Chapter 18: The Serious Casanova

67 0 0
                                    

Nella's pov

Oh no. This cant be. Eto na ba? Eto na ba yung sinasabi nilang selos?

Nakikita ko si Gieve na may kahalikang babae. Nakikilala ko ung girl. Galing ka batch namin siya.

Akala ko ba......akala ko wala nang playboy and casanova Gieve?

Bakit bumabalik siya sa dati? With those thoughts, hindi ko namalayang tumulo na yung luha kanina ko pa pinipigilan.

Why. Why did I let myself drown in his stares, sweet actions and undeniably loving words?

Napatingin siya sa gawi ko. Napatigil siya sa pakikipaghalikan. At mukhang nagulat.

Lumapit siya sakin at magsasalita sana.

"Bat mo tinigil? Ang saya kaya panoorin. Nakakatanga." I smiled bitterly

"Its not what you think." Sabi nia

"Oh talaga? You dont need to explain." Again, i smiled. Kahit parang tinusok ako ng milyong milyong beses sa puso.

I turned my back at him at simula nang maglakad palayo. Pero hindi pa ako nakakalayo.....

"Gieve, you still havent changed. Playboy pa rin. Ipagpatuloy mo lang. You're good at it." I smiled bitterly and walked away.

Kakaiba talaga. Walang hiya. Naniwala na naman ako.

-----------
Gieve's pov

Shit! Hindi naman talaga yun yung iniisip niya eh!

Bigla na lang ako hinili nung babae at hinalikan ako. Nilalayo ko siya pero tuloy parin siya. At ayun. Nakita na ako ni Nella.

Nakita kong papalapot sakin sina Mace at Jab.

*Boogshh*

Sapak ang nakuha ko. Tama lang yun sakin. Para matauhan.

"Nagiisip ka ba?! Alam mo namang may takot na magmahal ulit si Nella pero inantabi niya yun para sayo. Tapos ginago mo lang?!" Kinukwelyo na ako ni Mace

"Pre naman! Sana nag isip ka! Pinagbigyan ka namin dati dahil babae ang hilig mo! Pero inabuso mo! Akala namin seryoso ka na kay Nella! Maling akala Gieve. Maling akala." Galit na sabi ni Jab

Galit sila saakin dahil sa kagagawan ng walang hiyang babaeng yun.

"Tawagin nio ang barkada. Mag eexplain ako. Wala akong pakialam kung ipagtabuyan ako ni Nella. Mace, Jab, seryoso ako kay Nella. Ngayon lang ako nagmahal. Seryoso ako sa kanya. Hinila lang ako nung babae kanina. Pero sa higpit ng hawak niya, hindi ako nakawala. Hanggang sa makita kami ni Nella at dun na nagsimula" pagpapaliwanag ko. Napabitaw naman kaagad saakin si Mace

"Pre siguraduhin mo lang. Kaibigan natin sila. Ayokong nasasaktan sila." Sabi ni Jab

"Tulungan niyo ako."

Nag nod naman yung dalawa.

*

Nagtipon tipon kaming lahat sa Auditorium.

Inexplain ko lahat at ang eksating nangyari.

Si Nella ay napatayo at napayakap sakin.

"Sorry kasi hinusgahan kita. Sorry kasi nagjudge agad ko" umiiyak na naman siya.

"Shhh. Ayokong makita kang umiiyak. Anong nangyari si Lion ko?" She smiled.

"At sa wakas. Bati bati na tayo!!!" Sigaw ni Meg

"Tama na muna yang problems! Mas kailangan na natin magreview sa 2nd quarterly exams natin! Next next next week na yun!" Sabi ni Jab

"Group study?" Tanong ni Ysa

"Sige. Kelan?" Tanong ko

"Next week?" Suggest ni Mace

Nagkatinginan yung mga girls.

"Girls? May problema ba?" Tanong ko

"Maglilipat na kasi kami next week." Sabi ni Ysa

"Yup diba nasabi na namin yun sainyo?" Sabi ni nella

"Ahh oo, yung magsasama kayong tatlong girls sa isang bahay." Sabi ni Mace

"Yup. Yun nga" sabi ni Nella while nodding

"Edi sakto. Free weeks naman tong 2 weeks natin diba. Edi this week. Tulungan natin sila maglipat and the next week, puspusang review" suggest ko.

Every exam kasi, binibigyan kami ng free 2 weeks. 1 week to relieve stress at makapagrelax relax muna then another 1 week for review.

"Pwede rin" pagsangayon ni Jab

"Kung okey lang sa girls" sabi ni Mave at tumingin kami sa girls giving them the look kung okey lang

"Oo naman! Welcome kayo sa bahay anytime" sabi ni Meg

"Tara na?" Aya ni Nella

"San?" Tanong namin. San naman kami pupunta?

"Tsss. Malamang sa classroom! San niyo gusto? Sa CR?" Sarkastikong sabi ni Nella

"Ahhh. Akala namin kung san eh" sabi ko

Aba't inirapan lang ako! Tumayo na kami at sumunod kay Nella. Hinabol ko siya kasi nauuna siya ng konti. Nung nakasabay na ko, inakbayan ko siya. At nag wink naman ako.

Edi shempre, umirap na naman.

"Kahit ilang beses mo pa akong sungitan, okey lang. Basta ba sakin ka lang" sabi ko. At this time hindi irap ang natangganp ko kundi kiss sa cheeks at namula naman siya.

Ang sarap mainlove. Lalo na kung mahal ka din ng taong mahal mo. Pero maging handa ka dapat sa magiging outcome ng pag ibig na yan.

----------------------------------------------------------------
Another update pooo!

Next chapter: Ligawan part 2





A Whole New PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon