Chapter 17:
Just MarriedThird Party
Hindi maipaliwanag ni Lily kung bakit walang tigil ang pag-agos ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Bakit? This is day e. This is the day the Lord has made. Let's us rejoice and be glad in it! Ika nga nila pero bakit ganito ang nararamdaman niya? Mixed emotions—kaba, takot, inis, kilig. Ewan. Hindi niya masabi. Ito na kasi ang araw nang kasal nila ni Brent Harper Sue-Chien. Ni sa hinagap, hindi niya inasahang ikakasal siya dito. We can say that she liked Brent since she was thirteen and he was sixteen. Nagsimula sa simpleng paghanga hanggang sa pagiging idol niya dito na napunta sa pagsunod niya rito sa pinapasukan nitong University. She did not expected that she'll end up marrying this guy that all he know was to be harsh and frank towards her. Alam niyang hindi siya gusto nito, oo malungkot at masakit sa parte niya pero kailangan niyang patunayan dito na hindi lang siya basta 'stalker' lang o 'fan girl' nito. Gagawin niya ang lahat para magustuhan din siya ni Brent. Nothing's impossible. She has the guts to do it lalo pa't nainsulto siya sa pagkukwestyon nito sa nararamdaman niya.
In few hours' time, she'll be walking down the aisle while he's waiting for her at the altar. Nakakilig. Sabi niya sa isip niya pero paano siya kikiligin dito e wala naman itong interes sa kanya. That's why she really wanted to avenge her feelings being buried by Brent six feet under the ground.
"Hey, bestie. Tama na 'yang pag-iyak mo. Pag ikaw ang pinaka-chaka sa kasal mo, ako ang papalit sa'yo, sige ka!" asar sa kanya ni Naya habang pinupunasan nito ang mga luha niya.
Natawa siya ng kaunti sabay pigil sa pag-iyak. "Sakalin kaya kita dyan! Ayoko nga."
"Eh bakit ka kasi umiiyak? Ang OA mo e, akala mo naman ang tagal niyong naging mag-fiance ni Brent. Ni hindi nga naging kayo. Diretso kayong kasal agad." Tinapik nito ang balikat niya.
"Oo na, hindi ko nga siya boyfriend pero magiging asawa ko naman siya!"
Inakbayan ni Naya si Lily at sabay nila tinignan ang mga mukha nila sa salamin. "Kung wala ka mang nagawa sa five years bilang fan girl niya, ngayong magiging asawa mo na siya, gawin mong lahat para magustuhan ka din niya. Let him not regret marrying you, okay? Don't think that this marriage is only for saving your family's company but by being able to show Brent that you two are capable of falling in love with each other despite how bad did you started."
Napangiti si Lily at natouch nang husto sa sinabi ni Naya. Aba, minsan lang 'to magseryoso sa pagsasalita kaya talagang isinapuso niya ang mga sinabi nito. "Nosebleed ha," at umakto siyang nagdurugo ang ilong. "Pero salamat bestie sa support. I won't make this a bad revenge but a sweet revenge instead."
Piningot ni Naya ang ilong ni Lily at parehas silang tumawa. "Ewan ko sa'yo, ang drama na natin. Kaya pati ako naiiyak na rin e. Haaay!" pinaypayan ni Naya ang mga mata gamit ang kamay niya. Bigla namang dumating ang make-up artist kaya umayos na rin sila ng upo.
"Hi, Miss Lily." Bati nito at ng isa pang assistant.
Tumango si Lily at ngumiti pabalik sa mga ito, "Hello din po."
Ilang saglit ay nagsimula nang make-up-an si Lily. She cannot contain the feelings she has inside her. Parang sa sobrang gulo ay sasabog siya agad. Habang inaayusan siya ay biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Pagtingin niya, si V ang nag-text.
Kim Taehyung
Miss Beautiful! Congrats on your wedding day :)) Welcome to the family ^_^Napangiti siya. Mabuti pa si V at tanggap siya bilang mapapangasawa ng pinsan nito. Pero si Brent? Nah. Ayaw niya munang isipin ang mga reaction nito. Malay natin, hindi pala um-attend ng kasal ang mismong groom ano?
BINABASA MO ANG
We Got Married?!
Teen Fiction@ Marrying the Boss Unofficial Sequel Mahirap magkagusto sa isang taong hindi ka kilala, 'yung hindi alam na nag-eexist ka, 'yung dinedeadma ka lang. That's very hurtful on Lily's part. So she made a way to get through to her forever crush, Brent H...