38:I am sorry

3.8K 98 25
                                    

Sorry sa super duper late na update guys. Actually i'm from cebu, northern part to be exact and UNFORTUNATELY, we were one of the victims of Typhoon Yolanda. Signal no.4 kami nung Nov. 8. Hayyyy....It was really devastating and heartbreaking. Wala na kaming bahay. But, Life must go on. n_n

And we are back to business. Balik showbiz na naman ang peg pero naiinsert ko pa rin ang studies ko.

Ilang araw na ang lumipas mula nung libing ni mama. Namiss ko siya. Ang weird nga eh, di ko siya namiss nung nagkahiwalay kami. Hindi na si Blu ang history teacher ko kung hindi si Red. And talking about my history project, medyo nahihirapan pa kasi kamamatay lang ni mama.

Gabi na at nasa kwarto lang ako. “haayyy…” habang nagtatype sa laptop ko about my project. “hhaaayyyy…….” Panay ang pag buntong hininga ko. There’s missing eh.

Makaopen na nga ng facebook. At nakita ko si Violette na online. We still have contact through fb at paminsan minsan nalang kaming nagchachat dahil sobrang busy ako. Alam rin niya na nag artista ako.

Bago ko naclick ag name niya ay inunahan na niya ako.

Violette: Oi Sabrina, ang artista kong kaibigan…kumusta ka na? BTW condolence. I miss you.

Napangiti ako sa nabasa ko.

Me: Violetteeee…namiss na rin kita…uwi ka na dito oi.

Violette: uuwi ako dyan pag ikaw ang maid of honor sa kasal ko at dapat nandoon ka rin sa preparation

Me: hala..ikakasal ka na?

Violette: basta..sige na..plleeaass..i won’t take no for an answer.

Me: ok ok…ako ang maid of honor at nandoon rin ako sa preparation ng kasal mo.

Violette: yeheeyy..promise mo yan ha…a promise is a promise

Me: oo…promise..ikakasal ka na ba talaga?

Violette: siguro Sabrina kasi may narinig akong kasal kasal thingy sa parents ko kaya habang maaga pa, iniinvite na kita.

Me: so arrange marriage? What about the guy?

Violette: yap…hindi ko pa kilala ang guy eh…and also, I want to settle down…natuturuan naman ang puso diba..at first, tutol ako but I realized na this is for my own future so why not. I know na mabuting lalaki ang pipiliin nila para sa akin.

Me: Kunsabagay, I am so happy for you Violette….Have to make my assignment na…byeeeiii…

--log out---

Isip lang ako ng isip pero wala pa ring pumapasok sa utak ko. NAMAN! Buti pa si Violette, ikakasal na.

“Aiiisshhhh..” irita kong sabi habang ginugulo ang buhok ko. I shut down the laptop and fall to bed.

Unang pumasok sa isip ko si Blu. Hindi na kami nagkikita at namimiss ko siya. Yung ngiti niya, yung sweetness niya at iba pa.

Nasasaktan ako sa isiping di na kami magkikita kasi babalik na siya sa England for good. Parang di ko kaya. Habang nag iisip ako, di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko sa aking mga mata.

Agad kong kinuha ang cp ko and dialed Paula’s number.

[Oh Sab..napatawag ka in the middle of the night.]

“Paula….I think I am in love with Blu..no..no….I am inlove with Blu.” I uttered in frustration.

I heard her gasps. [Thank God. Akala ko wala ng pag asa eh. Sabihin mo sa kanya before it’s too late.]

Pag ako pumayat.....SIGE KA! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon