• hi guys, sorry sa uber late updates haha. salamat sa pagbabasa. Nasa Part II na tayo! Yey! xx •
Lily
Tapos na din ang last day ko as Freshman student. Nawala na rin ang worries ko kung bagsak ba ako sa Finals dahil pumasa naman lahat ng exams ko at naipasa ang lahat ng requirements. Ang galing ko 'di ba? Overall: nakakahaggard!
Paglabas ko ng classroom ay nandoon na agad si Brent na nakasandal sa grills ng corridor at hinihintay ako. Well, well, well tama ang pagkakabasa niyo. He. Is. Waiting. For. Me. Bwahahaha. Mainggit kayong lahat sa akin lalo na ang mga insekyora kong schoolmates!
"Brentbaby!" tili ko pagkakita sa kanya.
As usual, he's still showing his poker faced, tsundere look. Now I realized na inborn na talaga sa kanya 'yan kaya kahit maging cheesy siya at puro hugot lines ang sinasabi niya, lagi pa din siya mukhang masungit. Pero ayos lang, mahal ko naman e.
"You're so nosy." saway ni Brent sa akin.
Nahahalata ko ang mga panakaw na tingin ng mga classmate ko na tuwang-tuwa sa amin ni Brent samantalang ang ibang mga random students naman ay pasimple akong iniirapan - well, inggit lang sila! I won't be Mrs Sue-Chien for nothing. Mukha nila!
"E bakit ba?" ikinawit ko 'yung isang kamay ko kay Brent ta's nagsimula na kaming maglakad.
"Tss. Anyway, where do you wanna go?" tanong niya sa akin.
"Sa puso mo." ngumisi ako.
Nakita ko ang disgust sa mukha ni Brent kaya tumawa ako.
"What a kind of fcuk are you saying? Stop that. Ang jejemon mo." sabi niya.
"Ang cute mo talaga, Brentbaby! Pakurot nga ng pisngi mo~!" inilapit ko 'yung kamay ko sa pisngi niya pero agad naman niyang sinalag yung 'yun gamit ang kamay niya.
Nahigit ko ang hininga ko nang biglang pinag-intertwine niya ang mga daliri namin at nag-HHWW na kami oh my God!
Nag-chin up talaga ako habang naglalakad kami ni Brent para ipakita sa mga echoserang froglet na ako ang nagwagi sa kanilang lahat! Halatang-halata ko ang pagkadismaya at pagkainggit sa mga mukha nila. Feeling ko tuloy ako ang pinakamagandang nilalang sa buong Maple University dahil katabi ko ang pinakagwapong lalake sa Earth!
Pagdating namin sa Maclaren ni Brent parang nangalay ang leeg ko. Bakit ba kasi naisipan ko pang gawin 'yun? Tiis ganda lang ang peg pero keribels lang kasi kasama ko naman ang mahal kong asawa. Hihihi.
"Alam ko na kung saan tayo pupunta!" I exclaimed.
"Saan?" his eyebrows raised.
"Mag-Timezone tayo. Namimiss ko nang mag-arcade e." ngumuso ako. Napansin ko ang pag-irap ni Brent na para bang ang sama ng sinabi ko. Arcade is for kids of all ages 'di ba?
"Bakit kailangan pang doon? Mag-hotel na lang tayo." aya niya.
Ako naman ang nagtaas ng kilay. "Hotel? Anong gagawin natin doon? Ang boring nun!"
Namula na naman ang tenga ni Brent. Well, cute as always. Pero ba't kailangan pang mag-blush? May iba ba siyang iniisip?
"Kesa naman sa arcade. Ano ka, bata?" react niya ng matabang.
"Hindi lang pambata ang arcade noh. At saka mag-eenjoy tayo dun. Don't tell me hindi ka pa nakapunta ng arcade?" nanliit ang mga matako habang nakatingin sa kanya.
"I did when I was younger. Hindi na ako nagpupunta sa ganoong lugar ngayon. I find it boring." sabi ni Brent tapos ini-start ang engine ng Maclaren.
BINABASA MO ANG
We Got Married?!
Teen Fiction@ Marrying the Boss Unofficial Sequel Mahirap magkagusto sa isang taong hindi ka kilala, 'yung hindi alam na nag-eexist ka, 'yung dinedeadma ka lang. That's very hurtful on Lily's part. So she made a way to get through to her forever crush, Brent H...