Chapter 07

7.1K 213 12
                                    




Chapter 07:
Kayo Ba?

Lily

"Ayaw mo ba nun friend? Mas mapapalapit ka na kay Brent! Magkakilala pala ang parents niyo." sabi ni Naya habang nagkakabisado ng mga enumeration para sa quiz niya mamaya. Ewan ko ba dito sa babaeng 'to at nakakaya niyang mag-multitask lalo na pag chismisan!

Naikwento ko kasi sa kanya ang unfortunate event ko kasama si Papa sa isang restobar nang makita namin doon si Brent at si Mrs Sue-Chien. For all people pa 'di ba? Nakaka-proud makilala 'yung Mommy ni babyboy dahil ang bait at approachable pa.

"No, Naya. Ipinangako ko sa sarili ko na magmo-move on na ako at titigilan na ang pagsunod kay Brent. Nagmumukha na kasi akong desperada e." nagkibit-balikat ako habang patuloy lang sa pagsusulat ng reviewer. Malapit na din kasing mag-mid terms kaya dapat mag-aral akong mabuti.

"Weh, di nga?" tinignan niya ako na para talagang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Bakit? Totoo naman talaga e! Nasa step na kaya ako ng pagmo-move on. Medyo natagalan nga lang ng kaunti. Grabeng coincidence talaga.

"Oo. Naisip kong wala talaga akong pag-asa sa kanya. Na-realize kong sayang 'yung five, six years kong pagka-gusto sa kanya. Sana pala ginugol ko na lang 'yun sa mga nagkaka-crush sa akin noh." sabi ko naman sa kanya out of nowhere.

Naramdaman kong sinapok ako ni Naya kaya pinandilatan ko siya ng mata. "Ang landi mo ha! Paano ka naman nakasiguro na may mga nagkaka-crush nga sa'yo?"

Napakamot ako ng ulo sabay ngisi. "Wala, joke lang 'yun. Ikaw naman Naya hindi na mabiro. But I'm just wondering. Bakit ganoon si Papa? Acquaintance pala sila ng Mommy ni Brent pero hindi man lang niya sinabi sa akin the moment na magka-crush ako doon? Ang unfair lang ha!"

Tinulak niya ako sa balikat. "E bakit naman sasabihin 'yun sa'yo ni Tito Vince? Para umasa ka nang matagal kay Brent?"

"Ewan ko..." nagkibit-balikat na lang ako tapos nag-grin.

"Chuuu. Nasaan nga pala si V? Nakakamiss siya." umarte naman si Naya na parang nagde-daydreaming. Wow ha! Don't tell me, natamaan na siya doon sa airmax na 'yun.

"Talaga lang? Umamin ka nga sa akin, Naya. Gusto mo ba si airmax?" naningkit ang mga mata ko habang hinihintay ang sagot niya,

Aba at ang baklang hamog ngumisi lang at kinilig ng todo. "Hindi ah. Ayyyy!" react niya naman.

"Hindi halata, Naya. Hindi halata." umiling ako habang tinitignan siya ng masama.

"Pero kidding aside, bestie. Pag tinitignan ko kayo ni V, para kayong cool na mag-boyfriend. Siya na lang kaya jowain mo?"

Tinulak ko siya kaya napangudngod siya ng kaunti sa mesa. "Leche, aray ko ha! Idea ko lang 'yun. Kasi para kasi kayong may something e!"

"Something ka dyan. Hindi ko type ang mga masyadong mayabang. Grabe ang airmax sa katawan ni V noh. Nananaginip ka lang ng gising." sabi ko naman.

"Pero gustong-gusto mo ng mga arogante tulad ni Brent Harper?"

"Hindi siya arogante, bestie. Tsundere lang siya." I retorted then crossed my arms.

"Ginawa mo namang anime ang crush mo?" sabay hampas sa akin. "'Yung tipong hard on the outside and soft on the inside? Walang ganun, Lily!"

Syempre kahit magmo-move on na ako sa nararamdaman ko para kay Brent, ipagtatanggol ko pa rin siya. "Eh bakit siya nagka-girlfriend kung hindi siya nice?"

"Hmm," tila nag-isip si Naya nang kaunti. "Ewan ko! At saka 'nagka-girlfriend' nga e. Nagka. Ibig sabihin, wala na siyang jowa ngayon. Nagsawa na sa pagiging arogante niya."

We Got Married?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon