Chapter J

5.4K 151 29
                                    

TWT's Note: Sarreh, OA sa late update. Hahaha. I'm not sure kung magugustuhan niyo. Ang lame kasi😔. Please follow wegotmarriedwattpad.tumblr.com and like Toneewritestragedies Wattpad on Facebook! Yay!

: : : : :

Lily

Pagkatapos ng performance ni V sa Chick'En Dine, wala na akong balita sa kanya. Sinubukan ko siyang i-text pero hindi siya nagrereply. Pag tumatawag naman ako, nagriring lang at hindi niya sinasagot. D-in-eactivate din niya ang Facebook at Instagram account niya. Ano kayang problema ng lalakeng 'yun?

"Nakatalumbaba ka dyan? Namimiss mo si V ano?" Naya caught my attention by snapping. Nagkita kami sa Seattle's Best Coffee pagbalik niya mula probinsya at ang walanjo, talagang ipinagmayabang pa sa akin ang natural tanned skin niya na nakuha niya mula sa beaches doon.

"Asumera! Wala akong sinasabing ganun noh!" react ko. Best friend ko talaga ang isang 'to, naiisip ko pa lang, alam na niya agad. Syempre hindi ako aamin dahil baka sabihin niya e crush ko si V. Leche, siya kaya 'yun!

"Your facial reaction shouts Taehyung, Lily! Tigilan mo ako sa pag-iinarte mo ha. Kahit naman ako ay namimiss siya kasi syempre may pinagsamahan din kami nun pero that's life. Baka nasa hibernation process siya ngayon. What do you think?" tanong niya habang busyng-busy sa pagpopost ng selfie naming dalawa sa Instagram.

"Anong iha-hibernate niya? Ang kayabangan niya? Naku, innate na 'yun, wala nang magbabago." matabang akong ngumiti sabay inom sa Dark Mocha Javakula ko.

Inirapan ako ni Naya. Well, siya lang naman ang forever tagapagtanggol ni V! Lahat na yata ng ginawa ng lalakeng 'yun ay tama para sa kanya. Ibang klase na ang tama niya sa kanya!

"Wag ka ngang nega. Malay natin 'di ba nagpapa-miss lang sa'yo si V kaya biglang nawala."

"Nagpapa-miss? Mukha niya pa-miss. Kung ayaw niyang magpakita e di huwag!"

Natatawa si Naya na parang may napakalaki akong joke na sinabi. "Kung makapagsalita ka naman para kang jowang iniwan tapos ngayon ay nagbi-bitter-bitteran! Hay, ewan ko sa'yo!" nakipag-irapan siya sa akin nang tinignan ko siya ng masama.

"Tigilan mo na nga ako sa kakaasar mo sa akin kay V! We're just friends at isa pa may asawa na ako noh. Paano kapag narinig ka ni Brent?"

"Sus, ang OA mo na talaga bestie! Nagbibiruan lang tayong dalawa, ikaw naman masyadong seryoso."

Inungutan ko lang siya at inubos ang natitirang frappe sa plastic tumbler ko.

Gusto kong tanungin si Brent kung ano ba ang nangyari sa pinsan niya. Alam kong pumunta si V ng England dahil 'yun 'yung sabi niya sa akin bago siya mag-birthday pero bakit hindi man lang siya nagpaalam 'di ba? Hindi man lang niya in-honor ang pagiging magkaibigan namin?

Pag-uwi ko sa bahay, hindi talaga ako naka-move on sa pag-iisip kung may nagawa ba ako kay V at ba't siya nag-inarte ng ganoon. Kesa mag-isip pa lalo, nag-bake na lang ako ng carrot cake para maging busy na lang ako. The more kasi na iniisip ko siya, the more akong naaasar!

Hay! Bahala na siya sa buhay niya kung ayaw niyang magpaistorbo!

: : : : :

Edinburgh, Scotland, UK

Taehyung

I've been miles away from her yet I can't get her out of my goddamn head. It's been a week since I left the Philippines. Ngayon lang ako nahirapan nang ganito sa pag-alis ko. Iniwan ko doon lahat ng pagiging martir ko kay Lills. It's so fuckin' hard.

We Got Married?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon