Chapter M

5.7K 153 43
                                    

FOLLOW: wegotmarriedwattpad.tumblr.com
LIKE: Toneewritestragedies Wattpad on Facebook
ADD ME: Tonee Kim on Facebook
TWEET ME: @toneemeowsyou
• I do followbacks on these social media accounts and I don't bite lol xx •  

•••

Hi loves! This is the first time I've updated WGM on a Sunday (I think), sunod-sunod kasi ang ang ideas na pumapasok sa utak ko kaya gumora na ako at nagtype both sa cellphone ko at sa PC. Hihi. Hope you'll like this chapter as much as I enjoyed writing it! Love you all :* Always, Tonee xx

- 사랑해요 -  

Lily

"Loka ka talaga, Anneliese Margaux! Hindi mo tinuloy ang pakikipagkita sa akin nung isang araw dahil lang nakita mo si V at nag-away kayo? You should've met me after para malaman ko ang nangyari at nang sugurin ko siya. How dare him to say those words to you. Pumunta lang ng Scotland, nagbago na agad ang ugali?"

Hindi ko na napigilan ang pagpuputak ni Naya kasi talagang beastmode siya nung naikwento ko sa kanya 'yung pagkikita namin ni V. 'Di ba dapat magkikita kaming dalawa nun pero nawalan na ako sa mood dahil sa mga sinabi sa'kin ni V sa akin. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagawa niya 'yun.

"Kung ayaw niya sa akin, bahala siya." nag-pout ako ng lips at umiling-iling.

"Sad ka?" tanong ni Naya sa akin.

Mabagal akong tumango, "Erm, oo kasi akala ko totoo ko siyang kaibigan."

"Pero hindi pala. Ganoon?" Dugtong ni Naya sa sinabi ko. Ayokong sagutin 'yun kasi masakit pa din sa akin 'yung way kung paano niya ako tratuhin nung isang araw. Gusto kong kalimutan ang eksenang yun pero parang nakatatak na talaga siya sa utak ko na ang hirap burahin.

"Wag na lang natin siya pag-usapan, Naya. FO (Friendship Over) na nga kami 'di ba? I don't wanna waste our time talking about that kind of stuff." Gusto ko nang mag-change topic utang na loob!

"Ohkay! Oo nga pala, kamusta ang thesis ni Jamie? May series of interview siya kay Brent 'di ba? Aren't you jealous?"

Umatras ang tingin ko sa kanya. "Anong pinagsasabi mong jealous? Wala akong dapat pagselosan ano. Ang dumi ng utak mo!"

Tinawanan lang ako ni Naya at nag-sip sa wintermelon milk tea niya. "Joke lang! Naisip ko lang naman 'yun, bestie. At feeling ko, hindi attracted si Brent sa mga tulad ni Jamie."

"Bakit, dapat bang maattract siya sa kanya?"

"Wag ka ngang defensive masyado. What I mean is, mukhang student-acquaintance relationship lang ang meron sa kanila na pagkatapos ng thesis ni Jamie, wala na rin silang ugnayan ni Brent." Sagot ni Naya na kung makapaliwanag ay parang may theoretical basis ang sinasabi niya.

"Ewan ko sayo. Ang dami mong napapansin!" Umiling lang ako tapos ngumata nung nachos na nasa harapan ko.

"Naku, ang gwapo-gwapo pa man din ni Brent ngayong pagpasok ng bagong academic year. Wag lang sanang magka-crush si Jamie sa asawa mo, naku! Baka kalbuhin ko siya ng bonggang-bongga!"

Nag-smirk ako at ginulo ang bagong rebonded na buhok niya. "Crush ka dyan. Tigilan mo nga 'yan, Danaya! Wag mong pag-isipan si Jamie ng ganyan. I trust her. Purely school related lang ang namamagitan sa kanila ni Brent at saka ako ang gusto ng asawa ko. Wala nang iba." Mabilis kong inialis sa isip ko ang mga sinabi niya. Wala akong time para sa mga 'what ifs'. Period.

"Pero nagsabi na ba si Brent sa'yo ng I love you? Ha?" She challenged me with so much mockery on her smile. Kontrabida ba 'tong best friend ko? Kung oo, malapit ko na 'tong sabunutan.

We Got Married?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon