{ Promote ko lang ang Tumblr ng WGM ulit haha -- wegotmarriedwattpad.tumblr.com. Visit niyo ha. Sabaw ang update na 'to. Random chap lang char! Haha para 'to sa mga #VLy fans tulad ko. Aww! Spoiler me. Lol!! }
Chapter 48
Balance
LilyNagising ako nasa tabi ko si Brent. Syempre dahil bati na kami ay tabi na ulit kaming natulog. Hohoho. Ang landi ko. Nakahiga pa ako sa ma-muscle niyang braso at nakayakap ang braso ko sa katawan niya. Not to mention our legs were also intertwined. Wow, I really feel that we are a married couple now.
Hep! Hep! Bago maging Shrek ang mga utak niyo, uunahan ko na kayo. Wala pang nangyayari sa amin ni Brent. Hindi pa pwede ngayon. I'm just nineteen and he's turning twenty-two on May, mahirap na baka pagdating ng pasukan sa June ay mag-file na agad ako ng LOA due to pregnancy. Isang malaking ekis!
"Good morning," bati ko kay Brent pagmulat ng mga mata niya.
Umangat ang sulok ng labi niya at t-in-ap ang ulunan ko. "Good morning, too, witch."
Sabay kaming bumangon at nag-prepare na ako ng breakfast namin habang naliligo si Brent. Hindi ako papaya na pwedeng sabay din maligo ano! Cannot be 'yun ng bonggang bongga! Saka na pag masyado na kaming mature.
Gusto ko pa sanang makipaglambingan sa gwapo kong hubby kaya lang parehas kaming may pasok kaya mamaya na lang siguro pag-uwi. Lalala!
Pagdating sa University ay mabilis akong pumunta sa kitchen lab dahil may practicum kami ngayon pagkatapos kong magpalit ng kitchen uniform ko. Nakita ko agad si V na naghihiwa na ng mga sibuyas, bawang at kung ano pang mga pang-sautee.
Dito mo lang talaga makikita si V na seryoso - kapag nagluluto siya. Agad ko siyang nilapitan at siniko. "Ang aga natin ha, excited magluto?" sabi ko.
Itinaas lang niya ang dalawang kilay niya at kinindatan ako. "Maaga lang akong nagising. Nagugutom na kasi ako e."
"Hindi ka ba kumain sa inyo?" tanong ko habang naghuhugas ng kamay sa sink na nasa gitna naming dalawa.
Mabilis siyang umiling, "Hindi, kaya nga ako nagluto e. Share tayo sa lulutuin kong paella, Lills. Masarap 'to."
Umatras ang tingin ko sa kanya na kunwari e hindi ako naniniwala. "Weh, hindi nga?"
"Kailan ba ako nagluto ng pangit na lasa? Baka kapag natikman mo 'tong paella ko ay makalimutan mo si Brent at sa akin ka na mapunta ha?" sabi niya sabay tawa ng malakas.
"Ewan ko sa'yo, 'yan ka na naman sa mga cryptic message mo. Ang sarap mong kutusan!" aakto na dapat akong kukutusan siya pero mabilis siyang nakailag. Leche!
Nagpatuloy lang siya sa pagtawa habang hawak-hawak ang sikmura niya. "Masyado ka talagang pikunin, Miss Beautiful. Sige na, magluto ka na rin dyan baka hindi mo matapos."
BINABASA MO ANG
We Got Married?!
Novela Juvenil@ Marrying the Boss Unofficial Sequel Mahirap magkagusto sa isang taong hindi ka kilala, 'yung hindi alam na nag-eexist ka, 'yung dinedeadma ka lang. That's very hurtful on Lily's part. So she made a way to get through to her forever crush, Brent H...