Chapter 45: Friends with Ex

49 2 1
                                    

Nella's pov

Another typical day sa school. As expected, maingay ung klase. Late kasi ung teacher namin. Ayun, sina Dabull, Gab at Niccolo, naglalaro ng basketball. Ung ring nila, trash bin na malinis. Tapos ung bolang ginagamit nila, mga papel. Ang resourceful talaga ng mga kaklase ko.

Sina Liyette naman, naglalaro nung Tutubi game. Parang mga bata noh? Kasama niya sina Trishya, Jia, Patrick, Vaughn at Diana.

Kami naman, magkakasama din. Nagkukwentuham kaming girls tapos yung boys chumicheer dun sa naglalaro ng basketball. Parang mga Cheerleaders.

"May gusto sana akong sabihin sainyo eh," seryosong sabi ni Meg.

"Spill." Sabi ni Ysa.

"Wag niyo sasabihin sa boys. Especially kay Jabby." Nasesense kong bad new to.

"Of course. Kahit naman mga boyfriend natin sila, we still have some secrets to keep. Aminado naman akong, I'm not 100% open kay Gieve." Sabi ko.

"Well, ganito kasi yun. Nagmonthsary kami ni Jab, tapos pag uwi ko sa bahay, kinausap ako nina mommy," huminga siya ng malalim at pinkit yung mga mata niya.

"Bumabagsak na daw yung company namin. At nakahanap naman daw sila ng isa pang company na pwede mag salba sa aming kompanya. The Alcantara Inc."

"Woah. Malaking kompanya yun. Number 4 siyang pinaka mayaman na company sa Asia." Sabi ni Ysa. Woah nga talaga. I didn't know that. Yung mga kompanya kasi namin, sa Pilipinas lang mataas yung ranking. Pero sa Asia, mga pang 7-10 lang ranking ng companies namin.

"Wala bang kapalit yung pagtulong nila sayo?" I asked.

"Yun na nga eh. Ayokong gawin yung kapalit." Meg said.

"Eh ano nga yung kapalit?" I asked.

"Papakasalan ko yung anak nila." At tumulo ang luha galing sa mata ni Meg. Pinunasan naman iyon and gave her an encouraging smile.

Nakita namin pumasok si Sir Claud.

"Battung, tayo." At pasimpleng tumawa ng tahimik ang klase. Ganyan kasi yan si Sir Claud. Laging target si David. Halos lahat ng galaw ni David, napapansin. Makulit din naman kasi tong Dabull na to.

Wala. Typical lesson lang. And stuff. Nang matapos ang 40 minutes, naka upo na din si Dabull. Dumating naman yung Filipino teacher namin. Si Sir Ramos. He's our adviser and Filipino teacher.

"Magkakaroon tayo ng pair share essay. Ako ang magpepair sa inyo at isheshare niyo ang mga information about sainyo, sa ka pair niyo. Sa Tuesday ang pasahan niyan. Dapat from major details, pupunta kayo sa minor details. Eto yung pairings," kinuha niya ang listahan.

"Sarmiento and Arellano" napatingin namam kami kay Ysa. Nakita namin umirap siya.

"Ravalton and Ganarte" mukhang tuwang tuwa pa yung dalawa.

"Chavez and Galit" oh, partner niya si Gab. Sana partner ko si Ysa.

"Bourgeize and Farelle" napatingin naman kami kay Mace. Naka simangot ang loko.

"Salvador and Panezod" What?!

At sunod sunod nang tinaqag yung mga pairings.

"You may now go to your pairs. May gagawin lang ako sa faculty." At umalis na si sir.

Nagsipuntahan naman sila sa kanya kanyang nilang ka-pair. Tumingin ako kay Gieve at nag smile lang siya. After 10-20 seconds, umupo si Jared sa upuan ni Gieve.

"So ano na?" He asked.

"Uhm, let's start sa mga info. Then sa favorites. Tapos last na yung mga minor details." I said. Kumuha ako ng papel at ballpen at nagtanungan na kami. May papel naman na binigay samin si sir eh. Mga guide questions.

Nung nakita ko yung number 23, nailang ako tanungin iyon.

"Huy, ikaw na yung magtatanong." Sabi niya sakin

"Alam ko," sagot ko.

"Nakalimutan mo na ba yung babaeng/lalaking unang minahal mo?" I asked. Without looking at him, medyo nakakailang yung tanong.

"Honestly, hindi pa. Hindi ko pa siya nakakalimutan. Hindi ko siya kakalimutan. Mahal ko parin siya. Mahal pa rin kita." Napatingin naman ako sa kanya nung sinabi niya yun.

"Uhm, ahh. Ano. Uhm, ano," natatarantang reaction ko.

"Chill, hindi ko naman sinasabing mahalin mo ko pabalik eh. May Gieve ka na. He loves you right? He makes you smile right? You're happy with him diba?" I smiled at him.

"Salamat." I said.

"Of course. Wag ka sana mailang ah. Cool lang tayo." At natawa namin kami.

"Pwede na ba natin tapusin yung sinimulan natin?" Naubo naman ako sa tanong niya.

"Sinabing chill lang eh. Walang meaning yon." He assured me. Tumango na lang ako at tinuloy yung interview namin.

After asdfghjkl minutes, natapos na namin yung infos and stuff. Pero kailangan daw namin kilalanin ung isa't isa. Maybe bukas, kaming dalawa ung magkasama.

Nang makaalis na si Sir Ramos, bumalik na kami sa kanya kanya seats namin. Nakita ko namang naka busangot parin ung mukha ng Monkey ko.

"Oh? Nakabusangot ka jan?" Tanong ko na parang nangaasar.

"Tama ba naman ung partner ng Lion ko sa ex niyang gago?" Pfft. Anytime mapapatawa ako ng malakas dito. HAHAHAHA

"Ikaw na mismo nag sabi, ex ko na lang siya. Chill, okey?" I assured him at ngumiti lang siya.

*

Kinabukasan, napagisipan kong pumasok ng maaga. Di ko alam pero nakaramdam ako ng energy eh.

Nang makapunta na ko sa school, nakita ko sa classroom ang isang familiar na bag. Nagtaka ako saglit at binaba ung bag ko.

Konting konti pa lang ang tao sa school. Tama ba namang 6 am ka pumasok?

Pumunta ako sa enchanted forest ng Panvile. Umupo sa bench at nag isip isip. Nagulat ako ng may tumabi sakin.

"Ay palaka!" Sigaw ko.

"Kelan pa ko naging palaka?" Pagbibiro niya.

"Ginulat mo ko eh. By the way, bakit ang aga mo ata pumasok?" Tanong ko.

"Wala, napagtripan ko lang." Sagot niya.

"Himala ah." I kidded.

"Grabe to. Tara? May pupuntahan tayo." Inialay niya sakin ung kamay niya. Nag hesitate ako, pero kinuha ko din.

Tumakbo kami. Tumakbo lang kami ng tumakbo.

"H-huy! Ja-jarred! San ba tayu pupunta?" Hinihingal na tanong ko.

"Nandito na tayo." He said.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang sunrise. Napansin kong nasa rooftop pala kami.

"Wow." Perfection. Wala na kong iba pang masabi. Nagstay pa kami dun hanggang sa tuluyang nagpakita ang araw.

Nagkwentuhan kami sa rooftop at nakaidlip. Nagising na lang kami ng may tumawag saakin.

Playboy Monkey calling...

Sinagot ko iyon.

"Hello?"

"Janella Ayesha Panezod! Nasaan ka? 5 minutes na lang bago magstart ang klase!"

Chineck ko kung anong oras na. Hala! Malelate na pala kami?!

Inend ko na ung call namin ni Gieve at pumunta na kami ni Jarred sa classroom. Nakita ko namang gulat na gulat ang barkada sa nakita nila.

---------
Gieve's pov

Ano yun? Bakit sila magkasama?

"Hi, sorry guys." Pagaapologize ni Nella.

"Why are you with him?" I can't help it.

"Gieve, wala yon," she said.

"Sana nga." Umupo na ko ng maayos at sinubsob ung ulo ko sa desk.

I can't let him steal my Janella. Niloko niya na si Nella noon, ayokong masaktan ulit siya. Ang sakin, ay sakin. Walang makakaagawa nito, kahit umabot pa sa patayan.

A Whole New PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon