11. REGRET:SISI

4.9K 153 15
                                    

Dedicated to andayamu kasi pinilit niya akong mag update.hahaha..salamat sa pagbabasa nito..

I love you kasi you seem familar! wahahaha

And by the way, what happen to my votes and comments? hihihi....ok lang..kahit di niyo na to binabasa, i'll keep updating pa rin..Thank you sa mga patuloy na sumusuporta ng storyang ito...lovelots..mmwwaahhhh

=======

It’s school time na naman. Time to wake up and feed my masters who are apparently my mother and sister. Nagluto na ako at nagsimula na silang kumain tapos ako naman ang sumunod. Naligo na at nagbihis. Pagkalabas ko ng bahay ay agad kong nakita si Blu who is putting his hands to his side pockets.

“oh? bakit nandito ka?” and walked towards him.

“Sabay tayo!”

“okay? halika, sakay na tayo.” Nagsimula na akong maglakad pero hinawakan niya ang braso ko at ako’y napatigil. “bakit?”

“hindi tayo sasakay. We’re going to walk.”

“Ano?” I uttered in frustration. “Sakay nalang pwede?”

Hindi niya ako pinakinggan tapos inakbayan ako at humakbang na. “Kaya ka tumataba eh. Tamad ka! Walking is exercising. Malapit naman school natin ah atsaka to save money and mother earth.” Mahaba niyang paliwanag.

“Ehhh..ano namang konek ng mother earth.” Tapos tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa balikat ko.

“Aysus..pakipot pa tong si taba!Balang araw hahanap hanapin mo rin to pati na rin yung kiss!”

I smirked. “ASA!”

Napalakad nga niya ako. Kahit friends na kami, palagi pa rin kaming nagbabangayan. Siguro yun ang hindi magbabago.

Nakarating na kami sa gate ng school at nakasalubong namin ang mama ni Violette na may dalang basura at parang inaabangan si Violette.

“goodmorning po.” Bati ko sa kanya tapos lumingon siya ngumiti sa akin.

“ah Hija, kilala mo ba si Violette?” tumango ako. “pakibigay mo naman to sa kanya oh. Baon niya to. Sabihin mo sa kanya na pasensya na kung maliit. Ito lang kinaya ko sa pangbabasura eh.” At inabot sa akin ang isang 20 pesos.

“sige po.” And smiled at her. Sana ganyan ang mama ko, maalalahanin. Gagawin lang ang lahat para sa anak. Nagawa pa niyang ibigay ang 20 pesos na tanging kita niya sa pambabasura kay Violette. Ang swerte niya. Sana ako nalang si Violette, kahit anong hirap namin basta nagmamahalan, okay na ako doon.

Umalis na siya para magsimula na sa trabaho niya at pinagpatuloy namin ni Blu ang paglalakad.

“mama ba yun ni Violette?” tanong ni Blu na parang di makapaniwala.

“yap. Mama niya yun.”

Pag ako pumayat.....SIGE KA! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon