The Meeting
"Oh ano, Lily? How does it feel na pasado ka na sa prestigious na Maple University? Nakamit mo na ang step one ng pangarap mo." excited na sabi sa akin ng best friend ko habang nakatingin kami sa online results ng passers para sa Maple University Entrance Test.
Ang galing ko talaga! Super the best! Huhuhuhu! I can't contain the feels right now. I'm now going to conquer my dream University!
"OMG, Naya! Hindi ako makapaniwala pero kailangan kong maniwala! Ang hirap ng exam e, akala ko hindi tayo papasa pero pumasa tayo. I'm proud of ourselves!" nagyakapan kami.
Grabe, halos matuyot ang brain cells namin ni Naya nung nagte-take kami ng exam sa Maple nung isang buwan. Pasok ako sa course na Hospitality Management Major in Culinary Arts samantalang si Naya naman ay Tourism Management. Kahit magkaiba kami ng Degree Program, parehas naman kami ng College kaya kahit paano hindi kami magkakahiwalay. O 'di ba parang kambal lang? Well, akala nga ng iba ay kambal kami ni Naya dahil maliban sa magka-height kami at parehas ng pangangatawan ay magkahawig daw kami. Syempre lagi kami magkasama e. Mas maganda nga lang siya - sabi niya.
Nagkalas kami sa pagkakayakap tapos nginitian niya ako ng pang-asar. "Sus, if I know hindi ka lang masaya dahil sa wakas makakasama mo na sa iisang lugar si Brent. Wushu!"
Bigla akong nag-blush nang banggitin ni Naya ang pangalan ng ultimate crush ko ever! Maliban sa pagpasok sa dream school ko, gusto ko rin makita at makilala si Brent - apo kasi siya ng may-ari ng Maple University. High school pa lang ako, crush ko na siya. Siya kasi ang image model ng Rebelstar - isang sikat na clothing brand worldwide which is 'yung auntie niya naman ang may-ari. Maliban pa doon ay napakatalented niyang tumugtog ng iba't ibang klase ng musical instruments at academic achiever pa siya. O 'di ba, bongga?! Tapos ang gwapo-gwapo pa niya, he looks so babyboy on his chinky eyes. Mahilig kasi ako sa chinito - ang lakas kasi maka-mysterious type and a breath of fresh air! Hahaha!
Ngumisi ako pagkatapos kong mag-daydream. "Oo naman! Excited na nga ako mag-enroll e. Ihahanda ko na lahat ng requirements ko agad-agad!"
Pabiro niya akong sinapok, "Loka ka talaga! As if namang mapapansin ka kaagad ni Brent kapag nag-start na tayo sa Maple U."
Nagkibit-balikat na lang ako. "Gagawin ko ang lahat para mapansin niya ako!" with matching aja sign pa.
"Good luck na lang sa'yo, friend. Pero hala sige, dahil best friend kita, susuportahan kita sa desisyon mo. Basta wag ka lang mababaliw sa pagiging in-crush mo sa Brent na 'yan ha." paalala ni Naya.
"I won't put my heart over my head." I assured her. It's just a crush, inspiration lang!
/ / / / /
Dyahe ang first day of classes ko. Nakakairita! Traffic, traffic everywhere! Nag-MRT na lang sana ako para makarating ako sa Maple U on time.
"Tss, nakakabad trip ha. Kung kailan first day ko bilang University student, saka ako male-late." nag-slouch ako sa shotgun seat at tumingin na lang sa view sa labas.
"Eh di lakarin mo na lang simula dito hanggang sa Maple U. Ang dali lang ng problema mo, pinapalaki mo pa." sabi sa akin ni Daddy.
Ngumuso ako at tumingin sa kanya, "Dad. Ilang kilometro ang layo dito sa kalsada hanggang doon. Baka kapag nakarating doon ay super haggard na!" react ko naman. Ihahatid niya kasi ako sa Maple U ngayon, o 'di ba, ang lakas lang maka-high school.
"Ang sabihin mo, gusto mo lang makita ka ng crush mo na fresh-looking at amoy bagong ligo!" biro niya sa akin.
Nag-hair flip ako at pabirong umirap kay Daddy. Ganito kami ng Dad ko, para kaming mag-barkada lang kasi kami na lang dalawa ang magkasama sa buhay, I am an only child and my Mommy passed away when I was three years old. Kaya heto ako, lumaking boyish na may pagka-spoiled brat. What a combination indeed.
BINABASA MO ANG
We Got Married?!
Teen Fiction@ Marrying the Boss Unofficial Sequel Mahirap magkagusto sa isang taong hindi ka kilala, 'yung hindi alam na nag-eexist ka, 'yung dinedeadma ka lang. That's very hurtful on Lily's part. So she made a way to get through to her forever crush, Brent H...