Chapter 15

3.6K 100 0
                                    

a/n : and chapter 15

ito din yung mga alaalang nakita ni Benj nung encounter niya dun sa multong kahawig ni Hazel...

chapter 15 : flashback

isang malakas na sampal ang iginawad ni Donya Barbara kay Dorothia..

" malandi ka?! matapos kitang pagkatiwalaan at ituring na parang kapatid! ito ang igaganti mo? walang hiya ka?! ahas..isa kang ahas.inahas mo sa akin si Edmundo! layas?! lumayas ka ngayon din?! "

" Barbara?! itigil mo yan? wala kang karapatan nasaktan si Dorothia! wala siyang kasalanan.ako,ako ang saktan mo huwag si Dorothia! "

umiiyak lang si Dorothia habang nasa likuran ni Edmundo ang ama ng batang dinadala niya sa kanyang sinapupunan...

si Dorothia ay kababata ni Barbara at matalik na kaibigan...

pinatira,binihisan at itinuring ito na parang tunay na kapatid...

ngunit isang kasalanan ang kanyang nagawa...
lihim siya na umiibig sa kabiyak ng kaibigan niyang si Barbara...

noong una ay umiiwas ito ngunit dumating ang araw na hindi inaasahan ni Dorothia...

biglang pumasok si Edmundo sa kanyang silid at bigla siya na hinalikan nito...

isang halik na mas uminit at naging mapangahas...
at dahil sa pagmamahal sa lalaki ay binigay nito ang kanyang iniingatang pagkababae....

pagniniig na nasundan pa ng ilang beses hanggang sa umabot sa puntong nakahalata at nagduda na si Barbara..

at nahuli na nga ang kanilang kataksilan...

nanggagalaiti sa galit si Barbara sa nasaksihan...

" ipinagtatanggol mo ang babaeng iyan? mas pinipili mo ba siya kaysa sa akin ha Edmundo? "

" Barbara? "

" pwes Edmundo mamili ka! ako? o ang malanding babae na iyan? "

tumingin si Edmundo kay Barbara at yumuko ng bahagya...
at pagkuwan ay lumapit kay Dorothia...

nagpuyos sa galit at pagkamuhi si Barbara sa desisyon na iyon ni Edmundo...

" layas....lumayas kayo sa aking Mansion?! mga walang hiya! mga taksil?! isinusumpa ko pagsisisihan niyo ang ginawa niyong ito sa akin...isinusumpa ko!!!!?! "

lumabas ng mansion si Edmundo kasama si Dorothia na kanyang pinili.

sa isang kubo sa karatig na baranggay nila pinili na manirahan...

noong unang mga araw at buwan ay naging maayos ang kanilang pamumuhay ngunit sa araw ng panganganak ni Dorothia ay nagdulot ito ng pagkagimbal kay Edmundo...

ilang araw matapos ng pag-alis nila ni Dorothia sa Mansion ni Barbara ay nag-ulat ng isang nakakabahala si Karyo isa sa trabahador sa mansion at matalik na kaibigan ni Edmundo...

" Edmundo may kailangan kang malaman...
buntis din si Donya Barbara.
buntis ang iyong kabiyak Edmundo! "

ngunit hindi lang ito ang ibinalita sa kanya ng kaibigan...

dahil ang totoong nakakabahala ay ang mga sinabi pa sa kanya ni Karyo...

" Edmundo kaibigan...ingatan mo si Dorothia at ang magiging anak ninyo...
nakita ko si Mana Auring na pumunta sa Mansion.sumangguni rito si Donya Barbara! kung ano man ang dahilan ay hindi ko na batid...mabuti na din at malaman mo para mas mapag-ingatan mo ang iyong mag-ina at maging ang iyong sarili..."
anito.

si Mana Auring ay kilalang mangkukulam,mambabarang at sugo ng demonyo sa kanilang lugar...

sa pag-uusap na iyon ni Edmundo at Karyo ay lihim na nakikinig si Dorothia...

at dumating na nga ang araw ng pagsisilang ni Dorothia kay Antonio..

Antonio ang napili nilang ipangalan sa kanilang magiging supling kung sakaling lalaki ito...

" eri pa Dorothia.itudo mo ang iyong pag-eri at nakikita ko na ang ulunan ng bata..."
turan ng kumadrona...

at isang pigil hiningang eri ang ginawa ni Dorothia...

" diyos ko! santisema...mahabaging bathala! halimaw ang sanggol na ito..."
takot na wika ng kumadrona..

agad naman na lumapit si Edmundo para sulyapan ang sanggol ngunit pati siya ay nagimbal...

mabuti na lang na walan ng malay tao si Dorothia...

" akin na ang sanggol Nang Magda..."
at kinuha sa kumadrona ang sanggol..

" saan mo dadalhin ang sanggol Edmundo? "
ani Nang Magda...

" Nang Magda.sabihin mo kay Dorothia na patay ang sanggol...ayaw kong makita niya ang kahabag-habag na itsura ng aming anak...! dadalhin ko ang sanggol kay Mana Auring alam kong kagagawan niya ang nangyayaring ito..."

agad na sumakay si Edmundo sa kanyang bisekleta at tinungo ang bahay ni Auring...

ngunit ng kumprontahin niya ito ay walang takot ito na nagwika sa kanya..

" Oo ako ang may gawa ng sumpa sa sanggol ngunit kung hihilingin mo na bawiin ko ang sumpa ay hindi ko magagawa.naisin ko man ay hindi ko ito mababali.tanging ang humiling ng sumpa ang siyang makakabali nito...
mula sa kanyang dugo at paghahangad ng paghihiganti ang pinagmulan ng sumpa.
dalhin mo rito si Barbara at kung kusang loob nito na hilingin na mawala ang paglukob ng sumpa sa iyong anak ay iyon ang hudyat para magawa ko ang talikwas ng pagbawi ng sumpa...
ngunit kapalit niyon ay ang buhay ni Barbara at madadamay ang sanggol sa kanyang sinapupunan..."
aniya...

litong-lito na tinungo ni Edmundo ang mansion kalong ang nakabalot na sanggol...

tila nakikisimpatya sa kanya ang liwanag ng bilog na buwan na siyang saksi sa mga nangyayari...

nakiusap si Edmundo kay Barbara ngunit nagmatigas ito...

at muli ay naalala niya ang sinabi ni Auring na kapalit ng pagbali ng sumpa ay ang kamatayan ni Barbara at ng magiging anak nito...
na kanya ding anak...

nagkaroon ng kasunduan sa pagitan bi Barbara at Edmundo...

ito ay....

ITUTULOY.....

PamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon