Chapter 66: Chance

24 0 0
                                    

Ysa's pov

"Sigurado ka na, anak?" Hindi ako sanay na tinatawag ako ng papa ng 'anak'. Since nung umuwi ako dito nang umiiyak, he was the one who comforted me. That was the first tine na tinawag niya akong 'anak'.

"Opo, Pa." I kissed them goodbye. At pumasok na dahil boarding ko na.

Tama, aalis na ako. Pupunta ako sa France. Doon na ako magpapatuloy ng college. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako doon. Maganda 'to, nang hindi ko na maalala si Mace.

____

Nella's pov

"Grabe, nakakamiss naman. Dalawa na yung wala." Malungkot na sabi ni Vans. Buti nga at wala 'tong date ngayon.

"Tama ka jan." Sabi ko.

"Uhm, Nella. May tanong lang ako." She asked.

"Ano naman yun?"

Nag hesitate siya. "Ah. Nevermind na lang pala." She smiled.

"Tsk, ano nga?"

"Uhh. After your breakup, may news ka ba kay G-gieve?" Natigilan ako sa tanong niya. Syempre tungkol yun kay Gieve eh.

"Ahh, sa totoo lang? Wala na eh. Simula nang mag break kami, wala na eh." Sabi ko habang inaalala si Gieve. "Bakit nga pala?" Tanong ko.

"Ah. Kasi, s-sabi ni Pierre.. ano.." Tumigil muna siya at huminga ng malalim. "Ano..nagmigrate daw sila. Hindi ko alam k-kung saan bansa."

A-ahh. O-okay..."Haha. Ang weird noh? Ang daming pumupunta sa ibang bansa!" I tried to cintrol my tears."Sge, cr lang ako ah."

Pag dating ko sa cr, doon. Doon ko ibinuhos ang nararamdaman ko. Yung disappointment. Akala ko mababalik kami sa dati. Yung akala kong magsosorry siya at makikipag balikan. Yung akala kong mahal niya pa ako.

"Hindi na pala." I stared at myself in front of the mirror and wiped my tears. I smiled. Not a bitter smile. Isang smile na nagpapatunay na kaya kong maging masaya ng wala siya.

*

"Tsk. Sge lang, enjoy! Basta walang girls ah! Tatadyakan talaga kita, Bourgeize...Haha! Opooo. I love you too! Wag masyadong magpapapagod ah!...Sge, byieee!" Napangiti naman ako sa pag uusap ng couple of the century.

"Nilalanggam ako, shet." Pagpaparinig ko.

"Tss." Inirapan niya ako.

"Haha, pikon much? Ano bang meron at tumawag yung boyfie mo?"

"Basketball with Jab and some friends. Sana nga walang mga babae. Well, may tiwala naman ako sa Bourgeize na yon." Nagpipigil kilig pa ang babae.

"Sana magtagal kayo. Kayo na lang yung nakakapag pa buo ng barkada eh." I bitterly said.

"Tch, tumigil ka nga sa kabitteran mo, Janella. Mahahanap mo din naman si Mr. Right! Malay mo si..." Winiggle niya muna yung eyebrows niya. "Mr. Jarred Salvador na pala!" Kilig niyang sabi. Lapnusin ko kaya balat nito?

"Speaking of.." Nginuso niya ang phone ko. Nang tinignan ko, si Jarred ang tumatawag.

Inirapan ko muna si Vans bago sagutin yung call.

"Oh?" Bati ko.

"Busy ka ba?"

"Nopes. Bakit? May lakad tayo?"

"Oo sana. Mag bihis ka. Yung mukhang dyosa."

"Dyosa na ako. Matagal na!"

"Alright." He chuckled. "Sunduin kita mamaya ah."

"Okiee."

*call ended*

*

Nag ready na ako dahil anytime by now ay dadating na si Jarred.

*Beeep beeep*

As expected. Di naman kasi nalelate yon eh.

"Date?" Pang aasar na naman ni Vans.

"Tigilan mo ko Vaughn Bourgeize." Napangiti naman siya.

"Bagay pala yung pangalan ko sa surname niya."

"Oo na. Ikaw na! Sge babay!" Pagpapaalam ko sa kanya.

"Ingat kayo!"

Tumango ako bago pumunta kay Jarred.

"Sabi ko na eh, hindi ka na naman late." Bati ko sa kanya pag pasok ko sa kotse niya.

"Of course. Ikaw yung susunduin ko eh, malamang hindi ako malelate." He winked. Psh, tusukin ko mata nito.

"Aish. San ba lakad natin?" Excited kong tanong.

"You'll know." He smirked at nag drive na.

Ilang mimutes pa, nakarating na kami sa pupuntahan namin.

Binlindfold niya ako. Surprise daw kasi. Arteeeee. HAHAHA.

"3..2..1.." He said. At tinanggal ko ang blindfold.

"Wow." Nasa isang restaurant kami. Maybe sa isang rooftop ng restaurant. Nasa taas kami at kaming dalawa lang ang nandito.

May table at dalawang chairs. Light are everywhere. Ang romantic talaga. Idagdag mo pa yung magandang scenery ng buildings.

"Speechless?" He said. With my mouth slightly open, I nodded.

"Well, im glad you liked it. It's all for you." Bulong niya saakin.

"Bakit? May occasion ba?" I asked him.

"Wala naman." He casually said as he lead me to a chair. Infront of me is a bouquet of roses.

Kinuha niya ito from the table at binigay ito saakin. "For you." He smiled.

Inihain niya yung kakainin namin at umupo. Kahit hindi ko alam ang nagyayari, I just ate.

"Hmm, ang sarap nito. Sino nagluto?" As i ate another fork-full of pasta.

"Ahh, ako." He shyly said. I smiled at him at pinagpatuloy ang pagkain.
Nang matapos kami kumain, dinala niya sa loob yung pinagkainan namin. Matagal siyang nawala at finocus ko muna ang sarili ko sa view. Ang ganda talaga eh.

"Ang ganda noh?" Hindi ko namalayang nandyan pala siya.

"Oo." I answered.

Tiningnan lang namin yung view. As in nakatitig talaga.

"Nella," I looked at him.

"I still love you." Woah.

"Walang paligoy ligoy pa, mahal parin kita. And you're the only girl I loved. Kahit nung umalis ako ay, ikaw lang. Ngayong wala nang sagabal saating dalawa.." Sagabal? Is he referring to Gieve?

Lumuhod siya and he held my hand. "Please. Give me a chance. I promise not to make the same mistake I did." He sincerely said.

"Jarred...alam mo namang.."

"Alam kong hindi ka pa nakakamove on kay Gieve. But im here. Im always here. I'll help you. Please."

"Well then, Im giving you another chance." I smiled. Tumayo siya at niyakap ako. "Thank you, Nella. Thank you. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya."

Wala naman siguring masama kung bigyan ko ng chance si Jarred diba? He's there for me. I know na tutuparin niya yung promise niya. And I promise myself that I'll forget Gieve because I have Jarred. Right? Right.

_____________________________________________
Joesonghamnidaaaaa. Hindi po ako nakaupdate. Im really busy. Busy kakapanood sa 14 hubbies ko. Hehe.. GotBangtan foreveeeeer. <3

So, promise. Maguupdate ako latuuur. PROMISE TALAGAAAAA.

~Saranghamnida~

A Whole New PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon