Chapter 26
TurbulenceLily
"Witch, hey. Get up! Wake up!"
Nararamdaman kong ginigising ako ni Brent at tinutusok-tusok niya ang braso ko gamit 'yung daliri niya pero umikot-ikot lang ako sa couch at niyapos si Perry the Platypus.
"Oh? Tsk, Brent naman natutulog pa ako. Mamaya na."
Naramdaman kong pinwersa niyang hilahin ang braso ko kaya nalaglag ako sa couch at bumagsak sa akin si big big big Perry! Leche talaga 'tong lalakeng 'to!
Kinusot ko ang buhok ko at inirapan siya. "Jusko naman, Brent. Anong oras pa lang nambubulahaw ka na agad! Ano bang problema mo?"
Tinignan niya lang ako ng seryoso. "Pack up your things, we're going to China."
Kumurap lang ang mata ko ng dalawang beses tapos ngumuso. "China? Saan 'yun?"
Umiling-iling si Brent na parang ang bullshit ng sinabi ko sa kanya. "Such a sleepyhead. Just terrible."
"Ewan ko sa'yo, hindi kita maintindihan." bumangon ako sa mula sa sahig tapos humiga ulit sa couch.
"Ang kulit mo talaga ano?" narinig ko si Brent at for sure umuusok na naman ang ilong niyan sa bad trip sa akin. "I told you to wake up, Anneliese! Will you?!"
Bumalikwas ako sa couch at umupo ng diretso. "Eto na nga, gising na ako! Mamaya na lang ako matutulog. Ano bang gagawin natin sa China? Magsha-shopping?"
"Tss, where do you think China is? Inaantok ka pa nga talaga!" react niya.
Bangag pa talaga ako dahil bigla na lang niya ako ginigising e ang sarap-sarap ng tulog ko kayakap si Perry! "Oo na! Alam ko 'yun at kung saan 'yun. Bakit tayo kailangan pumunta doon?" kunusot ko pa 'yung mata ko kasi parang nagmumuta pa ako. Tss, dyahe.
"Do I really need to tell you why we need to go there huh?" tanong niya sa akin pabalik.
"Malamang! Kasi baka kung anong gawin mo sa akin doon. Baka pagsamantalahan mo ang mura kong katawan!" minsan talaga hindi ko ma-gets ang mga nasa isip ni Brent e.
Napansin kong namula na naman ang tenga ni Brent tapos bigla niya akong sinimangutan. Aba! Kailan ba ako nginitian ng lalakeng 'yan?
"We're going to China because we're having our honeymoon."
Mahina lang 'yung pagkakasabi niya pero rinig ko pa rin dahil wala namang maingay dito sa bahay na 'to kundi ako lang.
Magha-honeymoon kami? Wait, ilang buwan na ba kaming kasal? Almost three months na pero hindi pa kami nagha-honyemoon. Natatandaan ko na pagkatapos naming ikasal ay parang wala naman kaming ibang pinuntahan o pinagkaabalahan.
And this time is perfect for our honeymoon... Yes! It's our honeymoon!
Mabilis pa sa alas-kwatrong bumangon ako sa couch at kumuha ng bra't panty pati bath robe at dumirecho na sa CR. Syempre mabilis akong naligo dahil sobrang excited ako sa out of town namin ni Brent. At hindi lang basta out of town kundi out of the country. Ito ang una kong out of the country! OMG! What to do next?!
BINABASA MO ANG
We Got Married?!
Teen Fiction@ Marrying the Boss Unofficial Sequel Mahirap magkagusto sa isang taong hindi ka kilala, 'yung hindi alam na nag-eexist ka, 'yung dinedeadma ka lang. That's very hurtful on Lily's part. So she made a way to get through to her forever crush, Brent H...