Chapter H

5.9K 144 98
                                    

TWT's Note: Ang sabaw ulit hahaha kala ko nakakabawi ako ngayon. Hindi ko alam bat ganito yung update. Chaka, pasensya na huhuhu .

- 사랑해요 -

Lily

"Sure ka bang dito ka lang talaga ha? Aalis na ako." sinadya ko talagang humarang sa harapan ng LED tv kung saan naka-rekta iyon sa Xbox niya. Of course, nakakunot na naman ang noo nang umepal ako at na-game over pa siya.

"Yes, I won't join you. Isama mo na lang ang best friend mo kung gusto mo." ibinaba ni Brent ang game console sa tabi niya at nag-slouch sa couch. Bwisit talaga ang lalaking 'to, parang nagmo-model pa rin kahit ganyan ang itsura.

"Si Naya? Nasa probinsya siya ngayon e. Doon siya nagbabakasyon kaya hindi siya makakasama sa amin. Pero naman kasi, Brent, sayang kung di ka pupunta oh. Wala akong ka-couple." I pouted my lips and walked towards him.

"Tss, tayong dalawa oo, couple. Pero sina Jamie at V, kupal." he rolled his eyes with much irritation. Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa homonyms niya e.

"Ang harsh mo ha! Haay, sayang talaga kung hindi ka makakasama."

"Anong sayang doon? As if I didn't go to Maple Hotels each time. Kami ang may-ari nun." then a cocky smile formed on his lips. Hmf!

"Oo na. Hindi mo na kailangang ipagmayabang na kayo ang may-ari nun noh. O siya sige na, aalis na ako. Babalik ako bukas ha. Dapat pag-uwi ko dito Brentbaby, nandito ka pa rin." sabi ko.

"What a clingy wife you are, Anneliese." nag-grin siya at tumayo mula sa couch. "Ihahatid na kita sa baba."

O 'di ba, nag-effort ang Brentbaby! Pagdating sa labas ng condo tower, nag-aantay na lang doon sa akin si Kuya Coco. Nagbigay lang si Brent ng ilang reminders dito saka pinapasok na ako sa loob ng kotse.

Bago ko pa isara ang pinto, pinigilan ko siya sa braso.  "Hey, wala ba akong goodbye kiss man lang? Lalayasan mo na agad ako?"

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Ready na sana ang mga lips ko na mag-pout pero t-in-ap niya lang ang ulo ko at ngumisi. "You're so clingy wife." instead of kissing me on the lips, he kissed me on the forehead instead. "Take care alright, text me when you get there." sabi niya sabay sarado ng pintuan.

Ang sweet talaga ng asawa ko!

Medyo traffic kaya late na akong nakarating ng Maple Hotel. Halos i-flood ako ni V sa kakatext niya kung nasaan ako. Minsan hindi ko rin magets si airmax e, ang bilis akong mamiss!

Halos 7pm na nang makapag-check in ako sa Maple. Doon kami sa topmost floor naka-check in at sa labas naman nun ay ang mini-bar at ang infinity pool. O 'di ba? Ang lakas maka-Marina Bay Sands sa Singapore?

Naabutan ko sina V at Jamie na nag-iihaw ng mga barbeque at marshmallow. Tumakbo ako papalapit sa kanila dahil bigla akong nakaramdam ng excitement para sa mga susunod na oras.

"Ang tagal mo, Lills. Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo." sabi ni V sa akin at pabiro pang ihahampas sa akin ang tongs.

"Sorry kung medyo OA ang pagka-late ko ha. Ang traffic kasi sa EDSA, alam niyo naman forever na ang traffic doon 'di ba? Pero okay naman na ako."sagot ko sa kanya.

"So hindi talaga sumama si Brent at all? Sayang kulang tayo noh." naghahango si Jamie ng marshmallow, grabe bigla akong nag-crave.

"Hindi e, alam niyo naman ang isang 'yun. Masyadong pabebe." umikot ang mga mata ko tapos ay ipinasok na ang gamit ko sa suite. Kami ang roomies dito ni Jamie samantalang si V naman ay doon sa kabilang suite. Solong-solo ang mokong. Pagkatapos kong mag-ayos ay tumulong na din ako sa kanila sa pagiihaw at paghahanda ng table.

We Got Married?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon