Chapter 42: The Break up

41 0 0
                                    

Ysa's POV

Nagising na lang ako at nakita Kong nasa hospital Ako. Nakita ko rin ang isang pamilyar na tao.
"P-pierre..." Paggising ko sa kanya.

"Hmm..." Gumalaw lamang siya.

"Pierre.." Pagtawag ko ulit at ginalaw ang kamay ko na hawak niya. Gumalaw siya muli pero ngayon Ay minulat niya na yung mata niya.

"Y-ysa?!" Gulat na gulat?

"Oo. Bakit?" Ang gulat na mukha niya Ay napalitan ng Saya at ngiti.

"2 days kang unconscious. Akala nung iba, Hindi ka na magigising. Perp Hindi Ako nawalan ng pag ASA." Tuwang tuwang sabi niya.

"Teka. Hindi ko kasi maalala. Bakita nga ba Ako nandito?" Tanong ko. Kasi wala talaga Anong naalala sa nangyari.

"Gusto mo ba talagang malaman?" Pag aalangan niya.

"Syempre." Huminga siya ng malalim.

"Ganito kasi Yun, nagkaroon kayo ng outing. Tapos naglaro kayo ng Truth or Dare. Dare ang napili ni Vans at nag race kayo. Water race. Pareho kayong nalunod. Nauna ka nga lang. Nandun si Mace. Pero..."

"Pero?" Tanong ko

"Pero.....si Vans ang niligtas niya at Hindi ikaw." Nakayukong sabi niya. Tumulo ang luha nang Hindi ko inaasahan...

"Hey, wag mong iyakan yung gagong Yun." Pinunsan niya ang luhang iyon. I Hugged him tight.

Napabitaw ako sa hug bang marinig ko ang pinto na nagbukas. Napatingin kami ni Cleeve sa pinto at nakita namin si Gago. Este ang boyfriend ko kuno.

"Y-ysa? Okey ka na?" Nagulat Ako kang hindi niya pinansin ang yakapan namin ni Cleeve at agad agad niya kong niyakap.

At sa pagyakap niyang yon, bumalik sakin ang nangyari at naitulak ko siya. Naitulak ko si Mace, ang boyfriend ko.

"Hey. What's wrong? May masakit ba sayo? Nasaktan ba kita--"

"Nasaktan mo ko? Tinatanong mo ko niyan? Ghad! Mace naman. After what happened, sa tingin mo, hindi ako nasaktan?! For pete's sake! Ako yung unang nalunod. Siya pa? Siya pa yung sinagip mo?" At nalabas ko na ang galit ko. Binato ko sa kanya lahat ng galit, inis at sakit na nararamdaman ko.

"Kaya kong mag explain. Please let me." Pagmamakaawa niya. I can see the sincerity in his eyes. Pero iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya at nagsimula na siyang mag explain.

"Nagrerace kayo nun diba? Nalunod ka. I was going to save you. Pero biglang sumigaw ng tulong si Vans. At I can't make up my mind that time. Yung apat, nasa loob, ako lang yung taong nandoon nung time na yun. Lumusong ako sa tubig. At nabigla na lang ako ng si Vans ang naligtas ko." Pageexplain niya.

"Buhay ko yung nakasasalalay dun. BUHAY KO, Mace." Mangiyak ngiyak na sabi ko.

"I know, i know." Disappointed niyang sabi.

"Pareho tayo, Mace. Parehong nasasaktan, nahihirapan. Ayoko. Ayokong dumating sa point na buhay mo na ang kapalit. Hindi ko kakayaning mawala ka Mace. Mahal na mahal kita." Masakit man para sakin. Kailangan ko tong gawin. Hindi para sakin. Para ito kay Mace.
"Nakapagdesisyon nako..." nakita kong napaangat ang ulo niya't tumingin sakin.

"So-sorry Mace. Ayoko na. Tapos na tayo." At iniiyak ko na lamang lahat ng sama ng loob na nararamadaman ko.

"Ysa,wag naman ganyan. Ysa, please..." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinalikan ito.
"Mace, h-hindi. Im letting you go. You can leave me now." Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya dahil ayokong magsisi sa desisyon ko.

"Ysa, hindi. No. Please. Hindi ko kaya." Umiiyak na siya. At hindi ko inaasahang luluhod siya sa harapan ko.

"Tumayo ka jan. Mukha kang tanga." Nagawa ko pang nagbiro? Nababaliw na nga ako.

"Nagbibiro ka lang?" Tanong niya. Umiling ako.

"Seryoso ako. Mace, mahal kita. Mahal na mahal na mahal. Pero ayokong may buhay na kapalit. Kuntento na akong kaibigan kita at masaya tayo pareho. Tsaka ayaw mo nun? Free ka. Pwedeng mag explore at mangilala ng ibang babae at pwede na kayo ni..."

"Ni??"

"Ni....Vans..." napayuko na lamang ako.

"Hindi ko gusto si Vans. At lalong hindi ako maghahanap ng iba. Sayong sayo lang ako. Kaya please, bawiin mo na ang desisyon mo." Pagmamakaawa niya.

"Buo na ang desisyon ko. Maghiwalay na tayo. Mabuti na yung walang label. Mahal kita. Lagi mong tandaan yan." At hinalikan ko siya sa labi.

"Umalis ka na muna. Gusto kong mapag isa." Pagtataboy ko. Alam kong tutol siya pero wala siyang choice.

At sa pagalis niyang iyon, dun ko inilabas lahat ng luhang kanina pang gusto makawala sa mga mata ko.

"Shh. Stop crying, Cass." Pagcocomfort saakin ni Cleeve.

"Ganon ba talaga kahirap i-let go ang isang tao?" Tanong ko. Ang sakit lang talaga eh. Buti nandito siya para damayan ako.

"Oo. Lalo na kung mahal mo." Sagot niya habang pinupunasa ang luha ko. Pagkatapos niyang punasan ang mga luha ko, hinalik niya ang noo ko.

"Asdfghkl-ta." Bulong niyang sabi.

"Huh??" Pagpapaulit ko.

"Wala. Pahinga ka na Prinsesa ko." Pinahiga niya ulit ako at tuluyan na kong nakatulog.

Masakit man para sakin ang ginawa ko, para naman sa ikabubuti namin ni Mace iyon. Mananatili siya sa puso't isipan ko. Wala man kaming label, sana lagi niyang tandaan na mahal ko siya. At kung dumating man yung time na makahanap siya ng babaeng para sa kanya, matutuwa ako. At least hindi isang tulad ko ang para sakanya. We both desrve someone better. Sana hindi ko pagsisihan ang desisyon kong ito.

-----------------------------------




A Whole New PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon