Chapter 1

6.4K 155 5
                                    

chapter 1 : Ang Simula

"Mana? teka atty. sa akin talaga? saan galing?"

nagtataka ako paanong may magpapamana sa akin ng isang Mansion eh! matagal ng patay ang mga magulang ko and wala naman silang nabanggit na may mga ari-arian kami...at isa pa syempre kung meron man automatiko sa akin talaga mapupunta yun kasi nag-iisa lang naman akong anak...

" mula ito sa namayapang si Donya Barbara Dimasalang ang ina ng iyong Inang si Melanie.."
pagpapatuloy ni Atty.

mas lalo naman akong naguluhan...after all this years may lola pa pala ako?! pero bakit hindi man lang ito naipakilala at nabanggit man lang ni Mama...

at muli ay pinagpatuloy ko si Atty.sa pagsasalita nito...

" ipinapamana sa iyo ng namayapang Donya Barbara ang isang Hacienda kalakip ang Mansion nito sa brgy.Maitum sa Leyte at ang pera sa bangko na nagkakahalaga ng 35 milyon pesos..."

wow!!! Mansion at Hacienda!,35 million! akalain mo yun? instant Haciendero,Millionaryo ako...

sino ba ang hihindi sa grasyang ito...
kung tutuusin hindi ko na kailangan pang magpakahirap sa pagtatarbaho bilang HR staff...

agad ko na pinirmahan ang mga dokumento na inilapag ni Atty.hindi na nga ako nag-abala na basahin kung ano ang mga nakasulat roon...

may mga ipinaliwanag pa si Atty.pero hindi ko na iyon pinakinggan sa halip ay kinausap ko sa cellphone ang girlfriend ko na si Jasmine Balderama...

natapos ang pakikipag-usap ko sa telepono at tsaka lang din natapos sa sinasabi nito si Atty.

at ipinasok na nito sa attache case na dala ang binabasa...

" sana ay naging malinaw sa iyo Mr. Benjamin Magsino..maiwan na kita! "
sabi nito...

kahit hindi ko naman narinig ang mga sinabi niya ay tumango parin ako at hinatid sa labas si Atty.at nagpaalam na rito...

matapos makitang nakaalis na ang sasakyan nito ay pumasok na ako...

pagkaupo ko sa sofa ay muli kong tinawagan si Jasmine...
sinagot naman nito agad pero biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko ng isang garalgal na boses na parang galing sa kailaliman ng lupa ang narinig ko sa kabilang linya...
hindi ko maintindihan ang sinasabi nito basta nakadama lang ako ng pangingilabot...

napaiktad ako sa aking kinauupuan ng biglang may nagring na cellphone na naroon sa center table...

kung naroon ang cellphone ko ano itong hawak-
natigilan ako ng wala pala akong hawak...

pero sigurado ako na ginamit ko ang cp ko at dinial ang number ni Jasmine pero bakit?

imposible!!

nagtataka man ay sinagot ko ang tawag ng Girlfriend ko...

natapos ang usapan namin ay hindi na ako mapakali...
iniisip ko parin ang nangyari kanina...

hindi ko man maipaliwanag ay kinumbinsi ko na lamang ang sarili ko na imahinasyon ko lang iyon...

PamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon