Chapter 10

6.9K 200 9
                                    




** I'm so proud of myself T_T Chapter 10 na ako nang walang burahan :D I wanna finish this coz I enjoy writing this one :) and I love watching SungJoy on WGM <3 hihihi. Kaway-kaway sa mga nanunuod. Ongoing na ako sa Ep 14. Ang layo ko pa huhu. Anyways, enjoy!

Chapter 10:
Shattered Dreams

Lily

After two days, nakauwi na kami ni Papa galing sa ospital. Sinabi ko sa kanya na wag muna siyang magkikilos o magtrabaho ng mabigat para hindi siya ma-stress at isugod na naman sa ER. Gusto ko sanang mag-sub sa kanya sa kumpanya pero ano ba alam ko sa pagpapatakbo ng office supplies trading business 'di ba?

"Pa, papasok muna ako. I have classes at 11 am. Papupuntahin ko na lang dito si Manang Inday para asikasuhin ka ha." niyakap ko si Papa.

"Ayos naman na ako, Lily. Hindi mo na kailangang ipababy-sit pa ako kay Manang." si Manang Inday kasi 'yung stay out naming kasambahay. Nakatira lang siya sa malapit dito sa Village na tinitirhan namin.

"Para sure tayo, Papa. Dapat i-aim natin 'yung full recovery mo ha. See you later. Uuwi ako agad pagkatapos ng class ko ng 5pm."

"Magpahatid ka na lang kay V para hindi ka ma-traffic pag-uwi mo." ngumisi siya.

Pinandilatan ko lang ng mata si Papa. "Ano ba, papa? Magkaibigan lang kami ni V."

"Wushu, kaibigan daw?" umatras ang tingin niya sa akin.

"Yes! We are! At saka hindi ko lang alam kung bakit naging kaibigan ko 'yun dahil napaka-yabang ng taong 'yun, Pa. Kung alam mo lang." I rolled my eyes.  "Syempre kaharap mo siya last time kaya bait-baitan lang 'yun."

Tinawanan lang ako ni Papa t'as hinawi ang kamay niya (like chupi) na parang pinapaalis na ako. "O umalis ka na, baka ma-late ka pa e."

"Opo! Bye, Pa!"

/ / / / /

Muntik na akong ma-late sa first class ko dahil ang traffic kanina! Mabuti na lang at nag-fx ako dahil kung hindi, limas ang pera ko sa taxi. Baka umabot pa ng 500.00 'yung metro ko. Dyahe lang.

Diretso upo ako sa upuan ko at tinignan agad ang cellphone ko. Himala yata, wala ang airmax kasi hindi pa ako nilalamig e. Once kasi na bigla akong mag-goosebumps sa lamig, for sure nandyan na 'yan sa paligid. Mahangin 'yun e. Sobrang mahaaaaaangin.

Nakita kong nag-text si Naya kaya agad kong ini-swipe ang screen ng cellphone ko at binasa ang text niya, nag-reply din ako pagkatapos.

nayaaaa~!

bestie, kamusta na si tito robin? okay na ba? i miss you friend!

me

okay naman na siya naya. see u soon <3 miss you na din bruhilda

Dumating na ang prof namin, wala pa din si V. Nasaan na kaya ang airmax na 'yun? Pinigilan ko na lang ang sarili kong itext siya agad o i-PM sa Facebook dahil baka kasi lumaki na naman ang ulo lalo at magmayabang na mahal ko daw siya. Aba mukha niya!

Nag-check na ng attendance at nag-report na 'yung naatasang mag-report sa araw na 'to pero hindi pa rin siya dumarating. Wala naman siyang sinabi nung nakaraan na aabsent siya ngayon o kaya ay magha-half day? Hala, baka nahawa yata sa over fatigue ni Papa?

Sus! Imposible, hindi nakakahawa ang over fatigue. Baka over ang air sa ulo, meron - at si Taehyung Kim 'yun.

Tapos na ang klase pero hindi talaga siya dumating. Tinanong na rin ako ng mga classmates namin kung nasaan siya pero hindi ko rin sila masagot ng maayos dahil wala rin akong alam . So I decided to text him instead

We Got Married?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon