Chapter 43: Hurt

43 1 4
                                    

Ysa's POV

Isang linggo na ang nakakaraan magmula ng naghiwalay kami ni Mace. Ganun parin. Masakit parin.

He's my first love at the same time, my first boyfriend. Malaki ang impact sakin ni Mace. Sobrang laki.

*beeeep*

Naalarma naman ako at nagready. Kinuha ko ang bag at books ko.

"Ma, pa, mauuna na po ako" pagpapaalam ko at nagkiss sa kanila.

Lumabas na ako ng bahay. Napangiti ako. Im a one lucky bitch. Maswerteng maswerte, dahil nakita ko ang isang napakagwapong nilalang na nakasandal sa kanyang kotse. Aba! Nakalagay pa ang kamay sa bulsa. Inshort, Im so lucky to have a hot and handsome bestfriend.

"Oh, are you done checking me out?" Pangaasar niya. Nakasmirk pa ah.

"Me? Checking you out? Magugunaw muna ang mundo bago mangyari yun!" At sabay kaming tumawa.

"Tita! Tito! Una na po kami!" Paalam niya.

"Sge Pierre! Ingat kayo!" Sabi ni mama at pumasok muli sa loob.

Kami naman ay pumasok sa kotse ng gwapong nilalang na to. Take note. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto.

Nung papunta kami sa school, may nakita kaming flower shop. Nagulat ako dahil tumigil kami at bumaba si Cleevy. Nakita kong pumasok siya sa flower shop na iyon.

Hmmm, may nililigawan ang bestie ko nang hindi ko alam?!!!! Unfairrr!!! Pag balik na pagbalik niya, kukulitin ko talaga siya. Tsk tsk.

Hindi nagtagal, nakabalik na si Cleevy. Nakita ko ang tatlong red roses na hawak hawak niya. Nang makapasok siya sa kotse, agad agad ko siyang pinalo.

"Aray! Bakit?!" Pasigaw niyang tanong.

"Bat di mo sinabi sakin na may nililigawan ka na pala? Para san pa na magbestfriends tayo?! Binabalewala mo ko!" Pagdadrama ko.

"Oy oy oy. Anong nililigawan? Para sayo to!" Sabi niya at natigilan naman ako.

"Ano? Di makapagsalita?" He smirked.

"Ahhh---ehhh---ummm..." Leche. Speechless.

"May meaning yan. Ito, You're.." at inabot sakin ang isang rose.

"My.." inabot niya muli sakin.

"Bestfriend." Napangiti naman ako dun.

Since emosyonal akong babae, agad akong napaluha at niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Shh. Bat ka umiiyak?" Tanong niya

"Wala. Touched lang ako. Naapreciate mo rin pala ang kagandahan ko." Pagbibiro ko.

"Tss. Asa!" Pangaasar naman niya at sabay kaming tumawa. Pinunasan niya ung luha ko. At ngumiti sakin.

Ngayon ko lang napansin, ang babaw ko pala!

Nang makarating na kami sa school, syempre sama sama na naman kami. Barkada eh

Hindi na ko nagulat nung makita kong nakaakabay si Mace kay... kay Vans.

"Hahaha! Cute mo!" At piningot niya ang ilong ni Vans. Pinalo naman siya ni Vans. Kung titingnan mo, parang sila. I smiled bitterly.

"Oh, nakatingin ka naman sakanila. Sinasaktan mo ba sarili mo?" Pangaasar niya pero halata namang concerned siya.

"Shunga. Tara na nga!" At sumunod na kami sa barkada. Dumerecho na kami sa classroom.

Malamang puro lesson na naman. Syempre, walang nakikinig!

A Whole New PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon