Chapter 69: Wedding

30 1 0
                                    

Meg's Pov

4 years later...

"Ready?" Tanong naming kay Vans.

Tumango siya pero halatang kinakabahan.

Nang magbukas ang pinto ng simbahan, hawak hawak naming tatlo yung napaka habang veil at gown nitong si Vans.

Maria Eleanor Ganarte, Janella Ayesha Panezod and Ysabelle Cassandra Farelle as the 3 Bridesmaids.

Yes, bridesmaids. Kasal po kasi ni Vans ngayon. Kanino? Sa love of her life na si, Pierre. Infairness, nag tagal sila.

Nang humiwalay kaming tatlo sa kanya at umupo, hindi ko maiwasang mapatingin sa kabilang side. He's there. Agad kong iniwas ang tingin ko nung makita kong mapatingin siya sa gawi ko.

Tiningnan niya kaya ako? Aish, assume pa, Meg. Tama na nga yan, mag focus ka sa kasal ng bestfriend mo.

Habang ginagawa ni Father yung wedding rituals, natatawa kami dahil halatang halata na naiinip na si Pierre.

"Do you, Pierre-"

"I do, Father."

Lahat naman ng guests ay tumawa. Pati si Father ay napatawa at napailing. Atat much, Pierre?

"Do you, Vaughn Evangellizze Sarmiento, accept Pierre Ocleeve Bourgeize as your lawfull wedded husband and promise to love and care for him until your last breath?"

(A/n: Gawa gawang vow lang po ito. Hehe..)

"I do." Sagot ni Vans. At hindi ko namalayang may tumulong luha pala sa mata ko. Don't get me wrong, Im happy for them.

Suddenly, naalala ko yung supposed to be wedding naming ni Josh. Kaya naman lumabas muna ako para doon ilabas ang nararamdaman ko.

"Oh." Napatingin ako sa nag abot ng puting panyo. Nagulat ako. "Tanggapin mo na." He coldly said at pinilit na inabot saakin ang panyo. Hindi na ako nag dalawang isip at kinuha ko iyon.

Habang nagpupunas ako ng luha, nakita ko siyang kumuha ng something sa pocket niya. Cigarette? Sinindihan niya yung baba ng cigar at nagsimulang mag yosi.

"Kailan ka pa natutong mag yosi?" I said at nilagay ang panyo sa ilong ko. Like hello? Mas delikado kaya ang secondhand smoke.

"You want to know?" He smirked. Tumango ako bilang sagot.

Lumapit siya saakin. He cornered me. "Since you left me." He smirked again as he blew the smoke infront of me. Tinuhod ko yung alaga niya down there. "Jerk!" Sigaw ko sa kanya.

Akmang papasok na ulit ako sa loob ng simbahan nang , "Because of you, baby." Bulong niya saakin at inunahan akong pumasok sa simbahan.

My conscience hit me. "Kung alam mo lang.." I murmured. At pinunasan ang luha ko. Naalala ko nga pa lang na saakin parin ang panyo niya. I smelled it and it's still the same. The scent. His scent. My Jabby's scent.

*

"Kumusta ang encounter with the exes?" Tanong ng magaling na bride.

"Alam mo, kung hindi mo kasal ngayon, kanina pa kita sinabunutan." Pag tataray ni Nella.

"Psh, enjoy niyo na lang yung food." Sabi ni Mrs. Bourgeize at umalis na. Aasikasuhin niya pa yung ibang guests eh.

Tama kayo ng basa, nakita na naming yung tatlo. Malamang, kaibigan sila ni Pierre eh. And they're still part of the 'barkada', so hindi naming sila pwedeng paalisin.

Napatingin ako sa table nila at nakita ko yunf ex kong may kaharutan. Naka akbay pa siya. Tapos yung babae naman, kung makalingkis, akala mo, linta.

A Whole New PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon