Chapter 50

7.5K 213 14
                                    

Chapter 50
Bridge

Lily

Deadmahan kaming dalawa ni Brent simula noong isang araw hanggang ngayon. Magkasama kami sa iisang bahay pero parang hangin lang ang turingan namin sa isa't isa. Hindi dahil sa nahihiya akong i-approach siya kundi ayoko lang siyang kausapin. Hindi ko rin alam kung galit ba ako sa kanya o nagtatampo ako. Nakakainis!

Naunang umalis sa akin si Brent kanina papasok sa University, iniwanan ko pa nga siya ng pang-breakfast niya pero hindi man lang niya ginalaw. Ang arte. Kung ayaw niyang kainin ang niluto ko, bahala siyang magutom. Hindi naman niya makakain ang pride niya.

Pansin na pansin din ng mga classmates ko ang pagiging tahimik ko pagdating ko. Inaasar nga nila akong may LQ kami ni Brent pero syempre alangan namang umamin ako dahil lalo lang nila akong kukulitin.

"Lills," siniko ako ni V habang naka-head down ako sa desk ko.

Direcho kong inangat ang ulo ko at tinignan siya na talagang nabo-bore ako. "Oh?" Freecut kasi namin ngayon e nagkakatamaran ang karamihan na lumabas ng classroom dahil mainit kaya dito muna kami nakatambay.

"Balita ko LQ daw kayo ng pinsan kong pinaglihi sa sama ng loob?" ngisi niya.

Nagsalubong ang kilay ko at sinungitan siya, "Kanino mo naman nalaman na LQ kami ha? Walang ganoon." tanggi ko.

"Eh bakit parang bad mood ka?"

"Wala, wala lang ako sa mood ngayong araw." nag-head down ulit ako pero bago pa mag-landing ang ulo ko sa desk ay sinalo ako agad ni V at iniharap ang mukha ko sa kanya.

Feeling ko ay nag-blush ako dahil sa totoo lang, ang gwapo ni Taehyung ngayon. Hindi ko alam kung ano bang nag-iba sa kanya e parang wala namang naiba sa itsura niya.

"Hindi ka okay." flat-tone na sabi niya habang nakatitig siya sa mga mata ko.

"A-anong hindi okay?" umiwas ako ng tingin sa kanya kaya sa aircon na lang ako tumitig.

"I just feel it, you know. Hindi ka ganyan pag bati kayo ni Brent. So tell me, what happened?" ang kulit niya!

"Ano ba, V. Ayos nga lang ako. Medyo masama lang pakiramdam ko." pagsisinungaling ko. Dapat mapaniwala ko siyang okay lang ako. Ayoko na kasing madamay si V sa mga problema ko. That's too much.

Sumandal siya sa upuan niya at tumango-tango. Parang hindi naman siya na-convince sa sinabi ko. Nakakainis ha!

"Alright!" sabi ni V sabay tayo at kinuha ang mga bag namin. Ibinigay naman niya sa akin ang bag ko. "Tara, Lills!"

Hindi na ako naka-react nang hawakan niya ang braso ko patayo mula sa upuan ko at lumabas ng classroom. Naloka ako nang naglakad-takbo kami palabas ng University. Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit basta na lang ako nagpahila sa kanya.

Na-realize ko na mali ang ginagawa namin ng nakasakay na kami sa taxi! Oh my Gosh. Ganito na ba ka-severe na wala ako sa sarili?

"Taehyung! Shet! Saan tayo pupunta? Bumalik na tayo sa University. May dalawa pa tayong klase!" hinila-hila ko ang sleeve ng uniform niya pero nakangisi lang siya sa akin.

"Pupunta tayo sa Luneta, Lills. Kailangan mong mag-relax. Sayang ang magandang panahon ngayon, tama lang at medyo mahangin."

"Eh paano yung pagka-cutting natin? Magfa-finals na. Wala ka bang pangarap na makapasa ha? Wag mo ako isali sa kabulastugan mo!" pinagalitan ko talaga siya ng bongga. Paano ba naman kasi first time kong mag-cutting sa tanang buhay ko. Isa akong huwarang estudyante noh!

We Got Married?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon