Chapter 13

3.6K 99 1
                                    

chapter 13 : Andrew and Pamela

tila nakikisimpatya sa lakas ng kaba ng mga ito ang sama ng panahon...
ang malakas na ulan isama pa ang pagkulog at pagkidlat..

damang-dama ng mga ito ang lamig at takot..

hawak hawak ang isang sanga ng puno ay tinahak ni Pamela ang taniman ng mga mangga...

nanginginig ito sanhi ng pagkabasa sa ulan at takot na naramdaman...

napasigaw ito ng may biglang humawak sa kanyang braso...

agad naman na tinakpan ni Andrew ng mga kamay nito ang bibig ni Pamela...

" drew..."
sambit ni Pam ng mapag-alamang si Andrew ito...

" shhhhh....ako ito!. kailangan natin makaalis sa lugar na ito..pero Pam. ano't-ano man ang mangyari.gusto ko lang malaman mo na matagal na akong may pagtingin sayo...
sana hindi pa huli ang lahat para sa atin.Pam. mahal na mahal kita."
pagtatapat ni Andrew...

" Drew.mahal din kita! "

at nagyakap ang mga ito...

ng biglang umungol si Andrew...

agad na kumalas si Pamela sa pagkakayakap at tiningnan si Andrew at nakita niyang nandilat ang mga mata nito at nagluwa ng dugo...

" Andrew? "

at ng tingnan nito ang nasa likuran ni Andrew ay nakita niya ang Halimaw na naroon..

nakabaon mula sa likod ni Andrew tagos hanggang sa may dibdib ang matutulis na kuko ng Halimaw...

nasambit pa ni Andrew ang salitang TAKBO!!!

napasigaw naman si Pamela bago ito tumakbo...

bumagsak sa lupa ang wala ng buhay na si Andrew...

at tumuon naman na ang pansin ng Halimaw sa tumatakbong si Pamela...

sa pagtakbo ni Pamela ay na tisod ito sa isang ugat ng puno...

agad na tumayo si Pamela ngunit nakaramdam siya ng pagsakit ng paa niya...

iika-ika ito na nagpatuloy sa pagtakbo...

ng paglingon niya ay nakasunod ang halimaw sa kanya...

pilit nitong binilisan ang pagtakbo ng bigla itong nabunggo sa kung anong bagay...

at ng tingnan kung saan siya nabunggo ay nandilat ang mga mata niya sa gulat at takot dahil ang halimaw ito...

gamit ang hawak na sanga ng kahoy ay hinampas niya ito ng makailang beses pero hindi ito iniinda ng Halimaw...

sa halip ay nakatingin lang ito sa kanya...

at mabilis na sinakal siya nito...

inangat siya nito sa ere habang hawak-hawak ang kanyang leeg.

nagpumiglas si Pamela ngunit wala na siyang magawa sa lakas ng Halimaw...

habang hawak sa leeg ng isang kamay ay dinukot naman ng Halimaw ang kanyang puso gamit ang isa pang kamay nito...

nandilat at nagluwa ng dugo si Pamela bago nawalan ng malay ng nginuya na ng halimaw ang tumitibok-tibok pa niyang puso...

PamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon