Chapter 30

6.3K 206 21
                                    

** Quick and charot update haha!**

Chapter 30
Selos

Lily

Pagkatapos ng shift ko ay pinuntahan ako ni V sa locker para syempre, asarin na naman ako at magmayabang! Nakabihis na ako ng pants at blouse nang dumating siya.

"Ang galing mo talaga kumanta, Lills. Pwede na tayo mag-gig." sabi niya.

Pasimple ko siyang inirapan tapos lumabas na sa locker area, naramdaman kong sumunod siya sa akin kaya nagsalita ako. "Nope. Ikaw na lang kung gusto mo. Masaya na ako sa part-time job ko ano." tinignan ko siya, "Teka nga, paanong ikaw ang kumanta kanina doon? Ang alam ko pina-postpone na si Sir Eric 'yung gig nila."

Nag-Mr Pogi sign siya, "Magaling ako e."

Hinampas ko siya ng bag ko kaya napaigtad siya, "Hindi ko tinatanong!"

Natawa si V. "Wala, plano ko kasi talagang mag-chill dito tapos narinig ko sa labas 'yung banda at namomroblemang wala silang kita ngayon gabi dahil wala 'yung vocalist nila. Ta's ayun, nag-volunteer ako na ako na lang 'yung reliever para hindi sila mawalan ng kita. Pumayag sila then the rest is history." kinindatan niya ako.

"Akalain mo, pumayag sila na ikaw ang kumanta?" tumawa ako.

Kinusot niya ang buhok ko, "Oo naman. Magaling ako e."

"Tse!"

Paglabas namin Chick'En Dine, nakita ko si Brent na nakasandal sa pintuan ng Maclaren niya habang naka-cross arms at seryosong nakatingin sa amin ni V. Noong nakaraang buwan, naka-Lamborghini siya then recently itong sosyal at pangmayamang sasakyan naman ang gamit niya. 'Yung totoo, Brent? Car smuggler ka ba?! You're just twenty-one yet you have a luxury car standing on your both sides!

"Hi, Brent!" sumaludo pa si V dito pero syempre deadma lang ang lolo niyo dahil forever enemies naman silang dalawa.

"Tss," react ni Brent. Lumapit siya sa akin at kinuha ang bag ko. Tama kayo ng basa, kinuha niya ang bag ko at nilapag sa kalsada - de joke lang, isinukbit niya 'yung backpack ko sa isang balikat niya. Ang sweet ng asawa ko noh?! Hahaha.

"Sige, V. Kita na lang bukas sa University. Ingat pag-uwi."

"Pasabay na lang sa Maclaren mo, Brentbaby. Naiwan ko kasi 'yung kotse ko e." sabay stick-out ng dila niya.

Loko talaga 'to si Taehyung. Brentbaby talaga?! Well, bagay naman sa kanya dahil mukha siyang babyboy!

Napansin kong nairita si Brent sa sinabi ni V kaya sinimangutan niya ito. "Mukha mo. Kilala kita, hindi ka lumalabas ng bahay mo ng wala kang kotse."

Humalakhak si V at tinanguan kaming dalawa. "Joke lang! Ikaw naman masyadong seryoso. Ge na, ingat kayo pag-uwi. Diretso sa bahay ha, bawal ang biglang liko."

Ano daw?

Napadilat ako nang husto nang hablutin niya ang braso ko kaya napasandal ako sa kanya. "Anong pake mo kung saan ko siya dalhin? She's my wife afterall."

Napa-'o' ang bibig ni V sa sinabi ni Brent samantalang ako naman ay tinignan lang siya in a weird way.

"Sige, ingat kayo. Byes!" w-in-ave ni V ang kamay niya saka tinalikuran kami.

Agad kaming pumasok ni Brent sa kotse niya at nagsimula na siyang magmaneho. Medyo nakakailang lang 'yung atmosphere sa paligid dahil wala ni isa man sa amin ni Brent ang nagsasalita kaya nag-decide akong pakialaman ang stereo ng kotse at nag-tune in sa radio.

Tinapunan lang niya ako ng blangkong tingin at nag-concentrate na lang sa pagmamaneho.

"I didn't know you were singing." biglang sabi niya.

We Got Married?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon