chapter 5 : multo sa Mansion
" Hazel...."
sigaw ko...pero mukhang hindi ako narinig ni Hazel...
tuloy-tuloy lang ito papunta sa likod ng mansion...pero natigilan kami ng biglang lumabas si Pamela at Hazel mula sa loob ng mansion...
" sino ba ang tinatawag niyo? "
tanong sa amin ng dalawa..." galing ka ba sa loob Hazel? "
tanong ni Louie...tumango naman si Hazel bilang sagot..
" kung ganon sino yung nakita namin na papunta sa likod ng Mansion? "
takang saad naman ni Jamesewan ko sa inyo...tara na at nakahanda na ang pagkain."
ipinag kibit-balikat ko na lang ang nakita ko kanina at marahil ganon na rin ang nasaisip ng iba pa dahil hindi na nagsalita ang mga ito at sumunod na lang kina Hazel at Pam sa loob.
sabay-sabay kami na nagsikain...
panay tawanan at kulitan,ang dating katahimikan na namayani sa Mansion ay napalitan ng tawanan at ingay...ngunit sa gitna ng masayang hapunan ay biglang may kumalabog na galing sa itaas tunog iyon ng bumagsak na kung anong bagay...
lahat kami ay natigilan at nagkatinginan bawat isa ay nagtatanong..
" ano yun? "
pagbasag ko sa katahimikan...tumayo naman ako at patakbong pumunta sa ikalawang palapag...
ilang segundo din at
sumunod naman sa akin ang iba pa.pero nagulantang ako sa kung sino ang nakita ko na naroon sa itaas...
napaatras ako ng bahagya sa pagkabigla...nakatayo ito patalikod sa akin pero ang nakakakilabot ay unti-unting umikot paharap sa akin ang ulo nito ng hindi naman gumagalaw ang katawan...
" Benj. anong nangyari? "
rinig kong tanong ni Pamela na siyang unang nakarating kasunod sa akin...agad naman akong napalingon rito at ng tingnan ko muli ang nakita ko kanina na nagpatayo sa aking balahibo ay wala na ito...
nakarating naman na din ang iba pa at pare-pareho ang mga tinatanong...
kung ano ang pinagmulan ng naturang ingay...
hindi ko pinahalata ang takot ko sa kung ano ang nakita ko bago pa man sila nakasunod sa akin..
para narin hindi madagdagan pa ang mga tanong nila..." ahh....wala namang bumagsak na kung ano...baka galing lang yun sa labas...baka may bumagsak lang na sanga ng puno...!"
mahinahon kong sagot...bumalik na kami sa hapag kainan at tinapos ang naudlot naming pagkain...
hindi parin mawaglit sa akin ang nakita ko kanina...
hindi ako pwedeng magkamali sa kung sino iyong nakita ko...
sa pag-ikot na iyon ng kanyang ulo paharap sa akin.
iyong malamlam nitong mga mata,makapal na balbas mula sa patilya nito hanggang sa baba...
at ang ngiti niyang iyon sa akin...
hindi ako pwedeng magkamali mukha iyon ng aking namayapang Ama...pero bakit siya nagpakita sa akin? ano ang gusto niyang sabihin...?
natigil lang ako sa pag-iisip ko ng marinig ang tunog ng orasan na nakapwesto sa dingding sa sala's paharap sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng Mansion...
ng tingnan ko ito ay naalala ko ang babala ng pinirmahan ko na dokumento...
11:50 na.agad ako na napatayo sa kinauupuan ko sa paanan ng hagdanan at tinungo ang mga kasama ko na masayang nagkukwentuhan sa sala's...
" Guys?? time check remember? "
napatingin naman ang mga ito sa orasan...
"ang kj naman nitong orasan na to! "
reklamo ni Louie,..naikinatawa naman ng iba pa...
labag man sa loob ay nagsipag-akyat na ang mga ito sa ikalawang palapag at nagsipasok sa kani-kanilang napiling silid...
magkasama sa iisang silid si Pamela at Hazel magkasundo kasi ang dalawa at matagal ng magkaibigan bago pa man nabuo ang barkada...
magbestfriend kasi sila.at kasama ko naman si Jasmine sa isang silid...
ang iba naman ay tig-iisa ng silid...
BINABASA MO ANG
Pamana
Horrorisang pamana, ng kamatayan isang sumpa. lihim ng mansion at ang panganib.