Chapter 15:
LamboLily
"Ang sungit mo yata ngayon, Lills." ngumisi si V habang nakaupo sa armchair ng upuan sa harapan ko.
"Ganito talaga ako! At saka bakit hindi mo sa akin sinabi agad na pinsan mo si Brent?"
Tumawa lang siya ng mahina at nagkibit-balikat. "Why? Would it change a thing if you knew he's my cousin?"
Ah tama, may point siya. "Wala naman. Sinabi niya kasi sa akin ang dahilan kung bakit hindi kayo close."
"O anong sabi niya?" hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi niya.
"Na masyado ka daw childish at maingay. I can detest to him, totoo naman ang sinabi ni Brent."
"Pakialam ko sa kanya." biglang bumaba ang tingin niya sa mga daliri kong may singsing na nakasuot. Syempre baka kung ano ang isipin niya kaya itinago ko sa likod ang kamay ko. "Hoy, ano 'yan? Nakita ko na yan, wag mo nang itago."
"W-Wala 'to."
"Bilis na, ano 'yan?" hinila niya ang braso ko at hinawakan ang kamay ko. "Engagement ring 'to noh?"
"Aish!" tinakpan ko agad ang bibig niya. "Wag kang maingay! Baka may makarinig. Kainis naman 'to e!"
Inialis niya ang kamay ko sa bibig niya. "Parang alam ko na ang nangyayari."
Nag-twitch 'yung lips ko. "Wag mo nang sabihin kung alam mo. Mahihiya lang ako."
"Bakit mapapahiya ka pa? You're soon to be Mrs Brent Sue-Chien. You should be proud!"
Napalakas na naman ang boses ni V kaya tinakpan ko na naman ang bibig niya pero this time, nasalag niya ang kamay ko at pilit na ibinaba ito kaya sobrang face to face kami. Err. Ang strange sa pakiramdam ng sobrang magkalapit!
"OMG! For real talaga ang VLy love team!"
"Nakakakilig!"
"Awwww!"
Narinig ko ang tilian ng mga kaklase namin sa paligid na inaasar kaming dalawa. Paniguradong uminit na naman ang pisngi ko sa kahihiyan.
"Ano ba, V! Wala ako sa mood makipagbiruan." inilayo ko ang mukha ko sa kanya at umayos ng upo. Rinig na rinig ko pa rin ang pang-aasar ng mga blocmates namin sa amin.
"Hindi naman ako nakikipagbiruan sa'yo. I just want to stare at your face closely because you're much beautiful today... Or I just missed you? I don't know." nag-grin siya tapos ay kumindat.
Parang may kung anong naghuhurimentado sa loob ng katawan ko. Dapat ay masanay na ako sa mga pang-aasar ni V dahil alam kong hindi naman siya seryoso sa mga pinagsasabi niya.
"Tigilan mo ako ha! Hindi ka nakakatawa." sinungitan ko siya pero parang wala lang sa kanya 'yung reaction ko.
Nag-peace sign siya. "Ikaw naman masyado mo akong na-miss. Kapag kinasal ka na, hindi ko na 'to magagawa sa'yo kaya lubusin mo na."
Pakiramdam ko nagtaasan ang mga balahibo ko sa braso sa sinabi niya. Hindi pa nga nagsi-sink in sa akin na ikakasal ako tapos ipapamukha pa lalo ng lalaking 'to!
"Ewan ko sa'yo, V!"
"But seriosuly, Lills. If you're not ready yet to get married, I'm just here. We could run away. Dasi Run Run Run nan meomchul suga eobseo.
Tto Run Run Run nan eojjeol suga eobseo." sabay sing and dance pa ng kaunti na parang ginagaya pa ang BTS."Shut up! Ikaw lang ang lalaking chismoso na nakilala ko." as if namang seseryosohin ko ang sinabi niya. Sipain ko pa siya e!
"O bakit ako?" tinuro niya ang sarili niya.
BINABASA MO ANG
We Got Married?!
Tienerfictie@ Marrying the Boss Unofficial Sequel Mahirap magkagusto sa isang taong hindi ka kilala, 'yung hindi alam na nag-eexist ka, 'yung dinedeadma ka lang. That's very hurtful on Lily's part. So she made a way to get through to her forever crush, Brent H...