chapter 12 : takot
" Pamela...where are you going? don't tell me lalabas ka? ano ka ba mapanganib!"
ani Hazel..napabalik kasi sila sa loob ng kanilang silid ng nagsitakbo sila sa pagsulpot ng Halimaw...
" Hazel! i can't wait here ok...mas lalo tayong manganganib kung mananatili tayo sa iisang lugar...and besides our friends need us!..."
" pero Pam! "
" find something to use as weapon...
mabuti na yong sigurado..."isa si Pamela sa palaban sa kanilang barkada..handa itong lumaban para sa mga kaibigan...
maingat na lumabas ang dalawa...
hawak-hawak ang mga nakitang pwedeng ipanglaban...tanging liwanag ng bukang liwayway ang nagsilbi nilang tanglaw...
dahan dahan nila na sinuyod ang pasilyo sa ikalawang palapag ng mansion...
pawang nakabukas ang mga silid na kanilang nadaanan
ibig sabihin na wala doon ang kanilang mga kaibigan...wala na silang sinayang na oras at bumaba sila...
balot ng kadiliman ang buong mansion na tila sinadya ng pagkakataon...
kanina lang ay bukas ang mga ilaw ngunit kasabay ng pag kulog at pagkidlat ay nawala din ang liwanag...
sa sala's ay nakita nila si Mayra na kasama si Louie hawak ng mga ito ang kanilang mobile phone para magsilbing ilaw...
nagyakapan pa ang mga ito...
" nasaan si James at ang iba pa?"
tanong ni Louie...pero walang sumagot ibig sabihin na walang nakakabatid....
tinungo nila ang palabas ng Mansion...
at hindi pa man nakakalayo ay bigla na lang napasigaw si Mayra...
nakita nila si King na duguan at wala ng buhay...
lahat sila nalungkot at mas dama ang takot ng makita ang kaibigan nilang si King na wala ng buhay..
" kailangan na nating makaalis rito...Mayra! ano ba? halika kana! "
wika ni Louie sabay akay kay Mayra para tumayo...
paano'y naka salampak ito sa lupa at iyak ng iyak na niyayakap si King...nagpatuloy na ang mga ito sa paglalakad palayo sa Mansion nakita naman nila si James na nakahandusay din sa lupa at butas ang bandang puso...
muli ay nakadama sila ng lungkot para rito...
at mas umigting ang pagnanais na makaalis sa isinumpang Mansion...napatigil sila sa paglalakad ng makita na umuuga ang lupa sa libingan na naroon sa may Harden...
at bigla na lang iyon na bumukas at niluwa roon sina Benj. at Jasmine kasama si Andrew...
nakita kasi ni Andrew na pumasok sa underground sina Benj at Jasmine kaya sumunod siya sa mga ito...
pinabatid ng mga ito ang nangyari kina James at King
na labis na ikinalungkot ng tatlo...
sabay nila na tinungo ang gate palabas ng mansion...
ng bigla ay sumigaw si Hazel at Mayra...
napatingin ang lahat sa dako kung nasaan naroon ang sanhi ng pagsigaw ng dalawa...
at sa isang iglap ay tumakbo ito palapit sa kanilang kinaroronan.
nagkanda watak watak na nagsitakbo ang mga ito...
BINABASA MO ANG
Pamana
Horrorisang pamana, ng kamatayan isang sumpa. lihim ng mansion at ang panganib.