Chapter 14: Voice

62 0 0
                                    

Nella's pov

Wow. September na kaagad. Biruin mo yun? Sina Ysa at Mace, ewan. Nagiiwasan ang tamang term sa kanila. Sina Jab at Meg kung makaasta akala ko "sila". HAHAHAHA

Nandito ako ngayon sa auditorium kasi wala pang tao sa classroom. Inagahan ko talaga. Para din malibot ko ung school. Napadpad naman ako dito sa auditorium.

Since ako lang naman ung nandito, pumunta ako sa may mic stand. Kunwari na lang nagcoconcert ako. HAHAHA taas pangarap.

Sayo by Silent Sanctuary

Minsan oo, minsan hindi
Minsan tama, minsan mali
Umaabante, umaatras
Kilos mong namimintas

Kung tunay nga ang pagibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo

(Chorus)
Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo'y
Sayo lang ang puso ko

Walang ibang tatanggapin
Ikaw at ikaw parin
May gulo ba sa'yong isipan
Di tugma sa nararamdaman

Kung tunay nga ang pag ibig mo...

*Chorus
*kung maging tayo'y....

Bridge:
Kailangan ba kita iwasan
Sa t'wing lalapit, may paalam
Ibang anyo sa karamihan
Iba rin pag tayo,
Iba rin pag tayo lang.......

*chorus
*kung maging tayo'y (3x)

Sayo lang ang puso ko....

Sa pagkanta ko, nag eecho ang boses ko. Isa lang. Isang tao lang ang naalala ko sa kantang ito.

Siya si Jarred August Salvador. Ang First love, First Bf, First Heartbreak at First ex.

I know nakakalito. Ung first date namin ni Gieve? That's my First date. Kasi never naman kami nag date ni Jarred.

Childhood friend ko siya. Anak ng kapitbahay namin dati. Sinabi ko dating wala akong kaibigan dahil simula pa lang, hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya. Naging close kami at hindi ko namalayang naiinlove na pala ako sa kanya. Lumipat sila nung naggrade 2 kami. Siya lang ang tanging nakatiis sa ugali kong masungit. He was never my friend. Infact, lagi kaming nagaaway.

Nung first high, hindi ko pa kaibigan sina Meg. Hindi ko pa kasi sila kaklase. Dalawa ang sections sa bawat grade level.Apat palang sila. Meg, Annika, Val and Kath.
Nagkita ulit kami ni Jarred. Naalala niya pa pala ako. Gumwapo siya. Tas ayun, niligawan nia ko. Since matagal ko na siyang gusto, sinagot ko.

We're not the typical couple. Away at asaran ang lambingan namin. I never had a date with him. Ayoko and ayaw nia. Kaya its either pupunta siya sa bahay or ako ang pupunta sa kanila. Jamminh lang kami. Kwentuhan and stuff.

Umabot kami ng one year. Kaklase ko na pala siya sa Panvile. Pero. Saktong recognition day namin, may natanggap siyang letter from the Principal. Its a scholarship. High school sa ibang bansa. Magaling kasi siya sa Music. At yun ung pangarap niya. Nag away kami dahil dun. Wala din. Iniwan niya rin ako. Wala na siya sa buhay ko.

Ngayon si Gieve naman. I like Gieve. He's special. Pero ayoko siyang mahalin. Lalo na't playboy siya. Ayokong masaktan ulit.

Napatingin ako sa watch ko. 30 mins pa naman pero alam kong madami nang tao sa classroom. Nandun na rin si Monkey. Kaya Pumunta na ko. Narinig kong bumukas ung pinto dun sa entrance pero di ko na pinansin at lumabas sa exit. Dalawa kasi pinto dito. Haysss.... Gieve or Jarred? Or ako. Ayoko na. Ayoko nang magmahal ulit.

-------------
Gieve's pov

Maaga ako ngayon. Ewan ko ba. Basta maaga ako. Tapos ang usapan. XD

Naglibot muna ako napadaan ako sa audirorium. Dahil may narinig akong boses. Kinakanta niya ung Sayo by Silent Sanctuary.

Pagkatapos nun ay hindi na ko makagalaw sa pwesto ko. Ang ganda ng boses. Napamahal ako sa boses niya. Ms. Voice.

Pumasok na ko sa loob pero nakita ko lang na pasara na ung exit door. Alam kong wala na siya dun. Nakakainlove ung boses nia. Parang anghel. Gusto ko siyang makita.

Naalala ko si Nella. 30 mins na lang pala. Baka andun na yun sa classroom. Puntahan ko na nga.

Farewell for now Ms.Voice. I will find you. And I know that I will love you.

------------------------------------------------------------------------------
Sorry po kung medyo nalito kayo. Mag tanong lang po kayo at saaagutin ko po. Mejo malabo lang po talaga si Nella eh. HAHAHAH

Next chapter: Aminan

A Whole New PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon