chuckled.

"Naman kasi, you're always with your freaking secretary." Sabay tanggal ng yakap ko.

"Nagseselos ka ba?"

"Tungena mo Alcantara. Hindiiiii! Grabe hindi." I rolled ny eyes ng 360 degrees bago pumasok ng kwarto.

Peste siya. Kabobohan niya. Magtatanong pa kung nagseselos ako? Gago talaga.

Maya maya ay nakita kong nagbukas ang pinto at pumasok ang isang nilalang na hot at pogi. Ayt, erase erase. Galit ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Dun ka sa secretary mo."

"Tsk, selos ang baby ko."

"Ulul. Dont me. Tsaka sinong baby?!" Tingnan mo tong nilalang na to. Hindi pa nga kami kasal, may baby na? Kalandian nito.

"Hahahahaha!"

"Tinatawa tawa mo? Sapatusin kita jan eh." Pag tataray ko.

"Alam mo, kung kasal na tayo, iisipin kong buntis ka."

"What?!"

"Daig mo pa ang buntis sa mood swings! Hahahaha." Inirapan ko siya at nahiga sa kama.

Nakita ko namang lumapit siya kaya nagtalukbong ako ng kumot.

"Wag kang lalapit saakin." Pagbabanta ko.

"Walang makakapigil saakin." Uh-oh...

"HAHAHAHAH! Jo-Josh! ANO BA! HAHAHAHA ta-tama hahahah! Na!" Biglaan ba naman akong kilitiin!

"I wont stop until bati na tayo."

"Wahahahah! O-oo na!" Itinigil niya ang pagkiliti saakin at naghabol ako ng hininga.

Inayos ko muna ang sarili ko. "Sabi mo yan ah. Magdedate tayo." Huh?!

"Pinagsasabi mo? Hoy assumerong Alcantara," at dinuro duro ko pa siya. "Ang sabi ko bati na tayo. Hindi date. Masyadong malawak yang pagiisip mo."

"Yun yung gusto ko eh." Aba't! Nag pout pa? Well, cute naman.

"Makipagdate ka mag isa."

"Hay, mukhang ayae mo sumama saakin. So, si Kyla nalang." What?! Yung malanding haliparot na secretary niya?! Tiningnan ko si Josh, aba't kinuha talaga ung phone niya? Seryoso ba siya? Sasampigahin ko na talaga to.

"Hoy hoy. Josh Alcantara. Tumigil tigil ka jan."

"I'll accept that as a Yes." At ibinaba ang phone niya. Dont get me wrong, wala siyang katawagan. Inaasar lang ako nun.

"Halika nga dito!" I said at pinaupo siya tabi ko.

I put my arms around his nape and kissed him. "I love you." I said as I looked straight in his eyes.

"No, mas mahal kita." He smiled.

*

Nandito kami sa isang amusement park. Eto daw ang date namin. Waaaa!!! Ang gaganda ng rides! T.T

"Sus, ako pa daw ang childish. Eh sino kaya tong mas mukhang excited?" At tumawa pa. Aish.

"Whatever." At inirapan siya. "Alcants! Punta tayo dun!" Sabi ko habang tinuturo ung isang malaking boat na nagsesway ng mataas. Yung parang 'Anchor's Away' sa Enchanted Kingdom. I waaaant! T.T

A Whole New PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon