8: Lies and pretentions

4.9K 127 9
                                    

Okay..so this is just a short update guys but this chapter is very meaningful. I know i am late to greet  happy mother's day but everyday is a mother's day namn diba? Kaya love niyo mother niyo always...kaya ako nagmention ng mother2 kasi may kinalaman ito sa mother mother.

=======

Sabado na at ngayon ang awarding sa top ten. Bandang ala una magsisimula ang event at excited na ako. There’s always an awarding every grading and at the same time PTA meeting. Giving of cards and concerns of the students about their studies. Noon kasi, nasa third or fourth lang ang rank ko pero dahil sa pagpupursige ko ay narating ko rin sa wakas ang rurok. Sisikapin ko talagang huwag ng bumaba. And that’s the hardest part, to maintain your rank.

Pinagsisilbihan ko ang aking dalawang amo ay este mama at kapatid pala. Hindi nila ako pinasasabay sa agahan nila maski sa tanghalian at hapunan. Maid kasi nila ako eh. At ang maid ay hindi sumasabay sa amo nila kapag kainan na.

“mommy, Top 8 po ako sa class namin.” Balita ni Aira. “bukas awarding namin, samahan mo ako sa stage mommy ha.”

“Sure honey. I am so proud of you.”

Kung sabihin ko kaya kang mama na top 1 ako, magiging proud kaya siya sa akin. “ahhh..mama, ako top 1. Mamayang hapon ang awarding ko at gusto ko sanang samahan mo rin ako sa stage.” Habang nagbubuhos ng juice sa baso niya.

Tiningnan niya ako ng maigi. “Sabrina, gusto mo ba akong ipahiya sa mga kaklase mo? Ayaw kong pumunta. Final.”

Bakit ko pa kasi sinabi? Hindi niya naman ako sinasamahan sa awarding eh. Pero baka nagbabasakali lang. Baka ipagmalaki niya ako dahil top 1 ako sa school pero hindi pala. Akala ko lang pala ang lahat.

00=00=00=00=00

“top 2, Violette Gem Buenaventura.” Tapos nagpalakpakan ang mga estudyante pati na rin ang mga parents. Pero mukhang di lang ako ang walang parents na kasama sa stage pati rin pala si Violette, parentless. Kinuha na niya ang certificate at pumwesto sa linya.

“top 1, Sabrina Pink Cabrera.” Mahina lang na palakpak ang narinig ko pero wala akong pakialam. May certificate ba sila? Wala. Top 1 ba sila? Hindi.

Kompleto na ang overall top ten at nagpicture taking kami sa stage pagkatapos ay pumunta na sa room para sa meeting. Umuwi na ako since wala naman akong parents na kasali sa meeting at nakuha ko na rin ang card ko.

Nasa gate na ako nang may narinig akong sumisigaw. “MA! BAKIT KA NANDITO? DIBA SABI KO HUWAG KANG PUPUNTA DITO?”

Napako ako sa kinatatayuan ko sa nakita ko. Si Violette sinisigawan yung mama niya na may dala dalang basura. Mukhang basurera ata ang mama niya pero sabi niya fashion designer raw mama niya tapos papa niya naman engineer. Mukhang nagsisinungaling si Violette sa amin para makafit-in sa mga mayayaman naming kaklase.

“Pero anak, awarding niyo ngayon diba? Sasamahan sana kita sa stage.”pagmamakaawa ng mama niya.

“TAPOS NA KAYA UMUWI KA NA! MALIGO KA NGA! ANG BAHO MO!”

Ohmygod! tinataboy niya ang kanyang mama. Ikinakahiya niya ang mama niya. Buti pa nga mama niya eh, sasamahan siya sa stage, eh ako, kailangan ko pang magmakaawa pero wa epek.

Nakita kong umiyak ang mama ni Violette, halatang nasasaktan siya sa pinagsasabi ni Violette. “a..nak!” garalgal na ang boses niya. “pa..ta.wa.rin..mo..ako…….sige…u.u.wi..na.ako.”

“DAPAT LANG! ANO NA LANG SASABIHIN NG FRIENDS KO KAPAG NAKITA KA NILA!” pagkatapos nun ay nagsimula ng maglakad ang mama niya tapos bumalik na rin si Violette sa school pero nahinto siya ng makita ako. “So oink oink! You already know my secret huh! Ano, ipagkakalat mo ba na isang hamak na basurera ang nanay ko? Ipagkalat mo at gagawin kong miserable buhay mo.” and paced out.

Bakit ba niya ikinakahiya mama niya. Buti pa nga siya, mahal ng mama niya. It’s so sad knowing that this world is full of pretentions and lies. Nagflashback sa akin yung mukha ng mama ni Violette, nung sinigawan siya at nilait ng sarili niyang anak. It’s so painful and it made me cry.

Pag ako pumayat.....SIGE KA! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon