Chapter 10

3.8K 112 1
                                    

chapter 10 : sigaw

" Babe!,call the others! "
sigaw ni Benj. sa akin..
na siya namang ginawa ko...

pinagkakatok at tinawag ko ang mga kasamahan ko..

na agad naman na nagsipagbukas...
maging sila din ay narinig ang pagsigaw na iyon ni Hazel...

isa na lang ang silid na hindi ko pa napuntahan iyon ang mismong silid ni Hazel at Pamela.

kasama ko na ang iba pa...at dahil bahagyang nakaawang ang pintuan sa silid ng dalawa...
ay agad ko ito na binuksan at doon ay nakita ko si Pamela at Hazel...

napabalikwas naman ang dalawa ng makita kami...

" Hazel? "
nabigla kong tanong rito...

kung nandito siya.
kaninong sigaw ang pinagmulan ng narinig namin sa baba...

bigla akong kinabahan.
baka na sa panganib si Benj.

" si Benj. baka na sa panganib siya!"
bulalas ko...

madali akong tumakbo para puntahan si Benj.
at nakasunod naman sa akin ang iba pa...

ng bigla nalang may tumalon sa harapan namin mula sa kung saan...

at dahil sa liwanag na galing sa ilaw ng mga bukas na silid ay kitang-kita namin ang itsura ng nilalang na iyon..

natigilan kami na sandali bago rumehistro sa utak namin ang nakakatakot na nilalang na nasa harapan namin...

at sabay-sabay kami na napasigaw at nagsi takbo palayo sa nakakatakot na nilalang...

napahiwalay kami sa iba pa...
kasama ko si James at si King na tumakbo patungo sa baba ng hagdan...

ang iba ay hindi ko alam kong saan na dereksiyon tumakbo...

nakisabay pa ang pagpatay sindi ng ilaw na nagdagdag ng takot sa paligid...

narating namin ang sala's at ang tanging nasa isip ko ay maghanap ng matataguan ng mahagip ng tingin ko si Benj. na nakasandal sa may dingding...at tila wala sa sarili...

" Benj.!"
mahinang sigaw ko...
sumutsot pa ako rito pero hindi niya ako narinig...

nakatago na ako sa likod ng upuan at hindi ko alam kong nasaan na ang mga kasama ko...

ng maramdaman ko na nasa malapit lang ang nakakatakot na nilalang...

at palapit ito sa pinagtataguan ko...

si Benj. hindi parin siya gumagalaw...
tanaw ko siya mula sa pinagtataguan ko...

nalagpasan na ako ng halimaw at papunta ito sa kinaroroonan ni Benj...

napatakip na lang ako sa bibig ko ng makita na nasa harapan na ito ni Benj.

" Pa'pa! rinig kong nagsalita ang halimaw na iyon...
at tinawag niyang Papa si Benj. puno ng pananabik ang tinig niyang iyon...
puno ng pagmamahal...
at hindi niya lang basta tinawag na Papa si Benj. dahil umiiyak din ito na parang sabik na sabik na muling nakita si Benj....

hindi ko maintindihan...
napapikit na lang ako...

pero napadilat ako ng biglang sumigaw si Benj.

bumalik na marahil sa sarili nito si Benj..

at kita ko kung paano siya nagulantang sa halimaw na nasa harapan niya...

kaya naitulak niya ito...

napatalon naman palayo ang halimaw...at mabilis na tumungo palabas...

rinig ko pa ang pagsabi nito ng _"Papa Papa!!"

PamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon