Chapter 7

4K 117 0
                                    

chapter 7 : Halimaw

" asan na ba yun.bakit wala dito? "
paghahanap ni Mayra sa iphone niya.

inisip nito kung saan niya ito huling dinala..

" tama ginamit ko pa yun noong nandoon kami sa living room."

nagdadalawang isip man ay nilakasan nito ang loob at lumabas ng kanyang silid.

madilim na ang buong Mansion at wala naman siyang magamit na pang-ilaw sa dinadaanan niya..

bagaman nakakaramdam ng kaba ay maingat ito na bumaba ng hagdan patungo sa living room kung saan sa palagay niya naiwan ang iphone niya..

nakasanayan na kasi nito ang makinig ng musika bilang pampatulog...

" asan na ba yun? "
bulong nito sa sarili.

naroon na kasi siya sa sala's at kinakapa-kapa ang mga upuan roon...

" thanks! sabi ko na nga ba dito ko lang naiwan."
masayang sambit nito..

pabalik na sana siya sa kanyang silid ng makarinig siya ng kaluskos...
napahinto siya sa unang baitang ng hagdanan sa narinig.

ang dating kaluskos ay naging malakas na paghinga na kamo'y galing sa isang mabangis na hayop..

nagpalinga-linga si Mayra para hanapin ang pinagmumulan ng ingay na iyon...

ng mula sa gilid ng hagdan ay lumabas ang isang nilalang na nakakatakot ang anyo..
ang malaki at dilaw nitong mga mata na siyang tanging malinaw na makikita sa dilim..
bigla ay bumuka ang bibig nito na nagpalitaw ng mahahaba nitong mga pangil..

namutawi ang takot kay Mayra hindi na siya makagalaw.
nakatitig lamang siya sa palapit na nilalang..
pigil hininga si Mayra ng suminghot-singhot ito sa kanya...
na tila inaamoy siya.
pakiramdam niya ay
pumasok sa baga niya ang masansang na amoy na nagmumula rito.

at isang ungol na parang sa isang mabangis na hayop ang ginawa nito...

akmang hahatawin na siya nito ng malalaki nitong mga kamay na sa wari ni Mayra ay parang kamay ng tao.
mahahaba ang mga kuko nito at puno ng maiitim at makakapal na balahibo.
ng biglang tumunog ang nakasabit na orasan ng tumapat ang oras sa alas 3 impunto...

mabilis na tumakbo palabas ang nilalang...

doon lamang nakahinga ng maluwag si Mayra...

at nanginginig sa takot na humakbang paakyat ng hagdan...

halos mawala siya sa ulirat ng oras na iyon...

labis na nanghina ang kanyang mga tuhod na dahilan para magpabagal ng kanyang paghakbang...

wala sa sarili na narating ni Mayra ang pintuan ng kanyang silid.

at nahirapan pa ito sa pagpihit sa siradora ng pinto.

ilang attempt din bago niya ito tuluyang mabuksan.

pagkapasok ay napasandal siya sa pinto dahilan para masara ito...

at patagilid na naglakad habang nakalapat ang likod sa dingding patungo sa sulok at doon padausdosdos na napaupo at niyakap ang mga tuhod...

*****

" Mayra?! anong nangyari sayo? "
sigaw ng isa sa kanyang mga kaibigan.

dahan-dahan niyang ginalaw ang kanyang ulo at tiningnan ang taong nasa harapan niya...
iyon si Benj. at agad niya iyon na niyakap ng mahigpit damaang labis pa rin na panginginig...sanhi ng kanyang takot...

" madali kumuha kayo ng tubig!? "

rinig na utos ni Benj. sa kanyang mga kasama.

na siya namang sinunod ni Andrew...

mabilis naman itong nakabalik bitbit ang isang basong tubig...

iniaabot nito iyon sa kanya at halos mangalahati ang laman niyon..

kay dami ng tanong ng mga kasama niya ngunit hindi iyon magawang sagutin ni Mayra..
tila ayaw gumalaw ng kanyang mga labi...

ng bigla na lang nagsisisigaw si Mayra...

" Halimaw!!!!! "

itutuloy....

PamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon