chapter 3 : kondisyon at Babala
napagpasyahan namin na sa Mansion na magpalipas ng gabi..magkakasama kami sa iisang silid...
at dahil narin siguro sa pagod sa biyahe ay agad kami na nakatulog...kinabukasan ay nilibot namin ang kabuuan ng mansion..
napakalawak ng pag-aari ng Lola ko mula sa mansion hanggang sa malawak na taniman ng mga mangga at saging...
pero bakit nagpakahirap si Mama na magtrabaho noon bilang isang Manager sa isang grocery store. eh! kung tutuusin buhay Haciendera naman sana siya.
naguguluhan ako kung bakit..
marahil itinakwil siya ng lola ko o ano man ang dahilan,hindi ko alam...sa paglilibot namin ay napadaan kami sa bakuran ng bahay at napansin ko ang dalawang nitsong naroon...
at ayon sa mga nakasulat roon ay libingan ito ng lolo at lola ko...
matapos ang paglilibot namin na tumagal din ng isang oras ay nagpasya na kami na bumalik na sa Maynila...
palabas na kami ng Mansion ng magtanong sa akin si Atty.
" Mr.Magsino kailan mo balak lumipat sa Mansion?"
naikinanganga ko...
" pero Atty. hindi naman ako titira sa Mansion! siguro ay ibibinta ko na lang ito! "
" Mr.! nakasaad sa dokumentong iyong pinirmahan na hindi mo maaring ipagbili ang Mansion.at isa pa sa kondisyon ng Donya na kailangan mo na tumira sa Mansion! "
" What?! pero- "
natigilan ako ng mapagtanto na hindi ko pala binasa ang mga kondisyon na nakasulat sa dokumentong pinirmahan ko." okay Atty. let me check again those list?
wika ko...at ibinigay naman nito sa akin ang copy ng dokumento....
nakasaad nga roon na hindi ko maaring ibenta ang Mansion.
kailangan ko rin tumira rito and the worst is habang nabubuhay ako.at nakasulat rin rito ang ilang babala.
una:
hindi ko maaaring buksan
ang underground ng Mansion at after midnight dapat ay wala ng niisa man ang lumabas sa bawat kwarto...hindi naman nakasulat ang mga dahilan..
nawewerduhan ako sa mga kondisyon ni Lola lalo na sa mga babala...pero nakaperma na ako...
at sa oras na hindi ko iyon sundin mawawala sa akin ang 35 milyon.
at hindi lang yun dahil sa oras na makaperma ako ay kailangan ko na sundin ang mga kondisyon dahil ang panghuling babala ay tumutukoy na sa oras na labagin ko ang dalawang kondisyon ay pagsisisihan ko." Atty. kalukuhan to eh!...ang mga babala halos puro kabaliwan! ang creepy,pang horror lang eh!. ano bang klaseng mana to!? tsaka ano ba ang meron sa Mansion na to!?"
" sorry Mr. Magsino pero maski ako hindi ko alam ang mga dahilan sa mga kondisyon at babala ng Donya Barbara. "
napahinga na lang ako ng malalim sa sagot ni Atty.
nakarating na kami sa sasakyan at agad naman ito na pinaandar ni Kuya Samyong.
di pa kami nakakalayo ng may makasalubong kaming sasakyan...
sinundan ko lang ng tingin ang sasakyan...
siguro ay sa karatig na brgy nakatira ang mga iyon...
![](https://img.wattpad.com/cover/57582327-288-k684328.jpg)
BINABASA MO ANG
Pamana
Horrorisang pamana, ng kamatayan isang sumpa. lihim ng mansion at ang panganib.