Chapter 53: Meeting

36 1 0
                                    

Meg's pov

February 29 20**, 5:00 pm.

Nasa salas ako ngayon. Prenteng nakaupo at nagwawattpad.

Nakita ko namang lumabas ng kusina si Kuya.

"Yow." Bati ko at umupo siya sa tabi ko.

"Magbihis ka." Luh? Bulag ba'to?

"Yung totoo, bulag ka na ba?" Tanong ko.

"Huh?"

"Mukha ba kong nakahubad? Pinapagbihis mo ko e." At tumingin ulit sa binabasa ko.

"Aish!Panget na, bobo pa. Magbihis ka ng semi-formal. May pupuntahan tayo." Ahhh.

Di ko siya pinansin at nagbihis na lang.

"Tadaaaa!" Pag present ko sa sarili ko.

"Tsk, panget parin. Di magbabago yun. Tara na. Nanuna na sina Mommy, bagal kasi." Seriously? Ang sama talaga.

*Car*

"Kuya, please tell me where we're going." I desperately pleaded. Mukhang ako lang ang walang idea eh.

"A place worse than Hell." He smirked. Tangina 'to. Tinakot pa ko.

"Saan nga?! I wont stop until you tell me." Pangungulit ko.

"Go on, wala naman akong balak patigilin ka. Mangulit ka hanggang kaya mo, 'coz I won't tell a word." He said. I hate that evil smile of his!

"Aish!" Inis na sabi ko at tumingin na lamang sa bintana.

Maya maya ay nandito na kami. Tinulungan ako ni kuya na bumaba ng sasakyan. Tch, Gentleman wannabe.

Pumunta kami sa isang private room and gulat ko na lang, ang fancy!

Isang room na sobrang classy na elegant na fancy. I can't explain! Basta one word's for sure, maganda.

Nakita namin sina Mommy at Daddy sa isang table na may kausap.

"Oh, here they are." Sabi ni Mommy.

Napatingin naman saakin ang mga kausap nila. May isang babae at dalawang lalaki. Yung isang babae at lalaki ay ka edaran lang nina Mommy. Mag asawa yata ito. Tapos anak siguro nila yung isa lalaki na kaedad ko. Infairness, pogi. Pero mas pogi si Jabby. Walang makakatalo dun.

Naupo naman kami ni kuya sa mga katabing upuan nina Mommy. Pa circle ang table. Katabi ni daddy yung ka edad niyang lalaki. Tapos katabi ko yung anak nila.

Nagusapusap lang sila. About business so OP ako dun. Si kuya, may alam dun kaya nakikisali siya.

Kumain kami at nagkukwentuhan parin sila. Nagwawattpad na lang ako. Boring amputs.
"Hi, Josh." Pagpapakilala niya. And he smiled. Inoffer niya yung kamay niya.

"Meg." I smiled back at nakipag shake hands.

"Look, Mariel! Magkakilala na sila!" Napatingin naman kami kina Mommy.

"At hindi pa naghihiwalay yung mga kamay!" Kilig na sabi ning kaibigan ni Mommy. Napatingin naman ako sa kanya namin at narealize kong magkahawak kamay pa pala kami. Kaya dali dali ko itong tinanggal.

"Ay, tinaggal." Hyper siya mga dre.

"Im Angel Alcantara. Siya naman si Christian Alcantara." Alcantara?

"Mommy, sila ba yung..." at nakita kong tumango si Mommy.
"Yung?" Tanong ni Josh.

"Ikaw pala." Sabi ko.

"Ako ang?" Tanong ulit niya.

"Yung mapapangasawa ko." I disappointedly said.

"Oh." Speechless eh?

"Wow, bagay kayo." Tiningnan ko ng 'pamatay' na tingin ang kuya kong gustong gustong kong tuhugin ng barbecue stick as of this moment.

"Chill, sis." He kidded. I just drank water.

"So, kelan ang wedding?" At halos maibuga ko na ang tubig na iniinom ko.

"Seryoso po pala talaga kayo dun?" I suddenly asked.

"Of course, mas maganda sa business yung ganoong connected yung dalawang kumpanya." Sabi nung tatay ni Josh.

"Ano po pala yung itatawag ko sa inyo? Tita?" I asked.

"Mommy. Mommy Angel." She said. Kinikilig pa. Samantalang ako, naiinis.

Tama nga si kuya. This is worse than hell.

Nagkwentuhan lang sila tungkol sa wedding. Kung hindi ko lang talaga mahal sina Daddy, hindi ko 'to gagawin eh.

Inexcuse ko ang sarili ko't lumabas. May nakita naman akong veranda at tumambay muna doon.

"Hey," napalingon ako.

"Hi." Bati ko. Si Josh.

"Ang ingay ni mommy, pag pasensyahan mo na."

"Sus, okey lang noh." I smiled.

At nabalot kami ng katahimikan. Nakatingin lang kami sa labas. Ang ganda ng view. Kitang kita ang siyudad.

"Josh, I really want to be honest with you." Napatingin siya saakin, nakatingin parin ako sa malayo.

"Im not into this. Pakisamahan mo na lang siguro ako. At tsaka, cool lang tayo. Ayoko ng masyadong seryoso." I honestly said.

"Sure, madali lang naman pala." He chuckled.

"Wala ka bang girlfriend as of now?" Tanong ko.

"Nope. Hindi ako naggirlfriend. Flings at dating lang ako." Napatingin naman ako sa kanya.

"How come?" I asked.

"May business ang mga magulang ko. Bata palang ako, alam ko na, na sila yung magdidikta ng mapapangasawa ko. Kaya hindi ako ng ggirlfriend kasi mahihirapan akong iwan 'to, lalo na kung mahal na mahal ko." He said. Wow lang, malalim yun ah.

"Ikaw ba? May boyfriend?" Tanong niya.

"H-huh? Meron, pero hiihiwalayan ko because of this fcking engagement." Sorry Jabby, kailangan ko talagang magmura.

"Pareho naman tayong ayaw ng ganito eh. Ikaw, gusto mong mapangasawa yang boyfriend mo. Ako? Gusto kong libutin ang buong mundo. Be in every country." Sabi niya.

"Mayaman naman kayo ah? You can do that anytime." I said.

"Its not that easy. Lalo na kung may humahadlang." Narinig ko sa boses niya ang lungkot.

"Sino naman ang humahadlang?" Tanong ko.

"I-its complicated. I'll tell you. Hindi lang siguro ngayon. Madami pang oras."

"Okey." I ended.

"Tara na sa loob?" He asked. Tumango ako.

It looks like mabait naman pala 'tong mapapangasawa ko. Mapapangasawa? Hindi dapat si Josh 'yon. Dapat si Jab 'yon. Dapat Mrs. Ravalton, hindi Mrs. Alcantara. Pero mukha ba 'kong may choice? Pero at least magiging kaibigan ko yung asawa ko. Nakakainis nga lang pakinggan na mapapangasawa ko ay hindi si Jab.

__________________________________________

A Whole New PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon