Chapter 9

3.8K 110 0
                                        

chapter 9 : Edmundo

" guys sira ang sasakyan! and look nagbabadya pa ang kalangitan.so wala tayong choice but to stay!."
saad ko...

kita ko ang pagkadismaya sa mga mukha ng mga kasama ko...

kanina kasi ay napagpasyahan ng mga ito na lisanin na ang mansion...

pero parang pinipigilan kami ng pagkakataon...

nasira ang sasakyan at sumama pa ang lagay ng panahon...

matapos namin maghapunan ay nagtungo na kami sa kanya-kanya naming silid...

time check 12:20

ng isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong mansion...

" Tulong!!!!? tulongan niyo ako! parang awa niyo na? "

napapitlag ako sa aking kinahihigaan...

maging si Jasmine ay napabalikwas sa lakas ng sigaw...

" si Hazel."
napatingin ako kay Jasmine,hindi ako pwedeng magkamali boses iyon ni Hazel..

hindi na ako nagdalawang isip at agad ako na lumabas ng silid...

sumunod naman sa akin Jasmine..

balot ng kadiliman ang pasilyo sa ikalawang palapag maging sa ground floor...

narinig ko ulit ang sigaw at nagmula ito sa baba...

" Babe call the other! "
utos ko kay Jasmine...
na siya namang ginawa nito..

at ako ay tumakbo pababa...
tinungo ko muna ang mga switch ng ilaw...

sa pagliwanag ay nakita ko si Hazel na nakatayo paharap sa akin at nakangiti....

" Hazel?! "

" Edmundo! nagbalik ka! "

" Edmundo? Hazel ano ang sinasabi mo? sino si Edmundo?"

" Edmundo nasaan ang anak natin? nasaan si Antonio? "

" Hazel! ano ba ang mga sinasabi mo? hindi kita maintindihan? "

" Edmundo ang anak ko? nasaan ang anak ko???!!!! "
sigaw nito...
puno ng galit at poot ang kanyang mga mata...

bigla akong nakadama ng takot...
pakiramdam ko ay handa siyang patayin ako ano mang oras...

sa pagsigaw niyang iyon ay nagpatay sindi ang mga ilaw...

naghatid ito ng karagdagang takot para sa akin...

napaatras ako ng nagsimula siyang humakbang palapit sa akin...

hanggang sa lumapat na sa pader ang aking likod...

ng isang sigaw mula sa itaas ang nagpalingon sa akin...

at pagbalik ng tingin ko kay Hazel ay halos nakalapat na ang mukha nito sa aking mukha...

napatitig ako sa mga mata nito...

ang mga mata niya tila hinihigop ang buo kong lakas...

may kakaiba sa mga mata niya...
sa pagtitig ko dito ay may mga alaala ang pumasok sa aking isipan..
hindi ko alam bakit pero tila nagbalik ako sa nakaraan.
nakaraan na alam kong hindi sa akin...

PamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon