Chapter 71: Double Date

25 0 0
                                    

Nella's Pov

Nang makaalis yung dalawa, ni lock ko kaagad yung pinto. Matutulog ako eh. Baka manakawan pa kami dito.

Pumasok ako sa kwarto at nahiga. Matutulog na sana ako nang may nagtext. Unknown number?

'I see you.'

Shet.

Ako lang mag isa dito sa bahay tapos may magtetext ng ganun? Tangna. Tinawagan ko kaaga yung dalawa pero kingina, unattended.

Hindi ko pinansin yung text at pinilit kong matulog. Kinuha ko yung kumot at nagtago sa loob. Alam kong medyo makaluma yung ganoong style ng pagtatago pero ayoko namang lumabas ng bahay. Malay mo nandyan sa pinto. AH FOTA! Natatakot ako.

*Ting!*

Mag nagtext na naman? Sana sina Ysa 'to. Nang i check ko, 'Wag kang magtago. Buksan mo yung pinto.'

This time, nag reply na ko. Peste. 'Hoy. Kung magpapakita ka, bakit saakin? Wala akong pera. Tsaka mabait naman ako eh. Alis ka na lang please. Iba na lang multuhin mo please.'

*Sent*

Pag ka send ay may narinig akong kumakatok sa labas. Putregas. Baka siya yon. Kakatext ko lang eh! Wala ba siyang balak umalis? Ako talaga mumultuhin niya? Mayghad. Hindi man halata, tengene. Natatakot na talaga ako.

*Ting!*

'Buksan mo yung pinto.'

Tangina sobrang creepy na. Hindi na nakukutuwa. Para matigilan ako, kinuha ko yung walis namin at dahan dahang nag lakad papunta sa pinto.

Talagang kumakatok siya. Nakakatakot kaya. 4 pm, may ganyan? Diba dapat gabi? Ano ka ba naman Janella , gusto mo talagang gabi ka multuhin?

Dahan dahan ko binuksan ang pinto at pinagpapapalo ng walis kung sino man yung nandoon. "Shit! Aray!" Binuksan ko yung mga mata ko at nakita ko si—"Jarred?!"

Hindi siya sumagot at pinunasan yung kamay niyang may sugat. Hala dumudugo?

"I-ikaw ba yung nagtext?" I asked. "Obviously." He rolled his eyes.

"Putangina mo!" I shouted at him. Agad niya namang binitawan ang dala niya pinitik ng malakas ang noo ko. "Aray!" Sabay himas ng noo ko.

"Diba sabi ko, panget sa babae ang nagmumura?!" Pangaral niya saakin.

"Kung hindi ka ba naman kasi anon a magmemessage ng ganun tapos mag isa pa ako dito sa bahay." I started to cry. Sino ba namang hindi? Nakaktakot kaya! Kahit sabihin mong, hapon ngayon. Pero the fact na mag isa ako at walang kasama diba!

He hugged me. "Leche ka." I prepared my forehead para sa isa pang pitik pero malabot na lips ang dumapo dito.

"Sorry." He said,looking in my eyes. Pinunasan niya ang luha ko.

"Oo na." I rolled my eyes at him. Kinuha ko yung first aid kit at sinimulang gamutin yung sugat niya.

Habang ginagamot ko yung sugat niya, napansin ko yung paper bag na hawak niya. "Ano yan?" Nginuso ko yung dala niya.

"Ah para sayo. Pasalubong." He said. Oo nga pala. Pumunta siya ng Ilocos para makita yung farm nila dun.

Agad ko itong kinuha at binuksan. "WAAAAAAH!" Niyakap ko siya. Yung tipong hindi makakahinga.

"Sabi na, magugustuhan mo eh." Ghad! Nicholas Sparks Novels is LIFE.

"Binili mo?" I asked while scaning through the pages.

"Hindi. Sa pinsan ko yan. Mahilig din sa mga yan."

Hindi ko siya pinansin at agad na sinimulang magbasa. Uunahin ko yung 'Message In A Bottle'.

A Whole New PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon