Chapter 70: Live Concert

34 0 1
                                    

Ysa's pov

"Wala ba talaga kayong balak samahan ako?" Tanong ko sa mga bruhang kasama ko.

"Tinatamad nga ako." Pagtataray ni Nella.

"Paano kung halayin ako dun. O baka may party drugs dun!" Sabi ko.

"Edi wag kana pumunta."Sabinnaman nung isa pa. Naka bihis din to ah.

"May lakad ka?"Tanong ko kay M to the E to the G.

"Wala. Tatae lang ako kay ako nag bihis ng pang alis."

"Taena mo." Tumawa lang sila.

"Hoy kasi! Sumama na kayo! Libre ko na nga diba?" Pagpupumilit ko.

"Aish. Apat na taon ka sa Paris, di ka man lang nag bago." Sabi ni Meg habang nag aayos ng buhok sa harapng aming full length mirror na anytime pwedeng mabasag dahil sa pagmumukha niya.

"Kaya nga. Madaldal parin." Pagpapatuloy ni Nella. "Simple lang naman yan eh. Pumunta ka kung gusto mo. Wag ka pumunta kung ayaw mo." Sabat ulit ni Meg.

"Hay. Salamat ah." Padabog akong umalis ng bahay at pumunta dun sa sinasabi nung isang kliyente nina Papa na halos ka age ko lang.

Kaming tatlo lang yung nasa bahay dahil ang ating bride ay nasa honeymoon with her loveydovey. Sana makabuo kaagad nang magkaroon naman kami inaanak.

Pagkarating ko sa venue, as expected, maingay at madaming tao. If you're wondering kung nasaan ako, nandito ako sa isang open area na madaming tao dahil may party. May kakanta, may mga sasayaw, may mga live bands. Mga buong gabi silang mag iingay.

Pumunta lang ako dito para maka libot libot naman. Hindi pa kasi ako nakakalabas ng bahay simula nang ikasal si Vans. One day before the wedding lang kasi ako umuwi. Syempre, sa 4 years ko sa France, na miss ko ang Pinas.


*


Nagsstart na yung banda na kumanta at tumugtog. Ako? Nakikinig at nagpipicture. Simula kasi nung pumunta ako sa France, naging hobby ko na ang photography. Wala naman kasi akong magawa so picture here, picture there, picture everywhere hanggang sa nakasanayan na. Kahit saan, dala ko ang aking mahiwagang camera.

While taking pictures, May napicturan akong pamilyar na tao. Nang zinoom in ko ito,nagulat ako. Nandito siya?!

Lalapit sana ako sa kanya nang makita kong may kasama pala siya. Babae. Oh-kay. Siguro may date sila. Akala ko walang kasama. So change direction ako. Tumalikod ako at nagsimulang mag lakad palayo para umuwi na.

"Ysa?" Nagulat ako nang may tumawag saakin. Siya 'to. Kunwari ay wala akong narinig at ipingpatuloy ang paglalakad palayo. Nang—maramadaman kong may humawak sa balikat ko. Yung puso ko, bumilis yung tibok? ARGH! NO!

"Ysa." This time, I stopped and faced him.

"Oh! Nandito ka rin pala, Mace." I smiled. Ang rude ko naman kung tatarayan ko siya, right? At para ipakitang nakamove on na ako which is a fact naman.

"Uuwi ka na? Wag muna. Sumama ka muna saamin. Maaga pa naman. Ihahatid kita mamaya." He smiled.

"H-huh? Ano. I have my car. At tsaka mukhang nakakaistorbo ako sa date niyo." Sabi ko at tiningnan yung kasama niya. "HAHAHAHAHAHA!" Napatingin naman ako kay Mace dahil sa malakas niyang tawa. Yung dinaig pa yung tawa ni Meg. Kapag tumawa kasi si Meg, akala mo sinasapian.

"Oh nababaliw ka jan?" Tanong ko.

"Ah- eh hahahaha. Hindi naman babae yung kasama ko eh." Hala?

Ni lead niya ako sa table nila at nakita kong hindi nga babae yung kasama niya. Lalaking mahaba lang yung buhok. Shocks, napahiya ako dun.

"Ysa, si Patrick nga pala. Siguro naman naalala mo pa." Owemgi! Si Pat! Yung kaklase naming nung 3rd at 4th year! Pero naalala niya si Pat? Nakakaalala na siya?!

"Uy Ysa!" Bati ni Pat at binati ko rin siya. Hindi parin ako maka move on sa fact na nakakaalala na siya. I need to confirm.

Magsasalita sana ako,nang unahan ako ni Pat. "Guys, una na ko. May gagawin pa pala ako." Pagpapaalam niya.

"Sige pre, ingat." Sabi ni Mace. "Ysa, Una na ko ah." Paalam naman niya saakin. Ngumiti ako at tumango.

Nang makaalis si Pat, naging awkward yung atmosphere saaming dalawa. Buti na lang talaga may mga kumakanta. "Do you want anything? Drinks? Food? Libre na kita." He smiled. I started to have an abnormal heartbeat again. Tsk, papacheck up na talaga ako.

"Ah Iced tea will do." Kaya naman tumayo siya at bumili. Nang bumalik siya, may dala siya, Isaw?

"Omaghat. Na miss ko yan. Pwedeng akin na lang?" Kinapalan ko n yung mukha ko. Pake niyo ba. Na miss ko eh!

"Ah hahaha, para sayo talaga yan." Binigay niya yung isaw at iced tea. Habang kumakain ako, naalala ko yun itatanong ko nga pala sa kanya.

"Uhm, Mace?" Pagkuha ko nga atensyon niya. Nakatingin kasi siya dun sa nagpeperform. I cant blame him. Magaling yung mga sumasayaw. Robotics and tumblings yung theme ng sayaw nila.

"Hmm?"

"Nakakaalala ka na ba?" Buong lakas kong tinanong. He just smiled.

"Oo." Edi shing. Hindi ako informed.

"Kelan pa?" Tanong ko without eye contact. Kumain na lang ako habang hinihintay yung sagot niya.

"Nung dinala ako ni Athena sa Pier. Doon ko naalala lahat." Sa pier? Nabulunan naman ako. Inabot niya saakin yung iced tea ko.

"Dahan dahan kasi." He warned.

"Nagulat lang. Hindi kasi ako informed na nakakaalala ka na."

And, awkward atmosphere strikes again. Tianpos ko na lang yung isaw. Shems. Na miss ko talaga.

"May asawa ka na ba?" Tanong niya. Tumawa ako ng konti at tinaas ang right handa ko. Showing the outer part of my hand. Walang singsing, napa-"Ahh." Na lang siya.

"Ikaw? Kayo ni Athena?" I sipped a bit on my iced tea. Leche. Hindi ba 'to nauubos?

"Ah. We broke up. 2 years ago." Ah, edi shing ulit. Sorry wala akong masabi.

"Do you mind if I ask why?"

"No."

"Why?" I sipped again. Ge, unli iced tea.

"Im waiting for someone." Nabuga ko yung ininom ko. Buti sa sahig. Jusko. Ang dami tuloy napatingin saakin.

"You, okey? Kanina pa yan ah." He chuckled a bit.

"Ah okey lang ako." Kinuha ko yung panyo sa bag ko at pinunas sa bibig ko.



*


We spend the rest of the night watching the performances. At sa wakas, ubos na yung iced tea.

Nang matapos yung event,nagpaalam na ko. "Sge Mace, salamat sa pag sama saakin dito."

"Anytime. Sana nga maulit eh." Sabi niya.

"Of course. Text na lang kita kapag hindi ako busy or ayaw ako samahan nina Meg."

"Ikumusta mo na lang ako sa dalawa." He smiled.

"Ah-oo naman." I smiled back.

Naglakalakad ako palayo—nang "Ysa." Kaya napatingin ako sa likod ko.

"Na miss kita." He smiled.

"Edi shing." We bothe laughed a bit.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa kotse ko at pumasok na sa loob. Tumingin muna ako sa salamin atnakita ko siyang papunta sa kotse niya.

While driving, I found myself.....smiling?


A Whole New PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon