Chapter 49: Happy New Year

49 2 4
                                    

Ysa's pov

Cold parin ang treatment sakin ni papa. Halos hindi na nga kami nagkikita eh.

"Nak, may mga bisita ka!" Sigaw ni mama. Nasa kwarto pa kasi ako. 12 na kaya.

"Ma! May sakit ako!" Sabi ko. At nagtalukbong ng kumot.

Narinig ko ang mga yabag ng paa papunta dito. At narinig ko ring nagbukas ung pinto.

"Ma naman. Sabing masama pakiramdam ko eh." Sabi ko. Pero hindi siya nakinig.

Naramdaman kong may yumakap saakin. Hindi to ung katawan ni mama. E sino pala to? Magnanakaw? Kung magnanakaw to, diba dapat may kukunin siya. Hindi yung mangyayakap. Brezzy to ah.

"Hey," yung boses na yon. Unti unti kong tinanggal yung kumot.

Nagulat ako nang makita ko si Mace at ang buong barkada sa kwarto ko.

"Tsk. May sakit daw oh." Pang aasar ni Jab.

"Ano bang nangyayari sayo Ysa? Hindi ka nagrereply sa mga messages namin, hindi ka sumasama sa mga gala natin. Yung totoo, nagdadrugs ka ba?" Napatawa naman kami sa hypothesis si Meg.

"Baliw, hindi noh. May problema lang." Sumeryoso naman yung mukha nila.

"Anong problema?" Tanong ni Mace.

'Pinaghihiwalay tayo ng papa ko'. Gusto ko mang sabihin, I chose not to.

"Fam probs. Alam niyo naman diba." I lied.

"Sama ka samin? Pupunta kami ng mall. Maggagala." Sabi ni Gieve.

"Nope, kakagaling ko lang dun eh. Kasawa." I said.

"E san mo pala gusto?" Tanong ni Meg.

Nagisip ako ng magandang pasyalan. "Aha! Alam ko na!" Sabi ko.

"Saan?" Tanong ng napaka breezy kong 'boyfriend'. Paano ba naman, nakayakap parin sakin. Akala mo linta e.

"Alis muna kayo. Maliligo pa ko." I said. Tumawa naman sila. At umalis.

Naligo na ako't nag bihis. Simple lang. Bumaba na ko at nagpaaalam kay mama. Nakita ko naman ang barkada ko na sitting pretty sa sofa namin. Yung iba naglalandian, ung iba nagphophone. Magaling diba?

"Ano? Tara na?" Tanong ko.

Nagsitayuan na sila at sumunod saakin. Bale, dalawang tricycle ung ginamit namin. One for the boys, one for the girls.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Meg.

"Basta." Sagot ko.

Nang makababa na kami, nilanghap ko ang sariwang hangin.

"Wow! Ang ganda dito!"

"Picture tayo."

"Ang scenic!"

At sunod sunod silang nagreact. Nilapitan naman ako ni Mace.

"First date?" He said.

"Dejà vu." I smiled.

Dito naganap yung first date namin. Sa Pier. Kapangalan pa ni Pierre. Natawa naman ako sa thought na yon.

"Oh 'bat ka natawa dyan?" Tanong ng poging nilalang na katabi ko.

"Wala. Kapangalan ni Pierre itong pier." Sabi ko at tumawa ulit. Pero hindi naman yung exaggerated ah. Giggle will do.

"Tsk, ang layo na nga ni Pierre, siya pa nasa isip mo."

"Awtsu. Nagdadrama ang baby ko?" I cupped his face and kissed him. Peck lang. Di ako aggressive.

"Kasi naman, si Pierre yung iniisip mo. Nandito naman ako." He pouted. Walang kasing cute.

"Pinagseselosan mo parin ba si Cleeve?"

"Isama mo pa yang shitty endearment niyo." Sumimangot siya.

"Sus. Wala akong gusto ko Pierre, okey? Shiniship ko nga sila ni Vaughn eh."

Tumingin kami sa direksyon nung dalawa. Magkasama at nagtatawanan.

"Well, you're right. Bagay sila." I ni Mace habang nakatingun dun sa dalawa.

(A/n: Im so sorry Chime. Sorry talagaaaaaaa. Bagay naman kayo eh. Peaceeeee. Love yaaaa.)

Naglakad lakad pa kami ni Mace. Di nagtagal, nagtext sila na nagugutom na daw sila. Nagkita kita ulit kami.

"Isaw na lang?" I asked. Mayayaman man kami, di mawawala ang streetfoods sa sikmura namin. Hindi ko lang alam kay Mace, na nandiri sa una.

Kumain kami ng madami ata halos naubos na namin ung mga pagkain sa fishball stand. In the end, halos 500 worth of food ata yung nakain namin. Sila na yung nagbayad.

"Guys, magnenew year na pala." Sabi ni Vaughn.

"Excited ka masyado, V. 5 hours pa." At napatawa naman kami dun.

"Teka teka, V?" Tanong ni Meg.

"Aysus, I smell another couple." Pang aasar ko.

"Mga baliw, V tawag ko sa kanya kasi tinatamad ako sa 'Vaughn'." Cleeve explained.

"Defensive." Asar ni Jab. Tumawa kami at napailing mna lamang si Cleeve.

Umuwi na kami para mag spend ng New Year with our families.

Pagdating ko sa bahay, "Saan ka galing?" Napatingin ako sa sofa. Nandoon si papa.

"S-sa Pier lang po." Sagot ko.

"Kasama mo na naman ang Arellanong iyon?!"

"Pa, mabuting tao po ni Mace, wag niyo na po kaming idamay sa company rivalry niyo."

"At kailan ka pa natutong sumagot?!" Akmang sasampalin na ako ni papa nang pigilan siya ni mama.

"Sige anak, mag pahinga ka na muna. Ako na ang kakausap sa papa mo." Mama said. She's the best.

Paakyat na ako ng kwarto nang marinig kong naguusap sina mama. I eavsdropped.

"Ano ba? Tinuturuan ko ng leksyon yang anak mo!"

"Anak mo rin siya. Huwag ka ngang masyadong maging strict sa kanya. Malaki na ang anak mo, loosen up."

"Kailan ko pa naging anak yang ampon mo?!"

At dahil sa narinig ko, tuluyang bumagsak ang mga luha ko. What did I just heard?

"Robert! Hinaan mo ang boses mo. Baka marinig ka ng bata!"

"Yan ang hirap sayo, kinukunsinti mo yang anak anakan mo."

"We raised her for 17 years, hindi ka man lang ba napamahal sa kanya?" Mama pleaded.

"Hindi hindi ko kailanman mamahalin ang isang disappointment at ampon!" Sigaw ni papa at umalis na siya.

Nasa stairs ako. I kept crying and crying. That's why. He never loved me kasi hindi naman niya ako anak. Mamahalin niya ba ang ampon na katulad ko?

Pareho kaming nagulat ni mama nang magkita kami sa hagdan.

"Nak,"

"Don't call me that."

"Anak kita, okey? Hindi ka man nanggaling saakin, pero mahal na mahal kita. Tandaan mo yan, anak." Mama started to sob.

She hugged me and I hugged her back. Baka magnanay talaga kami. Pareho kaming nagiiyakan sa hagdan. Ang abnormal.

Baliw ako. Dahil nagawa ko pang magbiro sa ganitong siwasyon. Hindi parin nagsisink in saakin ang mga salitang 'ampon lang ako'. Im hoping someday, mahalin ako ni papa kahit hindi niya ako tunay na anak.

____________________________________
Yoww. Gusto konlang mag apologize kay Chime. Sorry po. Sorry. Sorry, bagay talaga kayo ehh.

Ge, enjoy reading.

~Saranghamnida~

A Whole New PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon