chapter 16 : continuation of flashback.
nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ni Barbara at Edmundo.
ito ay..
" tatanggapin kita Edmundo kasama ang batang isinumpa,..ngunit ipangako mo sa akin na hindi ka na kailan man makikipagkita ni makikipag-usap kay Dorothia! "
sumang-ayon si Edmundo sa kasunduan na iyon...
ngunit ng gabi ding iyon ay bumalik siya sa kubo kung nasaan si Dorothia...
iniwan niya ang sanggol sa mansion pansamantala...
" nasaan ang anak ko? ibigay niyo siya sa akin Nang Magda.hindi ako naniniwala sa iyo,hindi patay si Antonio.hindi patay ang anak ko..Edmundo nasaan ka? saan mo dinala ang anak natin..."
pagmamakaawa ni Dorothia walang tigil ito sa kanyang pagtangis...humahangos na pumasok sa kubo si Edmundo..
at agad siya na niyakap ni Dorothia...
at sa pagkalas nito ay hinahanap sa lalaki ang kanilang anak...
hindi agad nakasagot si Edmundo.
at ng makahanap ng ipagsisinungaling ay winika ito..." Dorothia patawad ngunit wala na ang anak natin.patay siya ng iyong isilang...inilibing ko na ito..."
aniya..." hindi!. hindi patay ang anak ko,narinig ko pa ang iyak niya kaya imposible...Edmundo nasaan ang anak ko,nasaan ang anak natin? "
" ikinalulungkot ko Dorothia...wala na ang anak natin.at wala na din akong dahilan pa para manatili at makisama sa iyo.patawad Dorothia! patawad...."
" Edmundo ano ang iyong sinasabi?.Edmundo?! Edmundo...wag mo akong iwan...Nang Magda pigilan niyo si Edmundo..
Edmundo????
bitiwan mo ako Nang Magda pipigilan ko si Edmundo..."" Ija Dorothia..makakasama sa iyo...kapapanganak mo pa lamang...buo na ang desisyon ni Edmundo at wala ka ng magagawa pa!."
" hindi... hindi ... Edmundo???"
hiyaw ni Dorothia..labag sa loob na nilisan ni Edmundo ang lugar....
labis naman na pighati ang dulot nito para kay Dorothia.." patawad dorothia? "
sambit sa hangin na turan ni Edmundo.naroon siya sa balconahi ng mansion karga si Antonio...lumapit sa kanya si Barbara at yumakap sa kanyang likuran...
animo'y larawan sila ng masayang pamilya.
tanaw sila mula sa labas ng Mansion at may mga mata ang mainit na nag-aapoy sa galit ang nagmamasid sa kanila....
" Antonio anak ko? "
sambit nito...at ng may napadaan na mga bata ay tinampulan ng tukso...
" Baliw...ahh...baliw..baliw..."
panunuya ng mga ito..at sa halip na magalit ay natuwa pa ito at nagsasayaw na kamo'y musika ang mga tinig ng mga batang tumutukso sa kanya...
baliw na nga si Dorothia sa dungis at ayos nito ay hindi na ito makilala...
at napabalita na lamang na pinapatay si Dorothia ni Donya Barbara sa mismong bakuran ng kanyang Mansion..
lumipas ang isang buwan at nagsilang na si Barbara ng isang magandang sanggol na babae...na pinangalanang Melanie.
lumipas ang mga taon at nagsilaki na ang mga sanggol...
lumaki si Melanie ng hindi batid ang tungkol sa kanyang kapatid...
na matagal na itinago ng mag-asawa sa under-ground sa pasya na din ni Barbara...at tanging si Edmundo lang ang nag-aruga rito at ang siyang nagbigay ng pagmamahal...
naging mailap sa ibang tao si Antonio nakakalabas lamang ito sa kanyang naging kulungan tuwing 12 midnight..at bumabalik naman tuwing alas tres ng madaling araw...
naging mailap man si Antonio ay hindi parin ito naging ligtas sa mata ng ibang tao...
at sa mata ng kanyang kapatid na si Melanie...matagal ng patakaran ng mansion ang pagbabawal na lumabas tuwing madaling araw..magmula ng nagkaisip na si Antonio...
hindi inaasahan ni Melanie ang makikitang nilalang...
nagsisigaw ito sa takot..
mabuti na lamang at nakaresponde agad si Edmundo at pinaliwanag sa anak ang tungkol sa kapatid nitong si Antonio...ngunit hindi ito matanggap ni Melanie at hindi niya kailanman tatanggapin...
lumipas pa ang panibagong taon..
at nagkasakit ng malubha si Edmundo hanggang sa bawian ito ng buhay...
sa pagkamatay ni Edmundo ay wala ng nagkalinga pa kay Antonio...
sa labis nagutom ay natoto itong kumain ng buhay....
mga daga.
ipis
at ng hindi na ito sapat sa kanya ay natoto na itong kumain ng tao..unang naging biktima nito ang malanding katulong sa mansion..
na tuwing madaling araw ay pumapanhik sa silid ng driver para magtanggal ng init sa katawan...hanggang maging ang ibang mga tao na nakatira sa lugar ay kanyang naging biktima...
kumalat ang sabi-sabi na may gumagalang halimaw na labis na ikinatakot ng lahat..
at may nakakita na sa mansion pumasok ang halimaw kaya naging maugong sa lugar at karatig na mga baranggay na ang pamilya Dimasalang ang mga kampon ng demonyo...
kaya nagpasya si Melanie na lisanin ang Mansion at magtungo sa Maynila ng
hindi batid ni Donya Barbara...lumipas pa ang maraming taon at nakapag-asawa na ito at nagkaanak.
hanggang sa lumaki na si Benjamin ang anak ni Melanie at Arthuro...
at isang araw nakatanggap ng balita si Melanie
na nag kasakit ng malubha si Donya Barbara kaya napilitan si Melanie at Arthuro na puntahan ito sa Mansion..at sa kasawiang palad ay naging biktima din ang mga ito ni Antonio...
dahil narin sa pagkahayok ni Arthuro sa kayamanan.
narinig kasi nito ng minsang binalaan sila ng Donya na huwag lumabas tuwing madaling araw at huwag pumasok sa underground ng mansion...
at sa pag-aakala na may nakatagong kayaman sa pinagbabawal na underground ay nangahas ito na sumuway...
at ng makita ito ni Melanie ay sinundan niya ang asawa para sana pigilan.
ngunit huli na ang lahat...
at maging siya ay hindi nakaligtas...napa asikaso pa ni Donya Barbara sa kanyang abogado ang pagpapamana ng lahat ng kanyang ari-arian sa kanyang nag-iisang apo na si Benjamin.
bago ito mamatay..sa pagkamatay ni Barbara ay walang nangahas na pasukin at pagnakawan ang mansion sa takot sa sinasabing bantay ditong Halimaw...
end of flashback.
BINABASA MO ANG
Pamana
Horrorisang pamana, ng kamatayan isang sumpa. lihim ng mansion at ang panganib.