Pagkarating ng pagkarating ko sa bahay, agad sumalubong ang aking mama Sandra.
“oi Sabrina, mabuti at dumating ka na. Nga pala, maglinis ka tapos palitan mo ang mga curtains. May darating na bisita.” Utos niya sa akin.
Wow…what a warm welcome.
“and by the way, kapag dumating na ang mga bisita, go lock yourself in your room. huwag kang magpapakita sa mga bisita dahil patay ka sa akin!” I nod and proceeded to my room to change. Hindi naman siguro halata na ikinakahiya niya ko.
Pagkatapos ay naglinis na. Una kong nilinis yung kusina, pinalitan ng mantel ang mga lamesa at naghugas ng sandamakmak na hugasin na siyang kinainan nila. Habang naghuhugas ako, nakita kong dumaan si Aira.
Si Aira Kassie Cabrera, 14, my little sister from a different father. You see, yung mama namin ay isang kabit. Yap, the third woman, the other woman. At si Aira ang bunga ng kanilang paglalandian. We used our mother’s last name which is Cabrera since I don’t know my father and my mother’s relationship with that guy is illegal. Not accepted by the mass. Yung father ni Aira ang sumusuporta dito sa pamilyang to kaya kapag naghiwalay sila, kawawa kami. Pasekreto lang pumupunta ang lalaki ni mama.
“ Aira, patulong naman oh!” I pleaded as I was washing the plates.
“ tsss….kaya mo nayan noh. Para rin pumayat ka.” sabi niya nang hindi ako nilingon at pumunta na sa kwarto niya sa taas. She paused for a bit and turned to me. “Pakiplantsa naman ng damit ko oh. Gagamitin ko yun mamaya. Ok? I’ll need some beauty rest pa kasi.” And entered into her pink room.
I heave out a sigh. Napakatamad talaga niya mana sa nanay. Pagkatapos kong maghugas ay plinantsa ko agad ang damit ni Aira tapos nagpalit ng kurtina at nagwalis. Kinuha ko na ang limang basurang nakaplastik at lumabas para itapon ang mga yun.
“oiiii..Taba!” biglang kumunot ang mukha ko nang marinig ko ang pamilyar na boses palaka na yun. I just ignore him and went to the garbage drums. “need help?” he offered.
Tama kayo. Siya na naman, ang mortal kong kaaway.
“no thanks!” with matching snob.
“ wow..a snobbish garbage girl with puffy eyes huh!” he said sarcastically. “no, let me clear that, a fat snobbish garbage girl with puffy eyes!”
“gee.. thanks for clearing that.”
Puffy eyes kasi galing kaya ako sa pag-iyak kanina, remember? I got shocked when he snatched the plastics that I am holding but due to my reflexes I snatched it back from his hands. Pero di siya nagpatalo, kinuha niya ito pero di ko hinayaang mapasakamay niya ito.
“ akin na sabi eh!” I said with gritted teeth.
“ ako na kasi eh. Ang kulit!” habang binibitad yung plastic.
At dahil sa bitad ng bitad, from left to right ay napunit ito tapos sumabog yung laman. Medyo may tumalsik sa akin ng kaunti. Biglang sumingkit ang mata ko na parang intsik tapos kinuha ko yung natirang buong plastic at ibinuhos sa kanya ang laman.
He deserves it. Karma niya sa kanyang kakulitan.
“ TABAAAAAA! BAKIT MO GINAWA YUN?” galit niyang sabi. Eh sino ba namang hindi magagalit kapag binuhusan ka ng basura.
“Kasi you look like a garbage drum eh. Biodegradable and non biodegradable.”
“GGGGRRR..YOU’LL PAY FOR THIS!” he clenched his fist and about to punch me but before he can do that, I escaped. “SIGE TUMAKBO KA! LILTSUNIN TALAGA KITA!”
Huminto ako ng makalayo na ako sa kanya tapos nakita ko siyang nakatayo at nakakuyom ang kamay niya. I stuck my tongue out at him. “ Bllleehhh..LITSON YOUR ASS!” I shouted so he can hear it and stormed out.
00=00=00=00
“ ano tong mantel na pinalit mo? Palitan mo ulit. Hindi bagay atsaka yung kurtina, pakipalitan. Madami pang alikabok oh..kjsadnhjshbfnskd,a.sz,xmnhcbmvx,xl.” She commanded endlessly.
Woooaaahhh.. I think I’ll burst out. Utos na naman? Napabagsak ako sa sofa dahil sa sobrang pagod. Galing kasi ako sa takbo eh tapos uutusan na naman ako.
“HOI SABRINA! NAKIKINIG KA BA? BAKIT ANG TAMAD MO? KAYA KA TUMATABA EH! SIMULAN MO NA AT DARATING NA ANG MGA BISITA!” sigaw niya at tumungo sa kusina para sermunan ang mga cook.
I gather up all my strength then stood up. And I started changing the mantels and curtains again.
Minutes after ay natapos na rin ako at nagsidatingan na ang mga bisita. Ewan ko kung ano ang okasyon. Hehe.. time to lock myself in the room.
In my room…
Kung tinatanong niyo kung ano ang itsura ng room ko, heto yun. Di siya medyo kalakakihan, maliit nga siya eh since this is a maid’s quarter. Opo, MAID! Kwarto ng maid ang kwarto ko ngayon. Wala na akong magagawa, dito ako inilagay ng magaling kong mama. At least I have a room.
I was just lying in my bed and blankly staring at the ceiling then something popped into my mind. My checklist. I have a checklist about signs if he’s the one. Ang corny ko noh? Hehe..ganito kasi ako eh. NBSB ako, No Boyfriend Since Baby. Malamang, sa itsura kong ito, sino bang magkakagusto sa akin at mamahalin ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/5342476-288-k883933.jpg)
BINABASA MO ANG
Pag ako pumayat.....SIGE KA! [COMPLETED]
HumorHindi siya kagandahan. Hindi rin siya sexy. In fact, she’s the total opposite of those adjectives mentioned above. A girl who is always an option to her family and to everyone. Question: Makakahanap kaya siya ng taong magmamahal sa kanya ng buo? Che...