Lily
'I see swimming pools and living rooms and aeroplanes
I see a little house on the hill and children's names
I see quiet nights poured over ice and Tanqueray
But everything is shattering and it's my mistakeOnly fools fall for you, only fools
Only fools do what I do, only fools fall
Only fools fall for you, only fools
Only fools do what I do, only fools fall'Naalimpungatan ako nang marinig ng walang humpay ang boses ni Troye Sivan sa cellphone ko. Pupungas-pungas pa ako ng mata nang tignan 'yung caller ID kung sino yung tumatawag.
Calling...
BrentbabyAgad kong ini-swipe ang screen ng Note 5 ko para sagutin yung tawag niya. "H-Hello?" parang nawala tuloy ang antok ko. Brent's call made me awake.
"Sorry to wake you up this early, Anneliese. It was so idiot of me to left the important files for the client on my drawer. Damn!" sabi ni Brent sa kabilang linya na parang hopeless siya.
Pati ako ay nataranta na rin tulad niya. Mabilis akong bumangon at pumunta doon sa drawer niya ng mga files. "Nasaan ba dito 'yun ha? Dadalhin ko na lang sa'yo. Wag ka nang mag-alala!"
"No, that's fine, don't bother. Ibigay mo na lang kay Coco. Nasa bungad lang 'yung clear folder."
Tumango-tango ako at kinuha 'yung clear folder gaya ng sinabi ni Brent. "Eto, nakuha ko na. Nasaan ka ba ngayon? Nasa Maple Towers ka ba?"
"Yes, I'm here. Mabuti na lang at nag-decide ang mga client na gawing 8am ang meeting kundi tapos talaga ako. Shit!" mura niya. Sa sobrang lutong nga e napangiwi ako.
"Sige, mag-antay ka na lang dyan. Tatawagan ko si Kuya Coco ha. Relax lang, Brent. Everything will be fine, okay?"
"I hope so. Thank you, Lily. I don't know what to do without you."
Shet, isang thank you niya lang kilig na kilig na ako to death, 'yung without you na 'yun pa ba? Juskoday!
Napangiti ako, "You're welcome. See you later."
"I will."
Pagkatapos naming magpaalaman ni Brent sa cellphone, tinext ko na si Kuya Coco na kailangan niyang dalhin ang mga files na ito kay Brent kasi urgent pero halos pinagsakluban ako ng langit at lupa nang mabasa ang reply niya sa akin.
Kuya Coco
Maam Lily, pasensya na po. Mahirap ang byahe, sobrang trafffic po dito. Hindi makalabas. May aksidente kasi. Pero susubukan kong makarating dyan.Gosh! Kung hihintayin ko pa si Kuya Coco baka ma-late na sa presentation si Brent at baka hindi niya masatisfy ang client! Lagot ako pag nagkataon. Nag-reply ako sa driver na wag na siyang mag-abala dahil ako na lang mismo ang pupunta sa Maple Tower para ihatid ito kay Brent.
Hindi na ako naligo dahil sayang pa sa oras. Nagpalit na lang ako ng damit, nagtoothbrush at nagsuklay at umalis na ng condo papuntang Maple Towers.
Magu-Uber na sana ako pero parang sira yata ang App. Wala akong choice kundi ang mag-taxi. Tsk! Ano ba namang araw 'to? Ang malas yata!
Kanina pa ako para ng para pero laging may sakay yung mga taxi. Kung may jeep o tricycle sana na dumadaan dito, sumakay na ako pero wala. Wala akong choice kundi ang sabihan si V. Nakakahiya na nga e kasi minsan pag may problema ako, siya kaagad ang tinatawagan ko - hindi nga minsan e, madalas. Pero kailangan kong lunukin ang pride ko kung hindi lagot talaga ako kay Brent. Huhuhu. Sorry talaga, Taehyung.
Pag-dial ko pa lang ng number niya e mabilis niya itong nasagot. Gotcha!
"Hi, my love." mabilis na sagot niya.
BINABASA MO ANG
We Got Married?!
Teen Fiction@ Marrying the Boss Unofficial Sequel Mahirap magkagusto sa isang taong hindi ka kilala, 'yung hindi alam na nag-eexist ka, 'yung dinedeadma ka lang. That's very hurtful on Lily's part. So she made a way to get through to her forever crush, Brent H...