Epilouge

64 1 0
                                    

Third Person's POV

10 years later.

"Mommy!" "Mama!" Sabay sabay na sigaw ng mga bata sa kanilang mga nanay na kasalukuyang nagluluto at naghahanda para sa kanilang outing.

"Babies, dun muna kayo sa mga tatay niyo." Sabi nila.

Agad namang sumunod ang mga ito.

"Daddy!" "Papa!"

"Mga batang to oh. Doon muna kayo sa loob."

Dismayadong pumasok sa loob ang mga bata.

"Ayaw na nila satin." Iyak na Yel. Medyo may pagka OA at childish ang nanay niya at namana niya ito. Lumapit sa kanya si Keith at pinunasan ang mga luha niya. "Shh. Don't cry. Here." Binigay naman ni Keith yung chocolate niya kay Yel at agad namang nag hugis puso ang mga mata ni Yel.

"Yehey! Thank you Keish!" Medyo bulol na sabi ni Yel.

"Its Keith." Pagtatama ni Keith. Hindi siya pinansin ni Yel at nilantakan na lamang ang chocolate na bigay ni Keith.

Ilang minuto pa ang hinintay nila para matapos ang kanilang mga magulang kaya naman napag isipan nilang manood muna ng cartoons.

"Ready na ba ang lahat?" Tanong ni Ysa sa mga bata.

"Opo!"

"Then let's go!"

Agad na nagsitakbuhan ang mga bata sa mini bus. Pupunta sila sa beach. Yung pinuntahan nng mga magulang noong reunion nila. Dun.

"Pero bago ang lahat, attendance checking muna tayo." Sabi ni Meg.

Nauna ang Bourgeize kids.

"Thorn?" Pag check ni Vans.

"I'm here." Prenteng sagot ng pinakamatanda sa lahat. Isa sa pinakatahimik. At kung magsalita, aakalain mong teenager na. Kahit 10 years old palang siya.

"Cash?"

"Here!"

"Ginawa mo namang pera yang anak mo." Sabi ni Pierre sa asawa niya.

"Sino ba gumawa ng nickname?" Pang aasar ni Vans.

"Sabi ko nga." Sabi naman ni Pierre.

Kumpleto ang Bougeize kids. Pumunta naman tayo sa Ravalton kids. Laging nanay ang mga nagchecheck.

"Jm?"

"Present!"

"Max?" Tinaas niya lamang ang kamay niya.

"Mark at Mika?"

"Present!" Sabay na sabi nung dalawa at tumawa. Silang dalawa kasi ang pinakamakulit na duo sa mga bata. Fraternal twins.

Next, Chavez kids.

"Reigne?'

"Nandito po!"

"Keith?"

"Here."

Lastly, Arellano kids.

"Ford?" Tinaas niya lang din ang kamay niya.

"Ves?"

"Im here!"

"Yel?"

"Mama! Im here!"

"Kumpleto pala eh. Tara na." Sabi ni Jab.

Sumakay na silang lahat sa mini bus. Ang dami ng anak nila noh? 11 kids in 10 years. Hindi naman sila masipag.

After asdfghjkl hours, nakarating rin sila sa kanilang destinasyon. Syempre mag bata ang kasama nila kaya naman swimming kaagad nakaplanong gagawin nila.

"Sinong magbabantay sa kanila?" Tanong ni Nella habang nagpaprepare ng mga gamit.

"Ma. Kanina pa daw naiinip si Max. Gusto niya na daw mag swimming." Sabi ni Thorn sa nanay niyang si Vaughn.

"Si Max lang ba?" Pang aasar ni Vaughn sa anak niya. Agad namang nag blush si Thorn.

"Yieeee. Kinikilig ang baby ko."

"Ma, hindi na ako baby tsaka I told you to be quiet diba? Baka pagalitan ako ni Tito Jab."

"Bat ka naman papagalitan ng Tito Jab mo? Dahil ba MAY CRUSH ka kay Max?" Pang aasar muli ni Vaughn.

"Hoy Bourgeize. Anong crush crush kay Max?" Puna ni Jab. Agad siyang siniko ni Meg at binigyan siya ng 'tumigil-ka-look'.

"Talaga? Crush mo si Max?" Tanong ni Meg kay Thorn.

Nahihiyang tumango si Thorn. Nginitian siya ni Meg at pinat ang ulo nito.

"Alagaan mo siya ah." Agad na ngumiti si Thorn at bumalik sa ibang mga kaibigan.

"Pinapaasa mo yung anak ni Vans eh." Sabi naman ni Jab.

"Crush lang naman yung nararamdaman niya ah. Pwede pa yun magbago." Sabi ni Meg.

"OMG. May crush na si Maxy?" Shocked na sabi ni Ysa.

"Oo eh. Sa anak mo." Sabi ni Jab.

"Kay Ford?" Tanong ni Mace.

"Ay hindi. Kay Yviel." Pambabara ni Nella.

Nagtawanan na lamang sila.

"Mga bata pa naman sila. Hindi pa sila aware sa mga nararamdaman nila." Sabi ni Gieve.

Pinagpatuloy na lamang nila ang pag aayos ng gamit.

*

Madami silang ginawa sa tatlong araw. Swimming, gala at picture taking. Gabi na at last day na nila sa beach na ito. Ang mga nanay, pinapatulog ang mga bata. Samantalang ang mga tatay naman, nag iinuman sa may tabing dagat.

Biglang dumating ang mga babae.

"Tulog na?" Tanong ni Mace. Tumango na lamang sila at umupo sa tabi ng mga asawa nila.

Kumuha sila ng sarili nilang bote at uminom. "Ang tagal na pala nating magkasama?" Sabi ni Mace.

"Tama. Simula highschool, magkakasama na tayo." Sabi ni Jab at uminom.

"Naalala ko nung naging thirdwheel saamin si Vans." Sabi ni Ysa at tumawa naman ang lahat.

"Pati naman si Pierre." Sabi naman ni Mace.

"Thirdwheel couple." Pauso ni Meg at tumawa muli sila.

"Sa totoo lang. Ang dami na nating napagdaanan noh?" Sabi ni Vans at uminom.

"Sobrang dami." Side comment ni Gieve.

"Pero tingnan niyo naman. Kung hindi natin napagdaanan lahat iyon, siguro wala tayong mga prinsesa't prinsipe ngayon." Sabi ni Pierre.

"Sila ang bunga ng.." tumigil si Ysa at may binilang. "Almost 17 years ng pagsasama natin." Pagpapatuloy niya.

"Sa 17 years na iyon, madami tayong natutunan at napagdaanan." Sabi ni Nella.

"Kaya naman, mga pare?" Tumayo ang mga lalaki at inalalayang tumayo ang mga misis nila. Pinatugtog nila ang 'Grow Old With You'.

"May we have this dance?" Inilay nila ang kamay nila sa mga babae at agad naman nilang tinanggap ito.

Sumayaw sila. "I love you." Sabay sabay na sabi nina Mace, Jab, Gieve at Pierre sa mga asawa nila.

"I love you too." Sabay sabay ding sabi nina Ysa, Meg, Nella at Vaughn sa kanilang mga asawa.

They saw LOVE in A WHOLE NEW PERSPECTIVE.

________________________________________________________________________________________________

I'm so sorry kasi sinabi kong 3 chapters pa. Pero nag start na kasi yung pasukan so alam kong hindi na ko makaka update. So, ito na. Hindi ko alam kung may sequel pa. SALAMAT SA PAG BABASAAAAAAAA. SARANGHAMNIDA READERS <3 

A Whole New PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon