chater 8 : Bakas
iniwan ko muna si Mayra sa kanyang silid.
mahinahon na ito at mukhang nakatulog na.
effective yung pinainom dito na pampakalma.ang tinutukoy kong gamot ay ang gamot din na iniinom ni King..
si King ay anak ng isang Congressman at dahil sa nasaksihan nito na krimen naikinasawi ng kanyang ama noong 16 years old pa siya ay nag dulot ito ng trauma at depression sa kanya...
tanaw ko ang mga kasama ko mula sa ikalawang palapag na parang may pinagkakaguluhan...
agad ako nabumaba para alamin ito..
" look meron din dito"
" at dito din "palitan nila..
tinutukoy nila ang mga dumi na bakas ng paa...
kung ano-ano na ang mga hinuha ng mga ito..
kesa may halimaw o mabangis na hayop ang gumagala.
kung kaya mahigpit na pinagbabawal ang lumabas tuwing 12 midnight..marahil nga yun ang rason kung bakit!
una.bawal lumabas ng hating gabi and 2nd ang tungkol sa underground na ayaw pabuksan.at iyong nakita ko na nilalang sa labas ng Mansion.
so ito talaga ang misteryo ng Mansion.
" guys tama na yan! tinatakot niyo lang ang mga sarili niyo..sundin na lang natin ang bawat rules ng Mansion.para walang mapahamak ok? "
saad ko para matigil sila..." linisin na lang natin to! "
dagdag ko...at siya namang ginawa nila...
matapos namin mag-agahan ay kanya kanya sila ng ginawa...
ang iba ay namitas ng mga mangga...
ang iba naman ay nagtungo sa malapit na ilog...
ako lang ang naiwan sa loob ng Mansion...
minabuti ko na lang na kumustahin si Mayra...
pagkapasok ko sa silid nito ay nakita ko itong mahimbing parin na natutulog...
hindi ko na lang ito inisturbo...
at bumaba na ako...
sa hagdan ay nakakuha ng pansin ko ang painting na nakasabit sa dingding...
ngayon ko lang ito napagmasdan ng maigi..
ito marahil ang lolo ko
at ang kapansin-pansin ay kahawig na kahawig ko ito...napangiti ako habang tinitingnan ang naturang obra...
ng narinig ko ang lagitgit na tunog ng pagbukas ng pintuan...
paglingon ko ay nakita ko si Mayra na lumalabas sa silid nito...
" Benj. !"
tawag nito sa akin..agad ako na lumapit dito..
" Mayra..kumusta na ang pakiramdam mo? "
ani ko..." Benj. "
sambit nito at mahigpit na yumakap sa akin..." shhhh...tahan na Mayra. "
alo ko rito ng maramdaman kong humihikbi ito..." are you hungry? halika at hahainan kità.."
alok ko...habang sumusubo ito ay tinanong ko siya kung ano ang nangyari sa kanya...
" Benj. may nakita akong- "
naputol ang sasabihin nito ng tinawag ko si Hazel na papaakyat sa hagdan...parang wala ito sa sarili...
" Hazel! "
tawag ko ulit..
pero nagtuloy-tuloy lang ito...napalingon ako kay Mayra at alam kong nakita niya din si Hazel...
sinundan ko si Hazel at alam kong sumunod din sa akin si Mayra...
pero wala na kaming Hazel na nakita sa taas...
nagtataka kaming pareho ni Mayra...
ng bigla na lang narinig namin ang mga kasama namin na nagkakagulo sa baba...
napatakbo kami para tingnan ang nangyayari...
nakita namin na binubuhat ng mga ito si King na walang malay...
at ihiniga sa sofa." anong nangyari? "
taranta kong tanong..." bigla na lang siyang natumba at nangisay habang naglalakad kami papunta sa batis..."
tugon ni James...ng bigla nalang tumayo si King..
at nilibot kami ng tingin ng nanlilisik nitong mga mata..." umalis na kayo rito habang maaga pa!!! sinumpa ang mansion na ito!!! "
labas ugat na sigaw ni King...
pero hindi iyon ang boses ng kaibigan namin...
boses iyon ng matandang babae na kala mo ay galing sa ilalim ng lupa...at muli ay nawalan na ito ng malay...
natigilan kaming lahat sa pagkabigla....
BINABASA MO ANG
Pamana
Horrorisang pamana, ng kamatayan isang sumpa. lihim ng mansion at ang panganib.