Chapter 05

7.3K 238 7
                                    

Note**: Hi everyone! Puro seenzoned lang, wala votes at comments? :D char lang!

Chapter 05:
I'd Rather Not

Lily

Taehyung is now online

Napangiti ako ng makita ko na nag-online si V. Sakto kasi dapat na ipi-PM ko siya pero offline siya pero ngayon, pwede ko na siyang i-chat hindi lang 'yung isi-seenzoned niya ako ano!

Taehyung Kim
Hi Miss Beautiful!

Bigla akong sumimangot sa chat niya. Ang aga-aga, nag-aasar! Ang manyak ng dating. Kadiri!

Lily Müller Alejandrino
Yuck ka. Alam mo 'yun?

Taehyung Kim
Anong yuck dun? Ayaw mo nun pinupuri kita? Hindi ka ba naniniwalang maganda ka, Lills? >:D

Napa-smirk na lang ako sa chat niya sa akin. I should feel great if someone tells me I'm beautiful. Pero kung si V naman ang nagsasabi ay huwag na lang. Tunog manyak!

Lily Müller Alejandrino
Kung si Brent ang magsasabing maganda ako, maniniwala ako! :p

Taehyung Kim
Mukha kang Brent -_-

Lily Müller Alejandrino
Syempre mahal ko yun e ^_^

Taehyung Kim
Mahal agad e hindi mo pa talaga kilala?

May point naman si V pero kahit na, love ko si babyboy ano! I love every inch of him. Charot!

Taehyung Kim
Oo nga pala, I just chat Brent. Sabi ko pumunta siya sa lounge cafe at mag-uusap kami doon pero ikaw talaga ang sisipot instead na ako. Ice diba?

Napangiti ako ng parang tanga sa chat ni V. OMG! Kinikilig na naman ako! Uwaaa~! Babawi na talaga ako this time!

Haay, naalala ko na naman 'yung epic fail kong pagbibigay ng cupcake kay babyboy. Mukhang appetizing naman 'yung cupcakes ko pero hindi niya nagustuhan dahil pinamigay niya sa isang random student na dumaan at sinabi niyang si V pa mismo ang nagbigay! Yan tuloy 'yung girl, ang lakas na ng tama kay V! Nakakaloka!

Aaminin ko medyo na-disappoint ako sa ginawa ni Brent sa cupcake. Hindi ko alam kung kanino ko ba mararamdaman ang disappointment - kung sa akin ba o kay Brent? But one thing's for sure, I was saddened at that thought. Pero hindi pa naman huli ang lahat 'di ba? Sabi nga nila habang may buhay, may pag-asa. Kaya go lang nang go para ma-in love sa akin si Brent! Bwahahaha!

Lily Müller Alejandrino
Very good ka V! I'm so proud of u hehehe. napakasupportive mong friend huhuhu!!!  Wag kang mag-alala, dadamihan ko ang pagdadala ng cupcakes sayo ha :))

Taehyung Kim
No probs, para sayo miss beautiful hehe :) alam mo namang friends tayo e. Basta ba iba-ibang flavor araw araw. Nyahahah!

Nakangiti ako habang nagta-type ng reply sa kanya. Syempre kahit puno ng kayabangan sa katawan 'to si V, masaya rin ako na naging kaibigan ko siya dahil kay Brent!

Lily Müller Alejandrino
of course. basta pagkatapos nang mangyayari sa lounge cafe e kami na ni brent :D

/ / / / /

Free cut namin ngayon ni V. Sakto! Pwedeng pumunta na agad sa lounge cafe para makita si Brent. Naku, sana talaga nandun siya dahil baka indianin niya si V (pero ako naman talaga 'yun!) pero ang lakas ang kaba ko as in! Yung pakiramdam na parang ito uli 'yung first meeting namin ni Brent. Bakit laging ganoon noh?

We Got Married?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon