chapter 2 : Ang Mansion
matapos ang isang linggo ay isinama ako ni Atty. Sanchez
sa Leyte para puntahan ang Mansion ng Lola Barbara na ngayon ay magiging pag-aari ko na.
mula sa Maynila ay nag Airplane kami patungong Tacloban Airport at mula naman sa Tacloban ay sumakay kami ng Van papunta sa Brgy.Maitum kung nasaan ang Mansion.
habang patungo sa Mansion sakay ng van ay mapapansin ang payak na pamumuhay sa mga nadadaanan naming karatig na barangay...
sa tansiya ko ay mga 10 brgy.ang nadaanan namin bago makarating sa aming destinasyon...
kasi mas malaking bahagi ng dinaanan namin rito ay kakahuyan at magkakalayo ang agwat ng bawat brgy.
ilang oras din ang naging biyahe namin at sa tingin ko ay 12 oras o higit pa...
ganoon kalayo ang lugar...
kaya gabi na ng makarating kami...
napansin ko na wala ni isa mang kalapit na bahay sa Mansion...
ayon sa driver ng inarkela naming sasakyan ay sadyain talaga ang lugar malayo kasi talaga ito sa national road. may tatlong brgy. pa raw sa unahan.ngunit tulad ng mga nadaanan namin ay malalayo din ang distansiya ng mga ito...
kwento pa ng driver na dati daw ay may ilang bahay na nakatirik dito di kalayuan sa Hacienda Dimasalang ngunit sa hindi malamang dahilan ay nagsilipat na ang mga ito sa ibang brgy.
unang beses pa lang niya na makarating rito sa lugar. napadaan na daw ito ng isang beses rito ng may inihatid siya sa pinakadulong Brgy. ang Brgy.Bato subalit mga taon nadin daw ang lumipas...
bago makarating sa brgy.Bato ay madadaanan pa daw ang brgy.Maslug at brgy.Hilungos.
may mga kabahayan na daw sa mga brgy.na iyon ngunit hindi daw ganoon karami...
habang nagkukwento ang driver na nakilala ko na si Kuya Samyong ay tila may hilakbot akong naramdaman..
na hindi ko maipaliwanag...
hanggang sa huminto na nga kami sa Mansion...
at dahil sa kinontrata na namin si Kuya Samyong ay aantayin niya kami hanggang sa matapos kami sa aming pakay...
hindi na rin naman siya mamomroblema sa pagkain niya dahil kasama na iyon sa binayaran namin sa kanya...
at nakapagtake-out na kami sa bayan ng makakain...
pumanhik na kami sa Mansion..
at dahil gabi na ay madilim na ang paligid...
maging ang mansion..
" Atty. wala man lang bang caretaker dito sa Mansion? "
tanong ko...
meron naman daw ngunit dahil sa pagkamatay ng Donya ay umalis na din daw ito...maging ang ilang katiwala...
hinanap ko ang switch ng ilaw gamit ang dala naming flashlight...
ngunit bago ko pa man mapindot ay may napansin akong isang bulto ng babae na nakatayo sa aking harapan.bagaman nagulat ay napindot ko parin ang switch...
at nag-ilaw ang isa sa mga ilaw na naroon sa malawak na sala's.
tsaka pinindot ko ang ilan pa sa mga switch na naroon kaya nagliwanag ang kabuuan ng Mansion except sa ilaw sa loob ng mga silid...
napakalaki nga pala talaga ng mansion at panahon pa ng kastila ang desenyo nito..
ngunit may kakaiba akong nararamdaman tila ba may mga mata na nakatingin sa amin...
BINABASA MO ANG
Pamana
Terrorisang pamana, ng kamatayan isang sumpa. lihim ng mansion at ang panganib.
