Chapter 18

6.7K 184 14
                                    

Chapter 18:
Mrs. Brent Harper Sue-Chien

Lily

What a day!

Pagpasok na pagpasok ko pa lang suite ay patalon akong nag-dive sa napakalambot na kama. Ang sakit ng katawan ko lalong lalo na ang paa ko sa suot kong stilettos! Juskoday, hindi naman kasi ako sanay mag-heels e. Kung pwede lang putulin ang takong kanina ay ginawa ko na. Nakatulala ako sa kisame at binalikan sa memories ko ang mga nangyari sa buong araw. This day is huge indeed. I got married with Brent, I had him as my first kiss (OMG! Sugar, spice and everything nice daw ang lips ko!), wedding reception - haaay! I need a break. Nakakapagod.

I touched my lips unconsciously and remembered what happened when we had our first kiss. Bigla na lang lumapad ang labi ko sa kilig. Shems! Totoo nga talagang hindi ako nananaginip! Umikot-ikot ako sa kamang sobrang lambot na halos lumulubog na ko habang inaalala kung paano niya ako halikan sa pisngi papunta sa lips ko! Best day ever!

Actually, naka-check in kami ni Brent sa isang hotel suite tapos bukas naman daw ay uuwi kami sa condo unit namin malapit sa Maple U. Wow, 'namin'. What a term 'di ba? Sa wakas ay asawa ko na siya pero parang hindi naman kami mag-asawa kung magturingan. He's still the same Brent and I'm still the witch he's calling.

Napapitlag ako nang biglang lumabas si Brent mula sa CR. Sabi niya kasi ay magsa-shower muna siya pag-pasok namin dito. Nakailang lunok ako nang makita kong nakatapis lang ng puting tuwalya ang lower body part niya at naka-balandra sa akin ang half-naked niyang katawan. Leche parang magno-nose bleed ako! Huhuhu. Ang hot ni Brent pag wet look lalo na 'yung mga butil ng tubig sa katawan niya lalo na doon sa eight-pack abs niya.

Huwat?! Eight-pack?! Kailangan ko ng tubig dahil parang mabibilaukan ako sa view! Paanong may abs siya ng ganyan kadami e parang ang payat niyang tignan? Parang Taylor Lautner lang ang peg doon sa Twilight. Chuu, nagkakasala ako ng wala sa oras. Bawal ang nasty thoughts, Anneliese! You're bad.

Bumalik ako sa katinuan nang biglang hagisan ako ni Brent ng panyo. "Ano 'to?" sabi ko out of the blue.

"Punasan mo ang bibig mo, naglalaway ka na." diretsong sabi niya.

WHAT. THE. HELL.

Bumangon ako mula sa kama at tinignan ang mukha ko sa salamin. Pucha, akala ko kung ano na. Wala namang laway e. Masyadong lang OA si Brent. Bwisit! Sa pagkapahiya ko ay binato ko pabalik sa kanya 'yung panyo.

"Ang feeling mo, hindi naman ako naglalaway e!" react ko. Feeling ko nga namumula ako dahil doon sa sinabi niya.

"But you're almost there, witch."

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang tanggalin niya ang pagkakabuhol ng tapis ng tuwalya niya na parang magla-live show siya sa harapan ko. Bigla tuloy akong napatakip ng mata. Hindi pa akong handang makakita ng kung anu-anong maselang bahagi ng katawan ng lalaki! OMG! Cannot be!

"Ayyy!" tili ko habang nakatakip ang mga mata ko. Gusto ko sanang sumilip dahil itong mga dirty thoughts ko ay kunukulit ako pero hindi ko talaga kaya. I'm too young for this!

"I walk naked inside my bedroom when I'm changing clothes." sabi ni Brent in a husky way pero ako, shemay para nang siberian husky sa tindi ng pang-amoy dahil naamoy ko ang after-shave cologne at masculine scent ng shampoo niya!

"P-pero hindi mo 'to, bedroom. Suite natin 'to. Sa hotel ito, hindi 'to sa'yo. Bilisan mo nang magbihis, Brent!" pangungulit ko sa kanya habang nakatakip pa rin ang mga mata ko.

Tumawa siya ng malakas. 'Yung tipong tawa na maasar ka, ganun ang pagkakatawa ni Brent. Kainis! Kung hindi ko lang 'to asawa, nginudngod ko na siya kama e. "You are joking me, witch, aren't you? Or are you just plain blind? We're checking in here at Maple Hotel. A Sue-Chien owned business."

We Got Married?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon