Chapter 6

4.1K 120 0
                                    

chapter 6 : misteryosong nilalang

anong oras na pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok..

himbing na himbing na ang babaeng katabi ko na nakayapos ang braso sa aking dibdib...

hindi talaga ako mapakali hindi ko malimutan ang hilakbot ko sa aking nakita.

gusto kong lumabas pero hindi maaari,isa ito sa bababala ni Lola...

dahan-dahan kong tinanggal ang braso ni Jasmine na nakayapos sa may dibdib ko at maingat na tumayo para hindi mabulahaw ang himbing nito...

hinapit ko ang makapal na kurtina sa bintana at tumingin sa labas...

nakatitig lang ako sa kadiliman ng maulinagan ko ang bulto ng isang nilalang na hindi ko mawari kong ano...

pero ang nakapagpalakas ng kabog ng dibdib ko ay ng lumingon ito sa akin at nakatingin sa akin ang dilaw at malalaki nitong mga mata...

hindi ako nakagalaw sa tagpong iyon...

pakiramdam ko ay nanigas ang buo kong kalamnan...
gusto kong humakbang paatras ngunit hindi ko magawa...

napapitlag ako ng biglang may humawak sa balikat ko...
si Jasmine.nagising pala ito ng maramdaman na wala ako sa kanyang sa tabi...

" anong tinitingnan mo jan?"

doon lang ako na tauhan.

ng tingnan ko muli ang bulto ng nilalang na nakita ko sa labas ay hindi ko na ito maaninag...

" namumutla ka Babe? what happened to you? "
-si Jasmine na sumilip pa sa kung ano ang tinitingnan ko...
ng wala naman itong nakita ay hinila ako pabalik sa higaan...

" babe halika na matulog na tayo ulit! baka kung ano pa ang makita mo jan! "

nagpauraray naman din ako...

muli ay niyapos ako ni Jasmine at kahit paano ay dinapuan na ako ni Haring Antok...

****

kinaumagahan ay sabay kami na lumabas ni Jasmine ng silid.
pagkababa namin tsaka naman lumabas si Pam at Hazel.mula sa kanilang silid...
magkatabi lang kasi ang silid namin sa kanang bahagi kahilira namin ang silid na ikinupahan ni Louie at ang panghuli ay ang kay James...
sa kaliwa naman ay may apat pa na silid doon naman ang napiling silid nina King,Mayra at Andrew...

halos kumpleto na kami sa baba pwera na lang kay Mayra...

" grabe naman matulog ang babaeng yun! anong oras na oh! hindi pa din gising! "
si Pamela na obvious na naiinis. ito kasi ang palaging nakakabangayan ni Mayra...
hindi ko alam pero parang ang init ng dugo ng dalawa sa isat-isa...
magkasalungat kasi ang ugali ng dalawa...

si Pamela na akala mo tumboy kong kumilos at si Mayra naman na kikay at maarte..

" aakyatin ko na lang! "
presenta ni Jasmine...
sinamahan ko naman din ito...

nakailang katok na kami pero wala kaming response mula kay Mayra...

isang katok at tawag pa ang ginawa ko at ng hindi talaga sumasagot si Mayra ay minabuti ko na kunin ang mga susi sa lagayan nito sa baba.

nagulat naman ang iba ng makitang nagmamadali ako at balisa...

" what happened? "
tanong ni King at alam kong ganoon din ang nasaisip ng iba pa...

" si Mayra! kanina pa kami katok ng katok sa silid niya but she never response."
sagot ko...

patakbo ako na bumalik sa silid ni Mayra kung saan ko iniwan si Jasmine...

nagmadali naman din na nagsisunod ang iba...

nakatatlong try ako ng susi bago nagbukas ang pinto.

at natigilan kami saglit ng makita namin si Mayra na nanginginig at nakahalukipkip na nakayap sa mga tuhod.

" Mayra???! anong nangyari sayo? "
halos sabay namin na wika...

agad din namin ito na nilapitan at inalalayan para matayo at mapaupo sa kama nito.

hindi ito sumasagot sa mga tanong namin sa kanya...
kitang-kita ang takot nito base narin sa panginginig nito...

PamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon