{ Hi, guys! Almost 5k reads na ang We Got Married?! Thank you sa lahat ng nagbabasa at nagbo-vote! What do you think of the story so far? Hihi. Enjoy reading:)) Kamsa! }
Chapter 27
PaparazziHainan, China
Lily
Matapos ang ilang oras na HHWS (Holding Hands While Sitting) sa flight at sa pag-rest ko ng ulo ko sa balikat ni Brent ay nakarating na din kami sa Hainan, China. Summer dito ngayon pero hindi ko naman masyadong feel 'yung init dahil kahit maaraw ay ramdam mo na medyo malamig.
Pagbaba pa lang namin ng plane ni Brent e biglang kumalam ang sikmura ko ng malakas. Huhuhu! Nakakahiya!
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin wtih a disgusted look on his face. Ang sama nito! Akala mo siya ni hindi kumalam ang sikmura sa tanang buhay niya. Ay, oo nga. Sobrang yaman niya kaya imposibleng makaramdam siya ng gutom. Tss.
"Just eat before we head our way to the limousine."
Kumunot ang noo ko, "Saan tayo kakain?"
"May mga food stalls dito sa airport, kumain ka na lang doon." simpleng sabi niya sa akin tapos ay inunahan akong maglakad.
"Sungit," 'yun na lang ang nasabi ko kasi bumalik na naman siya sa pagiging monstrous niya. Okay na sana kanina eh. Sana pala lagi akong nakakaramdam ng turbulence para laging hahawakan ni Brent ang kamay ko noh? Char!
Dumaan ako sa isang fried noodles food stall. Syempre ako lang ang kumain dahil alam kong hindi naman sanay kumain si Brent sa mga fast food o kaya sa mga ganitong klaseng pagkain. In fairness, masarap. Iba ang lasa kumpara doon sa mga itinitinda na ganito doon sa Pilipinas.
Pagkakain ko, lumapit sa akin si Brent habang naka-cross arms at seryoso ang tingin. Kailan ba siya naging wacky?!
"Dalian mo, ayoko ng pinaghihintay ako." sabi niya sabay talikod sa akin.
"Ayaw mo palang naghihintay eh 'di sana kumain ka na rin kasama ko." angil ko naman.
"I don't eat that kind of foods."
"Ang arte-arte mo." inirapan ko siya.
"Tss."
Paglabas namin ng airport ay bumulaga sa amin ang itim na limousine. Napakurap pa ako ng ilang beses nang batiin kami nung chauffeur.
Hinila ko ang sleeve ng sweatshirt ni Brent. "D-dyan tayo s-sasakay?" nakaka-utal pala pag nakakita ka ng limousine ng harap-harapan!
"Nah," umikot ang mga mata niya, "Sige, ako sa loob at ikaw sa gulong." at saka kumalas sa hawak ko at dire-diretsong pumasok sa loob ng limo.
"Please go inside now, Mrs Sue-Chien." nakangiting sabi sa akin ni Kuya chauffeur.
"H-ha? Y-yes! Ni hao ma! Ni hao ma! Xie xie!" bati ko sa kanya at madaling pumasok sa loob.
Feeling ko nasa kweba ako dahil malawak at mahaba ang kabuuan ng sasakyan. Pwede pa nga yatang tumambling sa loob e!
Tahimik lang kami ni Brent habang nakaupo. Busy siya sa pagbabasa ng isang Chinese-language newspaper habang ako naman ay tumitingin lang ng views sa labas. First time ko sa China kaya talagang ibang-iba ang mga nakikita ko rito kumpara sa mga tanawin sa Pilipinas.
Bumalik ang tingin ko kay Brent na busy pa rin sa pagbabasa ng newspaper. At syempre hindi ko maintindihan 'yung ibig sabihin nun kaya tinitigan ko na lang ang gwapo niyang mukha. Haaay Anneliese, ang swerte mo. Dati nakikita mo lang sa mga billboard sa EDSA at sa posters sa mall si Brent pero ngayon asawa mo na siya. Minsan din talaga okay maging fan girl ano? Hihihi. Ikaw na ang pinakamagandang babae sa buong mundo dahil super pogi talaga ng asawa mo!
BINABASA MO ANG
We Got Married?!
Teen Fiction@ Marrying the Boss Unofficial Sequel Mahirap magkagusto sa isang taong hindi ka kilala, 'yung hindi alam na nag-eexist ka, 'yung dinedeadma ka lang. That's very hurtful on Lily's part. So she made a way to get through to her forever crush, Brent H...