chapter 11 : James at King
samantala...
napatakbo naman si James at King papunta sa labas...
" Pare asaan si Jasmine? "
manginig-nginig na turan ni James..." kasunod lang natin siya kanina! "
turan naman ni King....akmang babalik si James sa loob ng naroon ang halimaw sa bungad ng pinto at natingin ito sa kinaroroonan nila...
" pa-pa-pa-re...! Takbo??? "
puno ng takot na sigaw ni James....pero sadyang maliksi ang Halimaw at sa isang kisapmata lang ay naabutan na si King...
natalonan ito ng Halimaw at napahiga sa lupa...
si James na man ay tarantang napatakbo palayo sa kaibigan...
hindi nito magawa na lingunin si King..
ang nasasaisip nito ay ang mailigtas ang sarili...nakapagtago ito sa likod ng isang malaking puno...
Habang si King ay walang tigil sa paghiyaw sa sakit na nadarama...
gamit ang matatalim na kuko ng halimaw ay winakwak nito ang kanyang tiyan...
at dinukot pa nito ang puso ng walang laban na si King..
pagkatapos ay nginuya...inapakan pa nito ang ulo ni King na ikinapisat nito bago tumalon at hinanap ang isa pang kasama ng kanyang biktima...
nanginginig at takot na takot si James na nakasandal sa likod ng puno...
pakiramdam niya ay nasa paligid lang ang halimaw...
ng isang marupok na sanga ang nabali at bumagsak malapit kay James na naging dahilan para mapasigaw ito...
at hindi ito napalagpas ng Halimaw at mabilis nito na sinunggaban si James na napatakbo sa pag-aakalang ang halimaw na ang bumagsak na sanga...
at mula sa kanyang likuran ay dinukot ng halimaw ang kanyang puso...
dilat ang mata na bumagsak si James sa lupa...
---_--------_
" Benj. Babe.."
at mahigpit na niyakap ni Jasmine ang boyfriend...
" shhhhh....aalis tayo rito okay? wala na akong pakialam sa 35 million o dito sa mansion."
natigilan si Benj.sa pag-aalo kay Jasmine ng makita niya ulit ang ama niya...
at nakatingin ito sa kanya na parang pinapasunod siya...
hinawakan niya ang kamay ni Jasmine at sinundan nila ang tinatahak ng kaluluwa ng kanyang ama...
nagpauraray lang si Jasmine sa boyfriend sa pag-aakalang aalis sila palayo sa mansion...
tumigil lang sa paglakad si benj. ng nasa tapat na sila ng pinto papuntang underground...
dali-dali na binuksan ito ni Benj.
using his cellphone ay inilawan nito ang daan pababa ng underground...
ng makababa na ay kita nila ang nagkalat na mga buto at bungo ng tao...
napahigpit ang kapit ni Jasmine sa boyfriend sa mga nakikita...
until may napansin si Benj.na isang kwentas na nakasabit sa may kalansay....
hindi siya maaring magkamali ito ang kwentas na pagmamay-ari ng Daddy niya...
tandang-tanda niya ang kwentas na ito dahil katulad na katulad din ito ng kwentas na suot niya...
kapwa ito bigay ng Mommy niya...noong christmas..
hindi napigilan ni Benj. ang kanyang pagluha...
ang inakala niyang aksidente na dahilan ng pagkamatay ng mga magulang niya was a big lie...
dahil ang totoo it was the Monster who killed them...
nagpupuyos sa galit si Benj. para sa Halimaw na kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang...
alam na niya ang pagkatao ng kinamumuhiang Halimaw...
nakita niya ito sa alaalang pinasilip ng babaeng kamukha ni Hazel...
BINABASA MO ANG
Pamana
Ужасыisang pamana, ng kamatayan isang sumpa. lihim ng mansion at ang panganib.